TMAFK#25

21.4K 547 57
                                    

Dominic's pov.

I will do everything for the person who is very important to me. Kahit masakit, pinalaya ko na siya. Kahit hindi ko kaya, pinipilit kong lumalayo sa kanya.

"Dominic!"

"Hmm?" Since my girlfriend left me, Eunice was always being there for me. Thanks to her!

"Do you still remember our first trip in Thailand?" She's stunning with or without make up. Hindi ko masisisi kung bakit ako nagkandarapa sa kanya.

"Sorry, limot ko." Limot ko na sa sobrang daming pinuntahan makasama lang siya.

"Ay sa South Korea?" Tanong ni Eunice habang pinaglalaruan ang curl niyang buhok.

"Yep, family vacation." Close friend ang daddy niya at daddy ko kaya madalas kaming magkasama ni Eunice.

"Best memories ko iyon with you. Nakakamiss 'yung panahong magkasama tayo sa Namsan tower."

I don't know when, where, how and why I falling in love with Eunice. Basta one day, I'm crazy in love with her.

Papunta kami sa Quezon Province para ganapin ang aming SEU Camp. Kung saan ay madadaanan ang naglalakihang bundok. Naging malikot na rin ang bus dahil sa paliko likong daan.

Pasimple akong sumilip sa babaeng naka pwesto sa unahan dahil sa sunod sunod na pagkakauntog sa bintana. Tulog mantika talaga ito. Paano ako makakalayo kay Adriana kung lagi akong nag-aalala sa kanya.

Sinulot ko ang aking kamay patungo sa ulo ni Adriana upang hindi na ito mauntog sa bintana. Kahit iniwan niya ako hindi ko naman hahayaang masaktan ito.

Alam kong iiwanan niya ako dahil halata sa mga kinikilos nito noong araw na inaalagaan ako. She kissed me to change the topic about 'walang iwanan'. The reason why I chose to set her free dahil desidido siyang iwan ako.

"Why are so many snacks?" Tanong ni Eunice nang mapansin ang mga binili kong pagkain.

"Binili ko na rin ang barkada ko." Mukhang nag-eenjoy sila kasama ang barkada ni Adriana kaya hindi na rin sila bumaba ng bus para bumili ng mga pagkain.

"Akala ko pinapataba mo ako. You know naman, I'm on a diet."

Malaki ang pagkakaiba ni Eunice at Adriana. Si Adriana kaya kong pasunurin pero si Eunice ay hindi.

"Dominic, I thought you were not mahilig sa yakult? Para kanino iyan?" Turo niya sa paper bag na may laman na yakult.

"Favorite iyan ni Adr—" hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko dahil baka kung anong isipin ni Eunice. I don't want her to be jealous. Baka mawala rin siya gaya ni Adriana.

"Favorite ko!" Mukhang hindi siya mapakaniwala sa sinabi ko dahil nga hindi ako mahilig sa maaasim.

"Kailan ka pa nahilig sa maasim?"

"Someone told me na maasim daw labi ko. Kaya doon nag-umpisa." Napangiti ako nang maalala ko 'yung panloloko ni Miss Chubby tungkol sa lasa ng labi ko.

"So, nahalikan ka na niya?"

Yep, several times and I'm addicted to her.

Adriana's pov.

"Good morning baby!" Nagising ako sa malakas na sigawan ang mga estudyante sa loob ng bus.

"Why are you here?" Napatayo ako sa gulat nang makita ko si Maxwel na nakatayo sa tapat ng bangko ko.

"I'm just checking on you if you are okay." Umupo ito sa tabi ko nakatuon lang sa akin ang tingin.

"Nasiraan kami ng bus kaya nakisakay kami. I'm glad na dito sa bus niyo ako napunta." At tinaas baba niya ang kanyang mga kilay.

Kinuha ko ang aking bag upang makaupo ito ng maayos. "Is this yours?" Tanong ko habang pinapakita ang paper bag na nakabutno sa bag ko.

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon