This is it!!!

9 0 0

Where have you been??? Pag-aalalang tanong sakin ni Carla. Its a long story, sabi ko naman kay Carla habang abala ako sa pag-aayos sa sarili ko. Mga girla cmon na! Pagmamadaling sabi samin ni Trish. Nang makapasok na kami sa room kung saan andun ang lahat. Ang daming tao at karamihan ay nakatingin samin. Sh*t girla you've got there attention! Bulong ni Carla sakin at pagkatapos ay umupo na kami sa isang bakanteng upuan. Napukaw ang attention nang lahat ng magsimula ng magsalita ang MC. Pagkatapos ng ilang introduction, dumating na rin ang pinaka iintay ko. Ipinakilala na ng MC ang dating president ng batch namin. Walang iba kung di si Clark Richardson. Sh*t he is still the same! Sabi ko sa sarili ko habang nakatitig lang sa kanya sa di kalayuan. Girla wag masyadong pag nasahan, baka matunaw. Sabi ni Trisha habang abalang kumakain. Close your mouth girla baka masubo mo na sya! Sabat naman ni Carla habang nalilingon lingon. Tse! Manahimik kayo dyan! Im so over it! Sabi ko sa dalawa sabay baling na lang sa dessert na nasa harap ko. Sinong niloko mo??? Sabi ni Trisha habang puno ang laman ng bibig nito dahil sa kinakain at pagkatapos akmang kukunin nya yung nasa tabi kong plato na may lamang cake at sinabing, girla akin na lang ito. At tuluyan ng kinuha. Girla may napapansin ako sayo, sabi ko kay Trisha habang tinitignan sya kumain. What is it? Sagot ni Trisha habang may laman yung kaniyang bibig. Girla parang tumataba ka! Sagot ko kay Trisha at parang napigilan sya sa narinig. Shes right! Na-notice ko rin yun, sabat naman ni Carla habang halatang di mapakali. TH(tamang hinala) lang kayo mga girla! Pagdepensa ni Trisha sabay tungga sa juice. TH? Ehh dati yung waist line mo nasa 26 lang, ngayong nung ginawan kita ng dress nasa 30 na! Sabat naman ni Carla na tila walang patid ang kakalingon na tipong may hinahanap. Di naman na umimik si Trisha at sinimangutan na lang si Carla. Teka nga girla! Kanina ko pa napapansin, parang may hinahanap ka! Sino ba yun? Pang-iintriga ko kay Carla habang pino-point yung tinidor kong hawak sa kaniya. Huwag mo akong problemahin, ang intindihin mo ay yun... Sagot ni Carla at sabay turo ng kaniyang nguso sa direksyon ni Clark. Itutuloy mo pa rin ba yung plano mo??? Pahabol pa ni Carla. Thats the reason why were here! Seryoso kong sagot habang nakatitig lang kay Clark.

Matatapos na ang mga kaganapan sa party pero di pa ako nakakaisip ng plano. Kaya naman ng nakahanap ako ng pagkakataon agad na akong kumilos. Nakatayo ako ngaun at nakasanda sa isang table na malapit sa likuran ni Clark. Nang akma ng aalis si Clark at papunta sa direksyon ko bigla kong kinabig ang kamay ko na may hawak na baso ng juice para tumapon kay Clark, pero sa hindi inaasahan. Sh*t! Sabi ng lalake na nanggaling sa gilid ko. OMG! Im so sorry! I didnt mean to! Sabi ko dun sa lalake at nilapag ko ang baso ko sabay kuha ng tissue. Hey are you ok dude? Tanong ni Clark sa lalake. Nadumihan mo yung armani ko! Sagot ng lalake at ako naman akma ng pupunasan ng tissue yung suot nung lalake na suit sabay sabing, Im really sorry... Pero hinawakan nung lalake yung kamay ko na may hawak na tissue. Ako na! Pasungit na sabi nung lalake at sya na ang nagpunas ng nabasa nyang suit. Agad ko namang binaling yung attention ko kay Clark at sinabing, Clark Im really sorry, I didnt mean to ruin the party... No its ok, its just an accident. Sagot ni Clark sakin habang nakatingin sya sa akin at nakangiti. By the way Im.... Naputol ang sasabihin ko ng bigla sumabat yung lalakeng natapunan ko ng juice. I know you! At napatingin kami ni Clark pareho dun sa lalake. What???? Gulat kong tanong dun sa lalake at napaisip ako. Sabi ko sa sarili ko. Shit di pa nga ako nakakapag simula sa plano ko nabuko na agad ako. Your the seducer! Pasigaw na sabi nung lalake. What???? Pagtatakang tanong ko. You seduce me the other night and kanina you seduce me again! Remember! Sabi ng lalake sakin habang nangingiti at kinindatan pa ako. Tapos naalala ko na kung ano yung tinutukoy nya. OMG! What are you doing here??? Pagulat at pagtataray kong sagot. Obviously alumni ako! Sagot nung lalake. And you what are you doing in here??? Following me??? Tanong nung lalake. Common sense! Alumni din ako! Pagtataray ko sa lalake sabay pag-irap dito. Im Emerald Santiago! Pahabol kong sagot dun sa lalake sabay lahad ng kamay ko kay Clark na tipong nagpapakilala. Ohh, hi! Sagot ni Clark habang hawak ang kamay ko at pahabol pa nya, Im... Pero agad ko syang inunahan, Clark Richardson! Of course I know you!!!! At pagtatakang sagot naman ni Clark. Really??? Sasagot na sana ako ng biglang nagsalita yung lalake. Of course! Cause you are the President of the student council! Sabay tapik sa balikat ni Clark. Napangisi na lang si Clark at sinabing, muntik ko na makalimutan. At pahabol na tanong ni Clark. E ikaw pre, who are you???

Sa mga nagtataka kung sino si EMERALD SANTIAGO, malalaman nyo po sa susunod na chapter kaya keep on reading lang! Thanks ^-^

Sweet revengeRead this story for FREE!