CHAPTER 7

1.6K 169 125
                                                  

Note: I am reading your comments and I'm happy to know your thoughts and opinion about this. Don't worry, there will be flashbacks. Syempre magkakaroon pa rin ng fanwar at darating si Blink, let's just guess if blink is a she or he hehehehe.

CHAPTER 7

Loser

"Ang tagal ka namang kinausap ni Sir..." sabi ni Callie habang naglalakad kami patungong gate.

Tapos na ang klase namin para sa araw na 'to at napag-usapan naming sabay na rin kaming uuwi. Nakatira ako ngayon sa isang apartment malapit dito sa University. Binili iyon nila Auntie para sana kay Nathalie pero habang wala pa ito ay ako muna ang gagamit.

"May tinanong lang," mahinang sabi ko.

"Type ka siguro ni Sir." Ani Callie bago humagikgik.

Pinilit kong tumawa at umiling na lang dahil sa sinabi niya.

As if!

Xanthe only see me as a younger sister. Kahit noon pa, Malabo naman ang naiisip ni Callie.

At 'tsaka ang rason lang naman kaya ako pina-stay ni Xanthe sa class room ay dahil gusto niyang kumpirmahin na ako nga si Avery.

Hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng pait sa buong sistema ko nang maalalang naisip ni Xanthe na narito ako dahil kay Eliot.

I am not the same Avery before.

Hindi na ako kagaya ng dating Avery na parang baliw kakasunod kay Eliot.

"Sa may kabilang kanto lang iyong apartment na nakuha nila mama sa akin..." agaw ni Callie sa atensiyon ko.

"Gusto mo ihatid kita?" tanong ko. Nag aalala kasi ako na baka mapano siya.

"Naku! H'wag na, malapit lang naman." Sambit nito bago ako nginitian ng matamis.

"Ah sige, dito na ako!" tinuro ko ang gate ng apartment ni Nathalie.

"Sige! See you tomorrow, Nath!" then she waved her hand to me.

Kumaway na rin naman ako sa kaniya pabalik.

Nang makalayo na siya at 'tsaka pa lang ako pumasok ng tuluyan sa loob ng apartment.

Pabagsak akong naupo sa kulay pulang sofa dito sa sala.

Iniunan ko ang ulo sa head rest nito at ipinikit ang mga mata ko.

Parang sumasakit ata ang ulo ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.

Takot, kaba, galit, sakit at pagka-bitter.

Bakit ba napakaliit ng mundo?

Bakit kailangang sa University pang pinapasukan ni Nathalie nagtuturo si Xanthe at Eliot? At 'tsaka ang huli kong balita ay nagtungo siyang California.

Bakit kung ganoon narito siya sa pilipinas? At bakit sa probinsyang ito muli siya?

Hindi ba ay ayaw naman talaga niyang tumira sa probinsyang ito? Bakit dito siya nagtuturo? Bakit hindi sa siyudad? Ang daming malalaking eskwelahan sa siyudad! Mas malaki ang mga opportunities para sa kaniya doon.

Lalo na at grumaduate siyang Summa Cum Laude, panigurado akong siya pa ang hahabulin ng trabaho.

At bakit siya nagtuturo? Graduate siya ng engineering na kurso hindi ba?

Natigil lamang ang mga iniisip ko nang mag-ring ang phone ko para sa isang tawag.

Agad kong kinuha ang phone ko at sinagot nang makitang si Anchoret iyon.

When Eggs Meets The Army.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon