CHAPTER 6

1.9K 202 231
                                                  

Note: Idk when will I be able to update this story again kaya itutuloy-tuloy ko siya today then hiatus for how many days siguro. Hirap kasi ng graduating student, 'di mo hawak oras mo.

CHAPTER 6

Not again

Ang siguro'y nakakapag-panatag sa akin na magpanggap bilang Nathalie ay iyong katotohanan na ito ang first year niya sa college at malayo rin sa dating eskwelahan niya noong senior high school siya ang University na pinapasukan ko ngayon.

Her family is busy searching for her, gusto ni Auntie na magiging private investigation ang mangyayari lalo na at narito ako ngayon at nagpapanggap na si Nathalie.

I feel awkward and still don't know what to do, knowing na I'm pretending to be an 18 year old girl when the truth is I am already 25 at dapat may trabaho't pamilya na gaya nila Anchoret.

Natapos ang unang subject ko ngayon at ayon sa schedule ko ay may vacant akong 2 hours before the next class. Iyong unang subject ko lang din naman ay more on introduction pa lang dahil ito ang unang araw dapat nila Nathalie bilang college student.

Parang kailan lang ay ang prinoproblema ko lang ay ang pagkakaroon ng chance para maka-attend ng concert ng BTS. Ngayon ay ang dami-dami na...

Onting orientation and such na alam ko na dahil naranasan ko naman ng mag college at grumaduate na rin ako sa kursong BS Accountancy.

Ang kurso ni Nathalie ay Architecture, hindi ko nga alam kung tama lang bang narito ako gayong hindi naman ako maalam sa kursong ito.

But still, I will do my best to keep Nathalie's grade.

But... can I do it?

I suddenly felt bitter as I remember my college days. Napapikit ako ng mga mata at piniling kalimutan na lang ang nakaraan. Ayoko ng balikan dahil hindi naman ito nakadulot ng tama sa akin.

"Excuse me... can you accompany to the cafeteria? This is my first day here and I still don't know where the cafeteria is." Napatigil ako sa paglalakad nang makita ang isang babaeng may bitbit na libro.

She looked like the typical smart student na sa tingin ko'y goal ang makapagtapos ng may Latin honour o kung swerte ay maging Summa o Magna cum laude.

"Sorry, first time ko lang din dito." Nahihiya kong sagot. Nakakailang lang kasing isipin na siguro ay 18 or 19 pa lang siya tapos hindi niya ako tinatawag na ate.

Parang pakiramdam ko tuloy ay hindi niya ako ginagalang bilang nakakatanda.

Kaso naaalala ko na hindi nga pala ako si Avery ngayon, ako si Nathalie, 18 years old.

Iniisip ko tuloy, kung sa edad din ba nilang ganito ngayon, o sa generation ba nila ay uso pa rin ang K-POP. katulad din kaya namin sila noon?

Napangiti ko ng mapakla ng maalala na disbanded na ng mga KPOP group na dati lang sinusuportahan ko.

"Oh... I'm sorry!" paghingi niya ng paumanhin bago namula ang maputi nitong pisngi.

"No! I mean... I can join you in finding the cafeteria." Offer ko rito para naman makabawi na rin.

I am glad that I am good at approaching people, kahit na hindi naman to the point na friendly na.

"Talaga?" parang nagliwanag ang mukha niya sa sinabi ko. Tumango naman ako at ngumiti.

Basta I just found myself hanging out with her.

"Talaga? You are also an architecture student?!" halos tumalon siya mula sa pagkakaupo nang sabihin iyon. Natatawang tumango naman ako rito.

When Eggs Meets The Army.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon