CHAPTER 4

2.1K 235 504
                                                  

CHAPTER 4

Help

Sinasampal-sampal ko ang pisngi ko habang naglalakad patungong Guidance Office para ibigay roon ang report card ni Eliot.

I couldn't believe myself.

I let myself judge Eliot just because he looks arrogant. Dapat ay pinaalalahanan ko ang sarili ko tungkol sa kasabihang Don't judge a book by it's cover.

"Daga!" napatigil ako sa paglalakad nang may marinig akong boses sa likuran ko. Sino pa bang tatawag na daga sa akin? Malamang si itlog lang.

Mabilis naman akong lumingon at nagkatagpo agad ang aming mga mata. His eyes are too mysterious, parang nakakahiyang titigan kasi parang kahit simpleng tingin lang ay nabasa na agad niya lahat ng kasalanang nagawa ko sa mundong ibabaw.

His perfect nose matches his lips na may kaunting hati sa bottom lip. I can't believe someone as handsome as him exists in this world.

I mean! He is not that handsome... just, damn it!

I just couldn't accept to myself na pinupuri ko ang isang 'to.

Pero sabi nga nila, nobody's perfect, kasi kung anong kinagwapo niya, siya namang kinapangit ng ugali niya.

Kung mayroong perpektong jawline, kaniya siguro iyon. Bagay na bagay rin sa kaniya ang balat nitong hindi kaputihan pero maganda sa paningin. His body is not too big but not too small, too. Tamang-tamang lang para sa kaniyang edad.

His hair looks so soft, malayong-malayo sa kung anong itsura niya. He looks so hard... I mean, parang ang manly niya kasi talaga.

"I just want to ask if you saw a report card." sambit niya sa matigas na ingles.

Even his voice! Even his voice sounds so manly!

Kumbaga siya iyong kahit kailan ay hindi mo paghihinalaan na bakla. Teka nga! Bakit ko ba tinititigan 'tong kupal na 'to?!

"Ah yeah," pinilit kong gawing normal ang tono ng boses ko kahit na kinakabahan ako.

Pakiramdam ko kahit hindi na wala siyang ideya sa mga pinag-iisip ko ay alam niya iyon.

I stretched my hand to hand him his report card. He looked at me with his mysterious eyes before going down to his report card, inabot niya iyon bago bumalik muli sa akin ang mga mata.

"Napulot ko malapit sa library..." sabi ko. Kahit kasi wala naman siyang sinasabi ay pakiramdam ko gusto niyang malaman saan ko napulot.

"Oh, I see..." he nodded his head. "You are going to the library?" he asked as if he concluded already that I was in my way to the library but I saw his report card that's why I'm here!

Well if that's what he's thinking then he is right!

"Was to... but I saw your report card." Sabi ko at binaling ang tingin sa kaniyang report card.

"To pay your kindness, can I walk you there?" nagulat ako sa tanong niya kaya hindi agad ako nakasagot.

Napakurap-kurap ako at umawang pa ang labi. Anong trip ng lalaking 'to? Parang kailan lang tinatawag niya akong daga. Actually, kanina nga lang ay tinawag niya akong daga.

I know it's been weeks since we had our momentum like this... I mean ngayon na lang ulit kami nakapag-usap. Mula kasi nang magkabanda siya ay lagi na siyang mabilis umaalis sa klase.

When I realized that maybe I looked like an idiot ay mabilis akong umiling.

"Hindi na! Kaya ko naman, kahit sino naman siguradong makapulot niyan ay gagawin din ang ginawa ko." Gusto ko na nga siyang irapan.

When Eggs Meets The Army.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon