sya^ si Emcee! at ang galing nya~ :D sa comment nya kasi sa last ud, ginamit nya ung RIGHT TERM to describe what Chelle is currently going through. hehe hmmm.. thanks po ah. porr reading PB.. ;)) 

- - - - 

x51: Believe What? 




[RACHELLYN's PoV] 


From school, dumiretso ako ng uwi sa bahay. Pagkauwi ko naman ay humiga agad ako sa may sofa. 


HAAAAY.. 


Nakakapagod. Nakakainis. 


Ang dami-dami kong kailangang gawin ngayong malapit na matapos ang klase. Tapos, dumagdag pa sa inis ko yung mga makukulit kong kaklase. 


Tsk. Ewan. Masyado lang akong nagiging mainisin nitong huli. 


Kusang pumikit ang mga mata ko dahil sa pagod at inis. 


Pero pagkapikit ko, nagflashback naman sa utak ko yung nangyari samin ni Adrian more than a week ago! Agad-agad tuloy akong napaupo. 


>___< 


Bakit ba kasi sa sofa namin yun ginawa? Kada higa ko tuloy dito, naaalala ko yun.. 


Natulala naman ako at kinapa ang puson ko. 


Lagi na lang akong kinakabahan pag naiisip ko na pwedeng nagbunga ang pagtataksil ko kay CJ.. 


God.. 


Di ko pa rin alam ang gagawin ko.. Natatakot ako sa magiging reaksyon nya.. 


Malamang lang na magalit sya, na masaktan sya, at ayaw ko nun. Pero..ano pa ba ang magagawa ko?


I sighed and faced my palms, trying to stop myself from crying. 


"MOMMYYY!" 


Sigaw yun ng baby ko mula sa labas ah? 


Kinusot ko ang mga mata ko at nagpunta sa may pintuan. Nandun nga sya at buhat ni Adrian habang papasok sila dito. 


Si Adrian na nga pala ang laging nagsusundo sakanya sa school. Sya na lang kasi ang pwede at sya na rin ang nagkusa. Kaso..tsk. Naunahan nila ng dating si CJ ngayon. Gusto ko sana laging nandito si CJ pag hinahatid ni Adrian si Andy. 


"MOMMY!! FRIES!!" inabutan ako ni Andy ng fries pagkapasok nila. May bitbit din syang plastic ng McDo. "AND MCFURRY PO!" 


MCFURRY.. Hehe. McFlurry pala yung isang dala nya. 


"Di na baby. Tara bihisan kita." 


"CHELLE." halos tumalon naman ang puso ko sa pagtawag ni Adrian. 


Ito ang iniiwasan ko eh. Kaya gusto ko ring nandito si CJ pag pumupunta sya dito. Pag nandito kasi si CJ, di nya ko kakausapin-- not about THAT TOPIC at least. 


"A-Ano?" tanong ko sakanya. 


Binaba nya na si Andy na pumwesto naman sa center table para kumain. 


"Nakapag-usap kasi kami ni Teacher Riz kanina.." sagot nya. 


Psh.. Si Teacher Riz.. 


Nagpatuloy si Adrian sa sinasabi nya tungkol sa pinag-usapan nila ni Teacher Riz pero wala akong maintindihan. Iba ang naiisip ko. 


Paano kaya sila nag-usap ni Teacher Riz? Yung tipo ba na hinahawakan sya ni Teacher Riz sa braso nya tapos si Adrian, tuwang-tuwa naman? Laging naka-miniskirt si Teacher Riz eh kaya siguro, nagdiwang ang paningin nya kanina. 


Tsk. 


"Chelle?" napatingin na ko kay Adrian. Pero may naramdaman ako bigla sa tyan ko kaya napahawak ako ron. 


"E-Excuse me Adrian." tinalikuran ko sya. 


"Ano ba Chelle? Iniiwasan mo na naman akong kausapin eh." may inis sa tono nya. 


"H-Hindi kita iniiwasan! Masakit tyan ko okay?! Kaya pupunta kong CR!" inis ko ring sagot sakanya at pumunta na kong CR. 


Masakit talaga ang tyan ko. Pumwesto pa nga ko agad sa toilet bowl kasi akala ko magpi-pee ako but no. 


I saw something on my pantyliner. Something RED which relieved me SO MUCH. 


It's mens.. 




[ADRIAN's PoV] 


Argh! Nang talikuran ako ni Chelle, umupo ako sa sofa nila. 


Ang totoo, naaasar na ko. Hindi sakanya pero sa ginagawa nya. 


Mula nung may nangyari samin, ganyan na sya. Iiwasan nya ko hangga't maaari, mapa-school man o dito sakanila. 


Naiintindihan ko kung bakit nya ko iniiwasan pero pag kinakausap ko sya tungkol sa anak namin, wag naman sana syang ganyan diba? 


Tsk. Mahalaga pa naman yung sinasabi ko. Tungkol yun sa recognition nila Andy. 


Haaay.. Namaaan.. 


Ang tagal mag-CR ni Chelle ah? 


Siguro sinasadya nya yun at lalabas lang sya pag nandyan na si CJ. 


Si CJ.. Pansin ko yun eh. Na kada hatid ko kay Andy eh nandito ang lalaking yun. Pwera nga lang ngayon. 


"PAPA! KUYA KA BA PO?" biglang tanong ni Andy habang kumakain. 


"Kuya? Ako? Hindi eh.." 


"OOH.. PAPA! SI MICHAEL PO, KUYA! MERON SYANG BABY BROTHER PO!" 


"Ah.. Talaga.." 


"PAPA! GUSTO KONG MAGING KUYA DIN PO! GUSTO KO DIN NG BABY BROTHER AND BABY SISTER PO!" *O* 


Natawa ako dun ah. "Gusto mong mag--" 


Natigilan ako. Si Andy, gusto magka-kapatid at maging kuya? 


Teka.. May nangyari samin ni Chelle eh.. Di kaya..di kaya mabuntis ko sya ulit? 


Paano na ba.. Maaga pa para malaman eh.. Tsk. Nag-aalala ko. Lalo na't sila pa rin ni CJ. 


Nang mapansin kong nasa dining na si Chelle, nilapitan ko sya agad. 


"Chelle." tawag ko sakanya. 


Huminto naman sya pero hindi tumingin sakin. 


"Yung nangyari satin, kung--" 


"Pwede ba Adrian? Wag na natin yan pag-usapan." 

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!