Prologue

13 1 0
                                    

        Ang sabi nila, "Finding a loyal friend is as hard as finding a tear drop in the ocean". Sa lahat ng mga kakilala at matatawag mong kaibigan, iilan lang talaga ang masasabi mong mapagkakatiwalaan. Mahirap ibigay ang tiwala lalo na pag di mo masyadong kilala. They say loyalty and trust should always be together to have a happy relationship, even in friendships. Kaya dapat, pag nag bigay sayo ng tiwala ang isang kaibigan, you must be loyal.

        I once become a loyal and trustworthy friend. Ganun naman ang sabi nila diba, para magkaroon ka ng bestfriend, you must be true to them. kaya nga bestfriend eh.. Ibibigay mo lahat para lang maging happy ang bestfriend mo. Poprotektahan mo sya at dapat impluwensyahan para maging isang mabuting tao.

        Pero pano nalang kung isang araw, sa hindi sinasadyang pagkakataon, may nagawa kang ikakasakit ng damdamin ng bestfriend mo. Gusto mo mang itigil, pero, puso mo ang nakasalalay. Paano kung pati ang taong mahal mo at mahal ka, ay nakasalalay? Pano kung iisa ang mahal mo at ng bestfriend mo? Kaya mo bang igive up ang friendship mo para maging happy ka at ang taong mahal mo? O magpaparaya ka nalang para sa kaibigan mo kahit alam mong masasaktan ka at ang taong mahal mo?

        Ako nga pala si Nicole Fuentes, at ito ang aking kwento.

You Make Me Feel AgainWhere stories live. Discover now