FLASHBACK⇨The Mischievous Plan

482 23 14
                                        

Author's Note:

Just dropping by to say HI!

Enjoy Readers.

---->iamtheYELLOWwitch

Chapter 4- The Mischievous Plan♥

Chord's POV

"Kahit kalian talaga Chord, hindi ka pa rin nagbabago.Pilyo ka pa rin. Kailan ka ba magtitino ha?" ang kapal talaga ng mukha ng gunggong na to.Akala mo kung sinong matino.

"Kung makapagsalita ka parang ang bait mong anak ha, kung ayaw mo kami nalang ni Yll."

"Cge na sasama na ako.Pupusta ako, maputi at makinis yun." linabas ni Jiggs ang kanyang CashCard at winagayway.

Sumunod din na naglabas ng credit card si Yll. "Ako alam ko mukhang may itsura siya. Maganda at sexy." Nakatingala pa siya sa langit na para bang kung ano ang iniisip.

"Pinupusta ko ang buong allowance ko sa taong ito. Masama siya, at masama ang itsura, wahaha.."

Nagulat sina Jiggs at Yll. "Talaga? Pandagdag na rin iyon sa motorsiklong bibilhin ko. P500,000 din un pare.Panalo na ako sigurado."

"Wag kang papasiguro Yll,tignan nalang natin!"

Atriz' POV

Naglalakad ako sa hallway nang may biglang tatlong lalaking humarang sa akin.

"Hi miss, pwede bang mkipagkilala?" tanong ng lalaking may pinakamatinong itsura sa kanila.

Tinitigan ko sila. Bakit parang may itim na aura na bumabalot sa kanila? Naku! Mukhang masama ito.

"Teka Yll, hindi ganyan ang paraan ng pagpapakilala, ganito."

" Yow, Miss nerdy, Im Jiggs and you are?"

Nakita kong binatukan siya ng lalaking nagngangalang Yll.

"Eh ganun din na man ang ginawa mo, nilait mo pa nga eh. At tsaka hindi na siya si Alpha Destiny pare,naalala mo na naman yang fiance mo. hahaha."

"Pwede ba tumahimik ka. Hindi ko siya nilait, nerd naman talaga siya ah. Diba Chord?" lumingon siya sa katabi niya.

Napalingon din ako sa lalaking tinawag nilang Chord. Bakit ganoon? Bakit nakatitig siya sa akin. Bakit parang ang cold ng tingin niya. Nakakatakot naman.

"Ah, excuse me ha, may pupuntahan pa kasi ako."

Paalis na sana ako nang biglang nagsalita ung lalaking tinawag nilang Chord.

"Sandali Miss, ano bang pangalan mo?" ganoon pa rin ang titig niya sa akin. Parang kinakabisado niya ang mukha ko.

Para makaalis na ako, sinabi ko nalang ang pangalan ko. Wala namang masama diba?

"Im Atriz"at tuloy tuloy na kong naglakad.

Naglakad ako hanggang makarating ako sa library para makapagresearch ng aklat tungkol sa mga kung ano anong topic na binigay ni Prof.

May lumapit sa aking isang babae at nakiupo na aking mesa.

" Di ba ikaw yung transferee? Yung galing sa St. Claire" may salamin din siya pero maganda din siya tulad ko.Aba't inanagat ang sarili ha. hahaha

"Ah, oo ako nga. "I'm Atriz Eponin Sandoval, nice to meet you."

"I'm Alpha Destiny Harrington" nice to meet you too.

Bakit parang narinig ko na yang pangalang yan? *isip isip*

"Ah, alam ko na!"

Napalakas yata ang boses ko. Pasensya naman at nakalimutan kong nasa library pala ako.

"Shhhh.. Wag kang masyadong maingay Atriz. Ano ba yung sinasabi mong alam mo na?"takang taka talaga ang itsura niya.

"Ah, kasi iniisip ko kanina kung saan ko naba narinig yung pangalan mo. Parang may nagbanggit kasi nun kanina tapos naalala ko na yung tatlong lalaki pala kanina ang nagsabi nun."

"Sino naman yung mga sinasabi mo?"

"Sa pagkakaalala ko ang mga pangalan nila ay Jiggs, Yll at ...... Naku, hindi ko maalala yung isa."

"Sila pala, dapat hindi ka lumalapit sa kanila, mapapahamak ka."

"Ha, Bakit naman?" kung makapagsalita ito aakalian mong mga rapist o kidnapper ang dinedescribe niya.

"Kasi naman mga chickboy yung mga yun, mga playboy, heartbreaker, casanova, gunggong, bwisit, malas at kung ano ano pa." nakikita ko ang panggigigil sa mga mata niya.

"Lalong lalo na ang Jiggs na yun."

"Bakit parang kilalang kilala mo sila?" nakapagtataka naman.

Lumipat siyasa tabi ko at linapit ang bibig niya sa tenga ko.

"Kasi ganito yun, secret lang natin ha, fiance ko kasi yung isang gunggong dun,yung si Jiggs."

"Eh bakit mo siya linalait kung fiance mo pala siya"

"Basta, mahabang kwento, ibahin na nga lang natin ang usapan."

Ang daldal naman nitong babaeng ito. Parang hindi siya nauubusan ng salita. Kung ano-ano pa kinwento niya. Na kaya daw hindi siya nakauniform ay dahil hindi siya dito nag-aaral at sila ang may-ari ng school na ito. Eh paano naman kaya niya nalaman na transferee ako kung ganun. Hindi ko nalang siya tinanong at baka hindi na matapos ang paguusap namin eh. Nagulat lang ako sa huli niyang sinabi na nandito lang daw siya para sa isang misyon.

Hay, mga weirdo nga naman.

Chord's POV

"Hoy, Chorderine kanina ka pa tulala diyan ha. Ano bang iniisip mo?"

Nandito kami ngayon sa bahay ni Yll. Makikigamit kasi ako ng printer niya dahil nasira ang sa akin.

"Iniisip siguro niyan kung kelan niya babayaran yung P500,000. Haha" Pinagsasabi ng mga to. Wala akong pakialam sa pera ko. Hindi ko lang talaga maiwasang maisip ang kanyang mukha. Hinding hindi ko makakalimutan ang mukhang iyon. Napakaganda niya. At pinakanakakagulat sa lahat, hawig na hawig niya ang kaisa-isang babaeng minahal ko mula pagkabata.

"Posible kaya?" hindi ko naiwasang masambit.

"Posible ang alin? Nawala kang pambayad? Naku, hindi pwede yan Chord, ang pusta ay pusta."

"Siraulo, hindi yun bukas na bukas din ibibigay ko na yung bayad ko. Salamat sa print Yll, uwi na ako."

Pinaharurot ko an gang sasakyan. Kailangan kong makauwi agad. Kailangan kong makapag-isip at mapagisa.

VOTE.

COMMENT.

FAN.

The Casanova's Lying GameHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin