CHAPTER 5

2.1K 192 316
                                                  

Note: If hindi ninyo maintindihan, the first 4 chapters are just flashbacks.

CHAPTER 5

Present time...

Years passed.

And today, I can feel again that...

I'm a failure.

At least that is what I know.

I sway my hips, following every beat of the music coming out from the stereo of this night club. Everyone is having fun, dancing like this will be their last dance.

Matagal ng panahon ang lumipas mula nung makaramdam ako ng saya.

Itinaas ko ang aking kamay at isinabay iyon sa galaw ng aking katawan. Pikit mata kong dinama ang kanta at nakangiting sumayaw.

Kahit kasi papaano ay nakakaramdam ako ng saya at pansamantalang kalayaan mula sa mga iniisip kapag narito ako at ang tanging iniisip ay kung anong oras akong dapat tumigil at umuwi.

Partying and drinking had been my stress reliever whenever I feel like wanting to die. It's a great therapy for me to forget, kahit panandalian lang.

I just felt my friend's hand on my waist, she leaned closer to whisper something in my ears but the place is too loud for me to hear.

"What?" I asked.

"I said I need to go now..." Anchoret said before heaving a sigh.

"I told Neo and Caroline to drive you home. I'm really sorry, the twins wants me home already." I tapped her back the smiled to her.

"Don't be sorry, silly! I should be the one saying sorry here because I forced you to join us." tumawa pa ako bago siya niyakap.

She hugged me back the pat my shoulders. "Stop drinking, Avery. Be home before 12..." paalala niya na siyang kinatawa ko lalo.

Seriously this girl! Simula ata nang magka anak siya ay naging masiyado na siyang seryoso sa buhay at mala nanay na rin talaga kung umakto.

I nodded my head para matahimik na siya at umuwi na nga sa mga anak niya. She gave me a hug and kisses before she bid her good bye.

I saw her saying good bye to Caroline, too na tahimik lang na nakaupo sa may table namin. She's sipping her champagne while secretly judging everyone she sees.

Samantalang gaya ko ay nage-enjoy rin si Selene sa pagsayaw. She's dancing with a random guy in the dance floor.

Bumalik ako sa pagsayaw lalo na nang mas lalong naging mainit sa dance floor at maingay dahil sa pagpapalit ng kanta ng DJ.

One thing I have learned in life is that you don't let anything... or anyone to control you. You should be the one controlling your life. You should be the one to control your feelings and emotions.

Don't let anyone dictate what you should do...

And as I expected, I woke up with a hangover. Napahawak ako sa aking ulo at parang gusto na lang na iuntog ito dahil sa sobrang sakit.

I rubbed my eyes using my thumb before looking at the sticky note beside my bed with a cup of drink. Napangiti ako at kinuha ang papel 'tsaka binasa.

Drink that or I'm going to kill you!

XOXO, Diane.

Natawa ako at kinuha ang inumin na tingin ko'y gamot para sa hangover. I thank God for giving me such a wonderful best friend named Diane.

Napangiti ako at hindi na nagdalawang isip pang inumin ang hinanda nito sa akin. Nang tumingin ako sa aking wrist watch ay nakasisiguro akong wala na ito ngayon sa unit naming dahil magtatanghali na. Of course, she has a stable job and she's very successful. Everyone around me is successful and happy with their lives.

While me? What do you expect from a failure human being like me? Of course, none! I am not good at everything, I don't have a job, and I don't have anything.

The things I am good at before? Wala na 'yun.

My phone rang for a call, maliban sa mga kaibigan ko ay wala naman ng tumatawag sa akin kaya nakakapagtakang bigla itong magr-ring ngayon. Sigurado kasi ako na nasa trabaho ang mga kaibigan ko at wala silang oras para tawagan ako sa mga oras na ganito.

Napakunot ang aking noo nang makitang ang tita ko mula sa malayong probinsya ang tumatawag.

Probinsya na parang ayoko na lang isipin at balikan pa.

Napahinga ako ng malalim, hindi alam kung dapat bang sagutin ang tawag nito. Pero sa huli, wala rin akong nagawa at sinagot nga ito.

"Hello, Auntie..." magalang kong bati.

"Avery! Naku! Buti at nasagot mo ang tawag..." ang malambing na boses nito ang bumungad sa akin. Napangiti ako ng mapakla, malamang ay masasagot ko talaga ang tawag.

Wala naman akong trabahong pinagkaka-abalahan.

Hindi na rin muna ako naga-apply ng trabaho dahil sa panahon ngayon ay talagang mahirap ang paghahanap ng trabaho. I just chose to take a break for months at bigyan ng oras ang aking sarili.

"Opo naman, ano ho ba iyon, Auntie?" tanong ko rito.

"Naalala mo pa ba iyong pinsan mong si Nathalie." Nagtataka man sa tanong nito ay sumagot pa rin ako ng oo.

Paano ko nga ba naman makakalimutan iyong si Nathalie, e noong mga panahong magkasama kami ay lagi kaming nasasabihan na para bang kambal.

"Opo, auntie." Magalang kong sagot.

"Your cousin is missing, Avery..." hindi ko na maintindihan kung ano pang gustong iparating ni Auntie.

"Po? Ano pong nangyari?" Auntie started to cry while telling me that my cousin went missing.

Pagkababa ko ng tawag ay napahinga ko ng malalim. She's asking me to go to our province to help her.

Nakagat ko ang pang ibabang labi at hindi malaman kung ano ba ang dapat kong maramdaman.

Basta ang alam ko'y nasa harapan na ako ngayon ni Auntie at hawak-hawak nito ang aking kamay.

"Matagal ng pangarap ni Nathalie ang makapasok sa eskwelahan na iyon, Avery. Hindi ko alam kung anong mararamdaman niya kung biglang mawala sa kaniya ang chance na iyon." Nagsusumamo ang boses nito at parang desperadang-desperada.

"Pero, Auntie... paano po iyon? I'm already 25 and..."

"You don't look like your age, Avery. Please... please, I am willing to pay you. I heard you still don't have a job. I can give you a job once you're done with this."

Nanghina ako at napayuko na lamang. Hindi ko alam sa kung paanong paraan ako napa-payag ng Auntie. Basta ang alam ko ngayon ay nakaupo na ako sa loob ng class room.

"Nathalie Fortalejo?" Tawag ng teacher para sa attendance.

Dahan-dahan kong itinaas ang aking kamay sabay sabing... "Present!"

And here I am now, pretending to be Nathalie Fortalejo, 18 years old.

When Eggs Meets The Army.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon