CHAPTER 3

2.7K 223 412
                                                  

CHAPTER 3

Judgmental

After being the most hated class mate in our class room, unti-unti ay nakasundo ko rin sila. Lalo na si Neo, Caroline, at Marlon. Nagkaroon na rin ako ng iba pang close friends.

Hindi ko na rin masiyadong nakakasalamuha si Eliot kaya kahit papaano ay ayos na ako dun.

"Congratulations, Avery for being the Rank 1 again!" ang ngiti ko'y hindi mawala-wala sa aking labi habang binabati ako ng mga kaklase ko.

"Nagtaka pa ba kayo? Talino kaya nitong best friend ko." Pagyayabang ni Diane kaya mahina ko itong hinampas sa braso.

"Hindi naman, bae..." nahihiya kong sabi.

Kahit na kasi sabihing masaya ako at muling nag-rank 1 sa klase ay nahihiya pa rin ako kapag may tumatawag sa aking matalino. Today is the releasing of grades, kahit naman kasi busy ako sa pagf-fangirl ay hindi ko pa rin nakakalimutang bigyan atensiyon ang academics.

Hindi naman kasi ako matalino, sadyang masipag lang mag-aral. I love reading and learning some stuffs. It's my passion kahit na noong bata pa ako.

"Anong hindi? Kaya pala mula grade 1 tayo ay hindi ka na umalis sa pagiging rank 1?" sabay irap sa akin ni Diane.

Thankful talaga ako na kahit wala akong masiyadong close dito sa section ay nandito pa rin si Diane. Si Candice kasi at 'yung iba kong kaibigan sa kabilang section ay hindi ko naman ganoon ka-close.

Si Diane lang din ang hindi naiinis sa akin na army ako.

"Ikaw talaga, Diane! Parang hindi mo naman alam na humble iyang si Avery." Tatawa-tawang sabi ni Neo sa tabi habang may hawak na bola.

"Oo nga, e. Samantalang ikaw mukhang nilamot na ng varsity at NCT ang utak mo." Irap ni Diane dito.

"Grabe ka, ha? Pasado pa rin naman ang mga subjects ko." Nagsimula na naman silang magkaroon ng debate tungkol sa kung ano-anong bagay kaya dumiretso na ako sa upuan ko upang makapag-basa ng libro.

Grade 9 students na kami at malapit na ring matapos ang quarter, next school year ay grade 10 na kami at alam kong mas mahirap iyon kesa sa grade namin. Sisiguraduhin kong makakapag-study ako ng maaga bago pa mag-start ang grade 10.

"Bye, Miko! Text me agad kapag nasa class room ka na." tapos ay humalik si Anchoret sa pisngi ng boyfriend niyang si Miko.

Naupo na ito sa tabi ko at bumaling agad sa kaniyang cellphone.

"Buti pa kayo ni Miko ay stay strong. Gusto ko na atang hiwalayan si Kael." Biglang sabi ni Marielle at naupo na sa upuan niyang nasa harapan ni Anchoret.

"Bakit na naman? Pang limang boyfriend mo na iyan si Kael ngayong taon, hiwalay na naman?" singit ni Diane na naupo na rin sa tabi niya.

Mukhang tapos na silang mag-away ni Neo kasi pumunta na si Neo sa mga kaibigan niyang si Caroline at Marlon.

"Ewan ko ba, ang boring kasi niya minsan." Umirap pa si Selene. "Ikaw ba? Kailan mo naman sasagutin si JP?" Usisa naman nito.

"Hindi ko pa alam, e. Patagalin ko pa siguro." Sagot naman ni Diane.

"Relasyon ang pinapatagal, Diane... hindi ang panliligaw." Akala mo'y isang philosopher si Anchoret nang sambitin iyon.

"Magkaumayan sana kayo ni Miko." Banat naman ni Diane.

Ibinaling ko ang mata ko sa librong hawak ko, mamaya kasi ay may quiz kami sa geometry. Hindi ko pa naman na-review iyong itinuro ng teacher namin kahapon kasi maaga akong nakatulog kagabi.

When Eggs Meets The Army.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon