Chapter 18 : Why so sweet?

Começar do início
                                    

"Even your hand smells good" napatingin ako sakanya ng itaas niya ang magkasiklop naming kamay tsaka inamoy at paulit ulit pang hinalikan ang likod nun. Muli naman akong pinamulahan ng mukha kaya napatingin na naman ako sa labas. Bwisit ka talaga Andy! Wag ka namang ganyan! Pakiramdam ko kasi'y hihimatayin na ako kakapigil ng kilig ko dito ugh...


Kagat kagat tuloy ang labing pinipigilan ko namang huwag mapangiti sa ginagawa niyang iyon. Don't smile Lyvhie! Don't you dare to smile! Tandaan mo galit ka pa sakanya. Galit ka pa okay?


"Huwag ka na kaya munang pumasok" yung kilig ko naman kanina'y bigla nalang nawala dahil sa sinabi niyang iyon.


What?! Abay! Nagpakahirap pa akong nagbihis kanina para lang pala sa wala! Argh!


"Hindi pwede" matigas kong pagtutol. Sino ba naman matinong estudyante ang gustong umabsent? Syempre walaaa!


"Okay. Dadalhin pa naman sana ulit kita sa El Paraiso" awtimatiko namang namilog ang mga mata ko sa narinig.


Gusto kong pumasok pero dream place ko yung Paraisoooo! Okay. Ngayon lang naman eh. Why not? Hihi.


"Totoo ba yan? Di ka nagjojoke ha?" paninigurado ko. Ngumiti siya tsaka pa tumango.



"Okay! El Paraiso tayo!" masaya kong sambit tsaka kinuha ang kamay ko sakanya para paulit ulit na pumalakpak sa kinauupuan ko. Alam ko mukha na akong bata ngayon pero wala na akong pakialam. Gustong gusto ko talaga ang lugar na iyon eh.



"Wala na ba dito iyong pinsan mong dyosa?" tanong ko dahilan para mapatingin siya sa akin habang naglalakad kami ngayon papasok ng building kung nasaan ang penthouse niya.



"You mean Tzuyu (Chewy)?" tumango naman ako tsaka ngumiti. Sa totoo lang gusto ko siyang makita ulit, hindi naman sa may balak akong masama lalo pa't may asawa na yun, si Nami. (A/N : actually, sila po yung characters sa isinulat kong story na "Be My Wife". If interested po kayo, you can visit my timeline po para mabasa iyon. Thanky ^_^)



"What's with her?" taka pang tanong nito ng makapasok na kami sa elevator. Wala nga ni isang nagbalak sumabay sa amin lalo na iyong mga staffs dito dahil siguro takot sila sa owner nitong El Paraiso, na si Andy nga.



"Wala lang. Namimiss ko lang yung mukha niy––– I-I mean sila makabonding mag-asawa" pilit pa akong napatawa dahil sinamaan na ako ng tingin ni Andy. Anong problema nito? Hindi kaya....



"Teka nga, are you jealous?" tukso ko pero mas lalo niya lang akong sinamaan ng tingin.



"Sabi ko nga hindi" tsaka pa ako umarteng nagzip ng bibig. Kinandado ko pa nga yun tsaka kunyaring itinapon ang susi sa sahig tsaka pa inapak-apakan. Yung kaninang matalim na tingin tuloy ni Andy, bigla nalang din napalitan ng pagtataka dahil sa ginawa ko.



Ahm. Sisihin niya si Jade dahil sa aming magbi-bestfriend siya lang naman ang may sa ugaling kanto. Nahawaan lang ako ng hmm slight lang naman hehe...



"You're weird" imbis na umimik pa'y napangiti nalang ako. Sus Andy, andami mong knows. Nagseselos ka naman talaga eh. Indenial.



"Ito talaga pinakagusto ko dito" sambit ko habang nakatingala sa painting ng sunflower sa harapan ko. Simple lang naman siya pero ang ganda niya talaga sa paningin ko.



Never Be The Same | Filipino GxG Onde histórias criam vida. Descubra agora