Busted

1K 16 3
                                    

‘Sorry hindi pwede mging tayo’

Ito ang mga katagang nabitawan ko sa isa sa mga nagtapat sa akin sa chat, at pagkasabing pagkasabi ko noon ay nagout na ako sa messenger ko. Oo isa siya, ibig sabihin madami. Ewan ko ba. Hindi ko naman alam kung ano ang meron sa’kin. Matangkad ako, maputi, maliit ang mata, matangos ang ilong, mapula ang mga labi pero madami pa rin akong insecurities sa katawan kaya hindi ako ganon kaconfident sa sarili ko physically kaya hindi ko alam sa iba kung may itsura ako o ayoko lang maging makapal ang mukha ko. Hindi din ako ganun katalino pero masasabing kong may laban naman ako at talentado, at higit sa lahat hindi ko masasabi kung mabait ako. Lagi ko ngang sinasaktan ang mga kaklase ko pero not literally dahil hindi ako basag-ulo. Prangka ako but I still watch my words pero minsan hindi lang talaga mapigilan at hindi ko mapigilang sabihin kaagad sa mga nagtatapat sa akin na ayoko sa kanila o hindi pwede maging kami.

Napagod ako sa pagnenet kaya humiga muna ako sa kama. Hindi pa rin mawala sa isip ko yung nangyari kanina. Pinag-iisipan ko nga nung isang araw kung ano ang tawag sa mga taong mahilig mangbusted. Kasi ang twag sa mga taong nabubusted ay busted, hindi ba? E ano naman sa mga nangbubusted? Busteders, Bustards o Rejectors? Alin man sa mga katagang ito ang hindi papasa sa panlasa ng mga tao. Lahat hindi magandang pakinggan lalo na yung pangalawa na parang bastard o mustard at ung rejector na para namang gamit gaya ng projector.

Dahil sa pagkakabusted ko na naman sa isang tao naaalala ko na naman ang ilan sa mga binusted ko –medyo ilan lang iyon. Maniwala kayo kahit wala masyado sa itsura ko. Ang ilan personal na nagtapat sa akin kaya bilib naman ako dahil nagipon pa sila ng lakas ng loob para lang humarap sa akin at masabing mahal nila ako. Meron namang sa text lang na kahit binusted mo na, friends pa din naman at meron ding tinatawagan ka pa. Yung isa mabait kausap. Para siyang anghel na bumubulong sa kabilang linya ng telepono, may isa naman na sobrang kulit na tawag ng tawag kahit ayaw mong kausap at yung isa voice message ang gamit. Ang galing nga kasi first time ko lang iyon nalaman. Madami din ang mga naadd ko sa mga social networks na nagtapat sa akin. Mapababae man o lalaki na minsan pasimple pa na kunwari kaibigan muna sa umpisa, hihingi ng number sa’yo at sa huli sasabihing mahal ka and ‘I love u since the first time I saw u’. Wala na bang iba? Ang malala yung kabastusan lang ang hanap. Nakakairita.

Nagmuni-muni muli ako. Wala ba akong magustuhan sa kanila o pinipilit ko lamang ang sarili ko na hindi sila magustuhan ? Dahil ba sa kanya ? Imposible. Nakakatamad balikan. Pero dahil dun naisip ko na kung bakit. Nalaman ko na ang puno’t dulo.

Natatakot na akong masaktan muli.

Ang dami ko ng naiisip kaya nakaramdam na ako ng antok. Siguro iintayin ko na lang na ako naman yung mabusted ng taong mahal ko pra kahit papano maramdaman ko yung nararamdaman ng mga taong binabusted ko at maging isa na rin sa mga taong tinatawag na busted.

Short Story CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon