TMAFK#17

27.2K 706 78
                                    

Adriana's pov.

"Sa deal bawal magselos." Panloloko ni Ava habang pinapanood si Dominic na nakikipagsayaw kay Abigail sa gitna ng dance floor.

After niya akong ihatid sa aming table ay bigla na lang itong nawala sa tabi ko without saying goodbye.

"I'm not jealous. Hindi niya ako girlfriend para i-under ito." Hindi naman ako nagseselos pero nakakaramdam lang ng inis. Ano 'yon, three timer? Pagkatapos kay Eunice, sumunod ako, tapos ngayon naman ay si Abigail. Chick boy!

"Babaero talaga iyan. 'Wag niyo na lang pansinin." Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa Emcee.

"And before we close this program, may I call on Miss Balmaceda to annouce the winners or shall I say the ladies and gentlemen that mesmerized the crowd." Masayang wika ni Ma'am Anika dahilan para magsigawan ang mga estudyante.

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ngayon. Para bang gusto ko na lang umalis sa Villa'ng ito at umuwi ng bahay.

"The Prom Princess and the Prom Prince goes to Miss Athena Ava Martinez and Mr. Albert Earl Montez from section wisdom." Announce ng Emcee para mapasigaw itong mga kaibigan ko.

"Ako talaga?" Halatang hindi makapaniwala itong si Ava sa narinig.

"Oo, ikaw nga. Kaya pumunta ka na doon."

Excited si Ava na pumunta sa unahan para kunin ang sash, trophy at crown. Kitang kita ko naman ang sobrang saya ni Albert nang maka partner niya ang kaibigan ko.

"Alam mo bagay sila ni Albert." Kumento ni Maxine.

"Kahit bagay sila kung wala naman gusto si Ava ay wala pa rin mapupura si Albert."

"Oy Adriana, 'di ka sure. Pakiramdam ko may gusto na rin itong kaibigan natin kay Albert. Biruin mo, araw araw silang magkasama." Napangiti naman ako sa balita ni Maxine. Mas mabuti kung gano'n kesa naman masaktan pa rin siya doon kay Amerikang hilaw.

"The Prom King and Prom Queen goes to...." .

"Sana si Dominic and Adriana para solid."

"Adriana and Dominic 'yan, pustahan?" Bulong bulungan ng mga estudyante sa paligid. Hindi naman ako umaasa dahil maraming magaganda ngayon.

"Mr. Dominic Giles and Ms. Rebicca Eunice Garcia." Wika ng Emcee dahilan para lahat ng estudyante ay lumingon sa akin habang iniintay ang reaksyon ko dahil hindi ako napili bilang Prom Queen.

"Ang akala ko si Adriana ang prom queen pero hindi pala. Sayang!"

"Mas bagay naman sila Eunice at si Dominic."

"Tinadhana talaga sila. Look, may ka in relationship sila pero sila pa rin napili as King and Queen."

Ngumiti na lang ako kahit hindi naman talaga ako natutuwa. Ayaw ko lang na may naaawa sa akin. Hindi naman ako naapektuhan pero bakit ako'y nasasaktan. Tapos tanong nang tanong sila kung okay ako, 'yan tuloy naapektuhan na ako.

"Okay ka lang?" Lumapit sa akin ang mga kaklase ko habang nag-aalala.

"Oo naman. Walang isyu sa akin." At ngumiti ako ng pilit.

"Okay lang 'yan Adriana. Kung si Eunice ang Prom Queen, ikaw naman ang girlfriend ng Prom King." Pangongomfort ng bakla namin Vice president.

"Naku guys! I'm not affected. Okay lang iyan sa akin." At tumawa na lang ako at nagpanggap na hindi naapektuhan.

"Congratulation winners, but before that isang sweet dance mo na d'yan para sa closing ng event na ito." Sambit ng Emcee dahilan para magsigawan ang lahat.

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon