Chapter II - Out of My League

10 0 0

-SYLEM'S POV-

"Nandito na tayo!" Mukhang ang saya ni Kuya Jonas ah? Ano kayang meron?

"Pa-parang a-ang bilis naman?" Kabaliktaran naman etong si Sam eh halos naubos lahat ng make-up niya at kulay niya sa katawan. Namutla? Natatakot? Kinakabahan? Bakit kaya? Baka nandito si Andrei? Oo! Baka nga nandito.

"Oh! We're here na pala! Tara lets go pasok na. Me is na eexcite na! I know maraming hot boys inside!"

Etong si Gabrielle sinabihan nang magtino pagkadating dito. Wala paring pinagbago tong babaeng uod na to! Pasalamat siya kapatid siya ni Ate Seitch kung hindi, hindi sana ako papayag na sumama tong higad na to eh.

"Hoy lalakeng pinaglihi sa sama ng loob!" - Samantha

Aba't loko tong babaeng to ah? Sa gwapo at hot kong 'to, pinaglihi ako sa sama ng loob? Insecure lang to eh. Palibhasa mas maganda ako sa kanya kung naging babae ako.

Hoy! hoy! hoy! Iki-clear ko lang ha? Straight ako! Baka kung ano-ano nang iniisip niyo jan.

"Huuuuuuuuy! Sylem! Lutang ka na naman ba?" Eto na naman si Ate Seitch sa mga pang aasar niya. Pero kahit ganyan yan, favorite Ate ko yan.

Hindi naman nagkakalayo mga edad namin its just that..... oh wag ka! English yun! mas mature mag-isip yung iba tulad ni Ate Seitch. Oo mahilig mang-asar yan. Madalas pa nga siya nag-uumpisa ng harutan sa barkada. Pero pag oras na ng pag seseryoso, asahan mo isa yan sa mga taong pag nagsalita ramdam mo tagos hanggang arteries ng puso mo.

"Sylem! Ano ba? Kanina ka pa tinatawag para kang batang walang naririnig ah?"- J

"Hindi naman sa walang naririnig kuya J! Si Samantha kasi eh, wala nang ginawa kundi badtripin ako."

"Tinawag lang kitang lalaking pinaglihi sa sama ng loob para makuha atensyon mo! Napakadrama mo naman. Parang yun lang binabadtrip agad?"

"Sylem! Samantha! kayong dalawa makakatikim kayo sakin mamaya pag-byahe pauwi. Umaandar na naman pagka isip-bata niyo? Ipapaalala ko lang ha? Nasa debut po kayo, hindi Kiddie party. Okay?"

Ayan na. Nagalit na si Ate Yumiko. Pareho nalang kaming napayuko ni Sam dahil sa kahihiyan. Nakagawa na pala kami ng eksena ng di namin nalalaman.

-SEITCH'S POV-

Haaaaaayiiiiiiiiiiiiiiiiiiii! Uwaaaaaaa may POV ako. I mean OH EM JII as in E-Me-Gesh.

(A/N; pag pagpasensiyahan niyo na tong si Seitch pinaglihi ata sa energy drink kaya ganyan ka-hyper)

"Sylem! Samantha! kayong dalawa makakatikim kayo sakin mamaya pag-byahe pauwi. Umaandar na naman pagka isip- blah blah blah blah."

Umandar na naman pagka-menopause ng ugali nitong si Yumiko. Dinaig pa yung lola ko kung manermon eh?

Pero, tama naman kasi siya. Nandito kasi kami sa debut and dapat kahit papaano nagdala ng extrang GMRC (Good Manners and Rice Cooker---chos! Right Conduct) etong sila Syl at Sam eh. Pero di bale na! Nangyari na eh? Well? Nandiyan na yan.

We bowed our heads to apologize sa mga naistorbo namin sa debut. And they nodded as an answer.

"Sorry po Ate Yumiko! Di na mauulit." - Sam

Napansin ko lang kanina pa ang gloomy ni Sam simula nung nakarating sa venue. Ano kayang iniisip ng batang to? Tsk. tsk.

"Sammy?" tawag ko sa kanya. "Po? Ano po yun ate Seitch?" buti naman sumagot to. Akala ko lutang din katulad ni  Sylem eh.

"Pansin ko lang, Parang wala ka ata sa mood mo simula nung dumating tayo dito. Is there anything wrong sweetie?"

"Ah! Wala naman po. Hindi lang po siguro ako sanay na ...-- Ah wala po." Anong wala? Alam ko meron Sam ayaw mo lang sabihin pero di bale malalaman ko rin yan SOON.

"Oh! osige pag may problem ka? Don't hesitate to call me ha? *kisses*"

"Opo! Salamat Ate Seitch" this kiddo never fails to make me smile. Actually pala ngiti talaga tong si Samantha eh. Di ko lang alam anong bumabagabag sa utak niya ngayon.

"Now let us welcome our special guest that will be singing for our debutant; Sylem Anthony Marquez"

"Uhm. So this song is one of my favorites and I hope you'll like it."

Syl starts to strum his guitar and flies to his own world.

Now playing: Out of My League

-SAM'S POV-

"Uhm. So this song is one of my favorites and I hope you'll like it."

Fudge! Ayan na naman yung boses niyang kulang nalang sunduin na ako ng mga anghel tapos isakay ako sa mga ulap dahil sa sobrang heavenly.

Oo! I admit it. Crush ko si Syl, since we are on our freshmen years. Akala ko mawawala to nung pumunta siyang America but when he returned.

Everything went back as if he never left me alone for 3 long and cold years.

Bitter Until WheneverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!