continuation....

Akira's POV

"Grr! Nakakaasar talaga siya! Kapal ng mukha magpakita pa sakin! Ugh!" Kanina pa yang si Candy. Di matigil ang bunganga.

"Ano ba problema mo ha, Candy?" inis kong tanong. Ang ingay kasi e. Kairita.

"E pano ba naman kasi! Yung Lucas na yun, kapal ng mukha para lapitan ako. Tsk. Hay nako!" I sighed at nagpatuloy nalang sa pakikinig ng music.

"Wag mo nalang pansinin. Mapapagod din yun." Sabe ni Sully.

"Sana lang! Sana mapagod na siya kaagad. Naiirita talaga ako sa presensiya niya." inis niyang sabe.

"Wooosh! E dati nga tuwing lalapitan ka niya di ka mapakali sa excitement." natatawa kong sabe. Sinamaan naman niya ako ng tingin. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Matagal na yun. Past is past, okay? Tsk." sabe niya. Hay nako, ewan ko ba sa babae na to.

"Wag mo nalang pansinin. Tignan mo si Sully, di pinapansin si Rain." sabe ko sabay tingin kay Sully.

"Tsk." sabe niya sabay irap. Lol. Affected!

"E ikaw ba, Akira. Hindi ka pa ba kinukulit ni Jiro?" tanong ni Candy.

"hindi. Kaya nga good mood ako e. Buti na rin yun, dahil ayoko maging bitter."

"Psh. Ayaw maging bitter? Wooosh! Magiging bitter ka din, sooner or later. Hahahahaha!" sabe ni Candy. Loko tong babae na to.

*beep*

Bigla naman tumunog yung phone ni Candy.

"Ano? New toy for the week?" tanong ko. She nodded.

"Bago nanaman? Di ba pwede kahit isang linggo lang wala kang bagong lolokohing lalake?" sabe ni Sully. Ay sus! Asa naman to.

If I know, ginagawang panakit butas lang ni Candy ang mga toys niya. Toys ang tawag niya sa mga lalakeng fling niya for the week.

Buti nga siya for a week e. Yung iba jan, mga 2 o 3 araw lang. Minsan nga isang araw lang e.

Mabait parin ang bestfriend namin kahit papano. Hehehe.

"I gotta go. See 'ya later." sabe ni Candy sabay flying kiss. Nako, may date nanaman siya.

Candy's POV

Pagkatapos kong iwan sila Akira agad na akong nagtungo sa park. Dito kasi kami magkikita ni Kevin.

Yes, he's my toy.

Pagkarating ko sa park, agad ko naman siya nakita. Nakikipag laro siya sa mga bata.

Hindi yung as in pang bata na laro ha. He's like a big brother playing with his little siblings.

I smiled. "Kevin." tawag ko. Lumingon naman siya. At nung makita niya ako, nginitian niya ako.

Naglakad ako palapit sa kanya. "Hey." sabe niya sabay hapit ng bewang ko at halik sa pisngi.

"Eww!" napatingin naman kami sa mga bata. We chuckled. Lumuhod ako para pantayan yung mga bata.

"hello there." bati ko sa mga bata. 4 sila. 2 babae at 2 lalake.

"Hello, po." bati nila. I smiled.

"Ang kyu-kyut niyo naman."

"Thank you po!" sabe nila sabay ngiti sakin.

Tinignan ko naman si Kevin. Nakatingin lang siya sakin habang nakangiti. Tumayo na ako.

"Kanina ka pa ba?" tanong ko sa kanya.

Sweet DespairBasahin ang storyang ito ng LIBRE!