CHAPTER 9

2K 170 182
                                                  

CHAPTER 9

Broken heart

After that incident, I excused myself to go the comfort room. Kitang-kita ko ang gulat sa expression ni Eliot nang sabihin iyon ni Ivory. Eliot's type are girls older than him.

I forgot that Eliot is a playboy. 'Tsaka why am I being nice to him ba? Did I forget that he is annoying and we are enemies?! Porke naturuan sa math? Tsk.

Tanda ko ay nabanggit nila Selene na wala itong siniseryoso na mga babae. With Ivory's statement, I think Eliot just approached me because he thinks I'm an easy girl. Or baka naman gusto niya akong pag-tripan dahil lagi kaming nag-aaway. Dahil alam niyang hindi na niya ako maasar ay ngayon ito naman ang gagawin niya.

Baka plano nitong paglaruan din ako gaya ng mga babaeng na-link sa kaniya.

But... he is just being a kuya to me. Teaching me with topics I couldn't understand.

Pero kasi! Bakit ganoon ang sinabi ni Ivory? Tingin ba niya ay isa ako sa mga pinaglalaruan ni Eliot?

Nalulungkot tuloy ako.

Eliot is three years older than me, maaga kasi akong nag-aral. Bunso rin ako sa klase namin.

Nang lumabas ako ng CR ay wala na sila kaya malungkot akong bumalik sa pwesto namin nila Diane.

Wala na ako sa mood na mag-cheer kahit na mananalo na ang team nila Neo.

I feel really sad and hurt with Ivory's statement. Parang hindi tuloy genuine ang intention sa akin ni Eliot.

Pero... ija-judge ko na naman ba siya? I mean, paano kung na-misinterpret lang naman siya ni Ivory.

Siguro naman ay pure friendship lang ang gusto ni Eliot. Hindi rin naman akong mukhang papasa sa mga tipo ni Eliot.

I heard from Selene that he used to have a thing with Aleshanee, siya iyong beauty and brain ng batch nila Kael. She's also the Ms. Intramurals last year.

Sobrang ganda non! Panigurado akong ganoon ang mga tipo ni Eliot. Unlike me! Boring akong tao at puro libro lang ang nasa isip.

"Treat ko!" sabi ni Neo nang makaupo na kami sa may cafeteria.

Nanalo ang team nila Neo kaya heto at manlilibre siya.

"Naks! Galante!" asar ni Diane kaya natawa na lang kaming lahat.

While everyone is busy enjoying their food, si Neo ay naupo sa tabi ko para lagyan ng carbonara ang plato ko.

"Favourite mo 'yan, diba?" tanong niya. Tumango naman ako at nagpasalamat.

"Kanina ka pa tahimik, is something bothering you?" tanong na niya nang hindi makatiis dahil tahimik akong ngumunguya ng pagkain.

"I'm fine, Neo. I'm just tired..." sabi ko at inilagay ang takas na buhok sa likod ng aking tenga.

"You sure? Do you want me to buy you some water?" tinignan niya ang lamesa at napansing puro softdrinks ang naroon.

I am not drinking softdrinks because I have UTI. Tumango na lang ako kay Neo para hindi na lang siya ulit magtanong.

He stood up to buy some water. Bumalik naman ako sa pagkain.

Ipinatong niya ang bottled water sa harapan ko at nakipagkwentuhan na ulit sa mga kaibigan namin. Kasama rin kasi namin ngayon si Caroline at Marlon na kaibigan na rin namin.

Matapos kaming kumain ay bumalik na kami sa may field para bisitahin ang iba't ibang booths na meron doon.

Neo got me a stuff toy na napalunan niya.

When Eggs Meets The Army.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon