Author's Note:
Salamat sa mga patuloy na nagbabasa ng TCLG.
Asahan ninyong mag-uupdate ako at least once a week.
Sorry sa mga errors. Pasensya na, tao lang.haha
Well, see you again sa next chapter.
Enjoy.
---->iamtheYELLOWwitch
Chapter 3 - The First Meeting♥
Chord's POV
Nandito ako ngayon sa likod ng Gymnasium kung saan matatagpuan ang mini forest ng school namin.
Hindi naman kalakihan itong Harrington kasi pili lang talaga ang mga estudyante dito. Siguro 200 na estudyante lang ang nag-aaral dito. Yung mga may gifted talent of Arts lang talaga ang accepted dito.
Well, Gifted ako eh kaya nandito ako.
Linabas ko mula sa bag ko ang aking beloved DSLR na pinangalanan kong "cookie" para manguha ng larawan. Buti na lang at sinabi na sa akin ni Yll ang totoo.
Huwag kayong magtaka kung bakit cookie ang pangalan ng camera ko. Bigay kasi ito ng isang espesyal na tao sa buhay ko at gusto niya na cookie ang ipangalan ko dahil paborito kasi naming ang cookies nung bata pa kami. Kaya kahit luma na, ginagamit ko pa rin.
"Ngayon ko lang napansin na maganda pala dito at presko pa. Cookie, galingan natin ha, huwag mo akong bibiguin." kinaukausap ko talaga ang camera ko. May pagkawierdo din ako minsan eh.
Nakakailang shots pa lang ako ng may napansin akong isang babaeng nakaupo sa may bench sa gilid ng mini forest. May hawak yata siyang sketchpad kaya sigurado akong may giniguhit siya.
Hindi ko masyadong makita ang mukha niya kasi naman medyo nakatagilid siya at nakayuko. Ang alam ko lang, may eyeglass siya.
Inayos ko si cookie at hinanda upang kuhanan siya ng litrato. Nakailang shots din ako. Hindi ko alam kung bakit ko siya kinuhanan. Parang may bumubulong sa akin at nagsasabibg kuhanan ko siya ng litrato. Parang nararamdaman ko na parang kailangan ko siyang makilala at makausap.
"Hay!! Ewan ko ba. Makaalis na nga. Tama na siguro itong nakuha ko. Sa tingin ko naman may magandang shots na dito sa camera ko."
Umalis na ako bago pa mapansin nung babae na makamasid ako sa kanya. Buti sana kung maganda siya, kaso sa tingin ko hindi eh. Wala naming magandang naka eyeglass diba? Nerd, pwede pa.
Atriz' POV
Kasama ko naman ang sketchpad ko at ang drawing kit ko.Nandito ako ngayon sa may gilid ng mini forest ng school namin. Ito kasi ang pinakapaborito kong lugar sa lahat dahil dito ako nakakakuha nga inspirasyon para sa mga ginuguhit kong damit.
"Buti na lang talaga at nahanap ko itong lugar na ito. Napakaganda ng view at sigurado akong ako lang ang nakakaalam ng lugar na ito." umupo ako sa bench sa may bandang gilid.
Hindi pa ako masyadong pamilyar sa bawat sulok ng paaralan namin dahil transferee ako. Kung kelan ako nag fourth year saka pa ako nagtransfer kaya eto, wala pa akong kaibigan. Buti na lang mababait ang mga classmates ko.
Inayos ko ang aking salamin at sinimulan ko ng gumuhit. Hindi pa ako nangangalahati sa aking ginagawa ng may maramdaman akong parang may liwanag nanggagaling sa aking likuran.
"Ano ba yon, naku kumikidlat yata. Teka, possible ba yun eh hindi naman umuulan? Ang taas nga ng sikat ng araw eh." hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy na ako sa aking ginagawa.
Chord's POV
"Pare,patingin naman jan kung ano ang ipapasa mo dyan." pinipilit ako ni Yll na ipakita ang mga kuha ko mula sa aking camera.
"Ayaw ko nga, ano ako tanga?"
"OO!!!" sabay na sagot nina Yll at Jiggs.
Tatawa pa sana sila pero bigla silang natahimik noong pinakita ko sa kanila ang aking kamao. Aba't dapat lang talaga silang tumigil, kung hindi gagawin ko sila mga punching bag.
Pumasok sa silid si Mr. Montecillo.
"Ok,class kahit hindi ko pa kokolektahin ang mga requirements niyo, kailangan kong makita kung may ginawa na kayo at kung makasimula na kayo."
"Ah Prof ,nandito pa po siya sa camera namin. Wala pa pong printed copy." saad ni Jiggs
"Ok lang, basta makita ko na may ginawa na kayo at para mapayuhan na rin kayo kung kailangan pa ninyong ma improve ang mga litrato niyo." biglang tumayo si Prof at unti unting lumapit sa kinauupuan namin.
Linabas ko si cookie para ipakita kay Prof.
"Prof, ako na mauuna. Eto po, tignan niyo nalang diyan."
Inabot ko sa kanya ang camera ko.
Nakikita ko ngayon ang mukha ni Prof na parang hindi natutuwa. Magsasalita na sana ako upang bawiin ang camera ko ng biglang,
"Aha! Perfect!"
Nagulat ako sa lakas ng boses ni Prof. Pati mga classmates ko ay napatigil sa kanilang ginagawa.
"You know Chorderine, you really never fail to impress me."
Anong nangyari, bakit parang tuwang-tuwa siya sa nakita niya. Hindi ko maiwasang magtaka. Kanina nakakunot nuo siya ah.
Pinakita niya sa akin si cookie. "This, I want this to be featured immediately in the Facade. This is Perfection! Take this and don't forget to give me a copy tomorrow, first thing in the morning, understand?"
Sumang ayon na lang ako kay Prof. Tinignan ko ang screen ng aking camera. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Ito pala ang sinasabi ni Prof na perfection. Ni hindi ko nga sinadya na kunin to eh.
"Si Prof talaga baliw, haha."
"Chord, pakita naman yung sinasabi ni Prof na Perfection daw.
Ni hindi man lang niya pinansin itong sa akin. Kaasar siya talaga ." halata kong naaasar na talaga si Yll.
In-ON ko ung camera ko at pinakita ko sa kanila ang larawan. Ito ang kuha ko sa may mini forest sa likod ng Gymnasium.
Sa bandang kaliwang bahagi ng larawan ay makikita ang mga nagtatayugang puno ng Maple Tree habang sa bandang kanan naman ay ang isang babaeng nakasalamin na nakaupo sa may bench na may hawak-hawak na sketchpad. Kahit, malayo ay halata ang mukha ng babae.
"Pare, sino tong babaeng to? Parang ngayon ko lang nakita."
"Siya yata yong sinasabi nilang transferee eh. Fourth year na rin yan."
"Wow, Yll wag mong sabihing type mo tong babaeng to. Bakit ang dami mong alam?" Nagsimula na naming mang-asar si Jiggs.
"Hindi ah, hindi ko pa nga siya nakikita eh. At tsaka parang pangit kasi naka eyeglass." kung makapanglait talaga tong mga ito, kaibigan ko nga talaga sila. HAHA
May bigla akong naisip.
Mukhang maganda itong gagawin ko.
VOCÊ ESTÁ LENDO
The Casanova's Lying Game
Ficção AdolescenteCOPYRIGHT 2012/lyricalwitchstories.yolasite.com "There's a whole lot of things that I will forgive but I just can't take a liar." What will you do when everything you thought was true was all just a lie? Will forgive and forget be an option? Will yo...
