Papunta sila Kai at Kyla sa Doctor para magpacheck up si Kyla ayaw sana niya pero napilit siya ni Kai kaya ito sila ngayon.

"Goodmorning!" Masiglang bati ni Doctor Steve Gabe Cabrerra sa magkapatid

"Buti bumalik ka Kyla" Lapit nito sa dalaga.

"Iwan ko muna siya sayo babalik na lang ako!" Sabi niya sa Doctor kaya tumango lang ito sa kanya.

Ng nakaalis na si Kai tahimik lang ang dalawa.

"How's your feeling?" Tanong ni Steve sa dalaga, para basagin ang katahimikan.

"Good!" Nakangiting sabi nito sa Doctor.

"Kyla, Kailangan mong pumunta regular sakin para sa check up niya" Sabi ng Doctor.

"But Doc!" Pagtanggi niya.

"Kyla Please nag aalala sila sayo" Sabi ng Doctor niya.

"They don't need to worry alam naman natin ang kakalabasan diba I want to spend my life para gawin ang mga gusto ko ilang panahon na lang ako diba" Paliwanag niya sa Doctor.

Di na ito nagsalita naramdaman niya na ayaw lang malaman ng dalaga kung ano na talaga ang sitwasyon niya.

Chineck niya ito nakita niya ang mga pasa nito sa katawan, dumating si Kai.

"Can we talk?" Tanong ng Doctor sa binata kaya lumabas ito kasunod ang Doctor.

"Ito yung mga bagong gamot kailangan niya yan, kailangan mainom niya yan Kai!" Sabi ng Doctor tumango lang ito.

Dumaan sila ng botika parabilhin ang bagong gamot ng Ate niya.

"Hi!" Bati ng dalaga sa mga magulang nila.

"Oh kamusta lakad niyo?" Nakangiting tanong ng ina nila sa kanila.

"Good Ma, nameet ko na si Sam, she's nice and beautiful, right Kai?" Tanong ni Kyla sa kapatid niya nagkibit balikat lang ito at tumingin sa malayo.

"Ito yung mga bagong gamot mo Ate inumin mo ng on time yan" Abot sa kapatid ng gamot.

"Iinumin ko yan kung ikaw magpapainom sakin" Lambing ni Kyla sa kapatid niya bumuntong hininga lang ito "Fine!" Sabi niya.

Nagkatinginan lang ang magasawa sa usapan ng mga anak nila, Oo matigas ang ulo ni Kai pero di matigas ang puso nito lalo na sa Ate niya.

***

"Oh bro anong balita?" Tapik ng isang barkada ni Kai na si Sebastian dito tumango lang siya dumating din si Martin ito ang pinakamalapit sa binata sa lahat ng barkada niya yung iba sa inuman at away lang niya kasama itong dalawa ito ay kaibigan niya sa hirap at ginhawa.

"Kamusta na ang kapatid mo?" Tanong ni Martin na nagsalin ng alak sa baso niya.

"Same, may mga binigay na bagong gamot pero ang gusto niya ako ang magpapainom sa kanya" Sagot ni Kai sabay inom ng alak.

"Aba, wag ka masyado magiinom baka malasing ka makalimutan mo ang pag inom ng gamot ng Ate mo" Nagaalalang sagot ni  Martin sa kaibigan.

"Oo nga" Pag sang ayon ni Sebastian, kahit mukhang bad boy sila marunong silang magalala kahit papaano, nakilala niya ito nun nakipag away siya bugbog sarado siya ng limang lalaki tinulungan siya ng mga ito.

"Uwi na muna ako" Paalam niya sa mga kaibigan alam ng mga ito ang sitwasyon ng kapatid pati na din ang relasyon nito sa mga magulang.

Ang kapatid lang ni Kai ang feeling niya na kakampi niya, di naman siya ganun dati pero simula ng malaman niya na hindi sa totoong anak ng mga magulang niya nagrebelde siya, pero kahit ganun si nagbago ang pakikitungo ng kapatid niya sa kanya kahit itulak niya ito palayo pilit pa din niya inaabot nito, nakadagdag pa na sinisisi niya ang pagkapilay ng kapatid dahil sa gusto siyang iligtas nito nalaman niya na adapted ito nun panahong nadisgradya silang magkapatid kaya simula nun nagalit siya sa mga magulang kaya naging malamig ang pakikitungo nito sa ama't ina, halos sukuan na siya nga mga ito pero hindi ang Ate niya.

Kumatok si Kai sa kwarto ng kapatid "Ate Kyla oras na para uminom ng gamot" Lapit ni Kai sa Ate agad naman uminom ang kapatid.

"Ate, magpagaling ka ha!" Sabi nito.

"Wag mo kong iiwan ikaw na lang ang meron ako" malungkot na sabi nito dala na din sa awa sa Ate at dala ng espirito ng alak, niyakap ni Kyla ang kapatid niya.

"Kai, di yun totoo nandiyan pa sila Mama at Papa" Sabi nito sa kanya.

"Kung bubuksan mo lang ulit ang puso mo sa kanila" Dagdag pa nito.

Tahimik lang ulit si Kai sa sinabi ng Ate niya di niya alam kung ano sasabihin niya ang mahalaga sa kanya ang pagaling ng kapatid niya.

**

"Kyla, aalis na kami ng Papa mo nandiyan naman sila Manang pag may kailangan ka ha Anak" Sabi ng ina niya at humalik pa sa noo ng anak.

"Sige Ma ingat po kayo ni Papa" Sagot nito.

"Tumawag ka pag may problema ha" Dagdag ng ama niya at lumapit sa anak at humalik din.

Pinuntahan din ng mag asawa ang kwarto ni Kai pagbukas nito.

"Anak Kai, may business trip kami ng Papa mo one week din kami, sana tignan tignan mo ang Ate mo" Sabi ni ina niya

"Alam ko naman di mo papabayaan ang Ate mo, tumingin lang siya sa mga magulang at tumango.

"Oh sige Anak aalis na kami" Sabi nila at humalik ang ina sa pisngi ng anak.

secretvhans ♥♥

I meet Mister Rebel (COMPLETED) **for editing**Basahin ang storyang ito ng LIBRE!