Paid Stories Badge Paid Story
Ito na ang huling libreng bahagi

Part 4

5.9K 151 42

LAKAD-TAKBO ang ginawa ni Blessie nang masigurong pigura ni Seb ang nakitang naglalakad papasok sa entrance ng lugar nila pagkababa niya ng jeep.

"Seb! Hintay!"

Napalingon naman agad ang lalaki at napangisi nang makita siya, "O, Bising!"

Napangiwi siya. Bukod tanging ito lang ang tumatawag sa kanya ng ganoon kapag nang aasar. Iyon din kasi ang pangalan ng sikat ng komadrona/hilot/albularya sa lugar nila. Nakatuwaan lang yata ni Seb na gawing palayaw niya kasi root word daw ng Blessie. But at some point, she finds it cute kasi nang minsang sinugod sa ospital ang komadronang Bising dahil nabunggo ang motorsiklong sinakyan nito, naging usap-usapan iyon sa youth meeting. Nang marinig ni Seb ang pangalan, agad itong sumabat, "Si Bising namin?!" Nakakahiya man pero mas nanaig ang kilig sa kanyang kalamnan.

"Manonood ka ba ng laro bukas sa San Roque?" Tanong agad ni Blessie. "Kasali daw ang White Doves sa liga eh."

"O tapos?"

"Gusto kong pumunta." Lambing niya sa lalaki

"Pumunta ka." sagot nitong hindi siya tinapunan ng tingin.

"Eh, manonood ka ba? Pupunta ka din?"

"Hindi ako manonood." Diretso ang ang tingin nito sa daan habang nagpatuloy sa paghakbang.

'Anyare? Snob? Bad mood?'

Mukhang walang plano gumala ni Seb. Nakakalungkot naman kung hindi siya makakapanood ng laro. Sigurado kasi siyang hindi siya papayagan ng daddy niya pag wala ito. First game pa naman ng White Doves pero naiintindihan niya. Alangan namang mamilit siya? Napaka shellfish naman nun. After all, may sarili din itong buhay, may sariling gusto.

'Okay.'

Nang mapansin ni Seb ang pananahimik niya, bahagya itong lumingon at tiningnan siya sa gilid ng mata.

"Maglalaro ako." anitong ngumisi.

"Maglalaro ka?" Bakas sa reaksiyon ni Blessie ang pagkasorpresa.

Naaliw naman si Seb sa biglaang pagbago ng mood sa kanyang anyo. Ipinatong ng binata ang braso nito sa balikat ng dalaga at padaskol na kinabig. "Oo, kaya sabihin mo sa daddy mo na pupunta ako."

"Yes!" Tuwang sambit ni Blessie. Makakagala siya.

"Ang swerte mo Bising, pinanganak ako." Pagmamayabang nito.

Iyon din ang sabi ng mga kaibigan niya, 'papable' dw kasi ang tagapangalaga niya. Ramdam niya sa mga titig at sulyap ng mga babaeng may gusto kay Seb ang naglalagabdab na inggit. Kung nagtataglay lang siguro ng telekinesis ang mga mujer na iyon ay matagal na niyang nilisan ang mundo ng mga buhay.

Kagaya na lamang ng mga sandaling iyon, sino ba ang hindi magseselos sa ganoong view? Kahit siya ay nakaramdam na ng pagkaasiwa sa mahigpit na pag-akbay ni Seb.

"Malas kamo! May bantay ako." yamot ni Blessie

"Gwapo naman! 'San kapa?"

'Oo na! May kumontra ba sa bagay na 'yan? Huwag kana masyadong maging close at baka magclose din ang utak ko't mahalikan kita.' sambit ng pilya niyang utak

NAKAKABINGI ang pinaghalong hiyawan ng mga tao at tunog ng sound system sa covered court ng barangay San Roque. Ang mga manlalaro ng dalawang team ay nakaantabay na sa magkabilang gilid. Naghihintay ng pagtawag sa kani-kanilang pangalan.

Mula sa kahoy na bench na inuupuan ni Blessie ay kitang-kita niya ang nakapamaywang na si Seb na masinsinang kinakausap ng coach, tatangu-tango ito habang nakikinig. Kabilang ang lalaki sa limang manlalarong unang sasabak sa laro.

"Good evening ladies and gentlemen! Gilbert Olano welcomes you to San Roque covered court for tonight's basketball matchup between the visiting team NiceVille Whitedoves and the home team SR Gladiators!" Pagsisismula ng announcer.

Matapos patugtugin ang pambansang awit ay isa -isang pinakilala ang unang line-up ng manlalaro.

"To start with a superior inside and outside operator with two consecutive MVP awards, a five feet eight inches, second year college , number nine, Sebastiiian de Chaveeeez!"

Pansin ni Blessie ang sigawan at palakpakan ng mga babae nang ipakilala ang kaibigan niya. Hindi niya masisisi ang mga ito dahil bukod sa nag-uumapaw ang kapogihan nito sa puting jersey ay mas lalo yata itong pumuti sa paningin. Mas Lalo niyang nafeel na ang swerte niya dahil siya ang malapit dito.

'Unlimited inggit, tumatanggap ako!'

Panay ang kanyang cheer sa White Doves kasama si Felicity sa tuwing makakapoints ang mga ito. Pero dahil dadalawa lamang sila ay nahihigitan ang boses nila ng pinagsamang lakas ng supporters ng kalaban.

"Bad trip! Buti pa isinama nalang natin pati pamilya natin. Nakakainis ang lakas ng boses nila!" talak ni Blessie

"Easy ka lang girl, wala namang pabigas sa cheering eh."

Sa puntong iyon ay naagaw ng Wild Doves ang bola. Nagdribble ang manlalaro habang tumatakbo patungong ring, kumuha ito ng buwelta at akmang bibitawan ang bola pero muli itong yumuko at sa halip ay ipinasa kay Seb. Alerto naman ang huli sa pagsalo. Sa maliksing kilos ay nagawa nitong iwasan ang mga humahabol na kalaban at saka pumuwesto. Tila slow motion ang swabeng pag-angat ng pulang sapatos ni Seb at paglipad ng bola sa ere patungo sa nahihintay na ring. Kasabay ng pangyayaring iyon ay napaangat din ang p'wet ni Blessie sa upuan habang kagat-labing pigil ang kanyang hininga. Hindi magkamayaw ang sigawan nang walang mintis na pumasok ang bola sa loob ng ring.

"Three points! By number nine, de Chavez!" saad ng announcer.

"Marry me, de Chavez!" Tumikwas ang mataray na kilay Blessie sa narinig na sigaw ng tatlong babae sa unahan.

'Naka three points lang, pakasal agad?' Ngayon lang niya nakita ang mga babaeng iyon kaya sigurado siyang hindi iyon nakatira sa subdivision nila. Nakapekpek shorts ang mga haliparot!

"I love you, number nine!"sigaw ulit ng isa sa mga kasama nito na sinundan pa ng malanding bungisngisan.

"Aba't hindi talaga titigil ang mga higad na to." saad niya kay Felicity na natawa din sa reaksyon niya.

Mas lalong uminit ang ulo ni Blessie nang sa paglingon ni Seb sa gawi ng mga ito ay nag-iwan ng nakakasilaw na ngiti.

'Daig pa ambassador ng toothpaste!' Lalo namang nagtititili ang mga lukaret.

"May pa-ganyan ka ha." Pinagala ni Blessie ang paningin niya sa court. "May cheering squad ka na pala."

Nahagip ng mga mata ni Blessie ang nilalang na pasok sa kanyang criteria. Binanat niya ang harap ng suot niyang t-shirt, inikot at tinali. Tadaaa! Panlaban sa pekpek shorts nila! Litaw ang pusod, nag-inhale siya ng mas malalim pa sa balon ni Sadaku at bumwelta ng sigaw.

"Number twenty one! Woooh! I love you! Pakasal tayo! Ngayon na!" Dahil walang number twenty one sa Wild Doves kaya napalingon ang manlalaro ng SR Gladiators na nagngangalang Benitez.

Namataan din niya na nakatingin si Seb sa kanya. 'Kiber.' Mas Lalo siyang na-enjoy dahil pati si Felicity ay nakisali din sa kalokohan niya.

Kagaya ng ginawa ng mga babae ay maharot siyang bumungisngis nang ngitian siya ni Benitez. Nag heartshape pa siya gamit ang mga daliri.

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay Aura, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni Aura
@AuraRued
Teenage Blessie always had a feeling that Seb de Chavez had feelings...
I-unlock ang bagong bahaging ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita para sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 16 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @AuraRued. Matuto nang higit pa
Once Upon A Neighbour (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon