Khristelle's POV







"Ano kase.. Basta.. Ba't niyo pa ba kailangan malaman?" Tanong ko sa kanila. Binigyan naman nila ako ng mapang husgang tingin at ngiti. Hinawakan naman ako sa balikat ni Raul. "Ako na lang mag kwento?" Alok niya. Napatango na lang ako. Nakakahiya kase kung ako pa mag kkwento.







"Ganito kase yun..." Simula naman niya. Sila naman eh abang na abang sa ikukwento niya. Jusko naman. Pwede bang umalis na muna ako habang nag kukwento siya? Hayyy. "Nung hinatid ko siya..." Hindi ko na siya pinatapos at tinakpak na yung bibig niya. Hindi ko kayang marinig.







"Seryoso. Hindi niyo na kailangan malaman. Saamin na lang muna ni Raul yun." Paliwanag ko. Totoo naman. Hindi na talaga nila kailangan pang malaman. Siguro sa ngayon, hindi pa. Pero baka next time na pwede na? Wag lang talaga ngayon. Ano ba yan? Ang labo ko.







"Daya naman Telle!" Reklamo ni Pat. "Kayong dalawa ha! May tinatago na kayo samin. Baka naman kayo na ha?" Sabat naman ni Dom. "Mas okay yun dude! Para sakin na talaga yung babaeng yun." Pag sang ayon naman ni Kit. Kahit kailan talaga 'tong si Kit oo. Hayyy.







"Next time na lang. Pag hindi na fresh sa utak ni Hyacinth. Mukha kasing di pa nakaka-move on 'to eh." Pang aasar naman ni Raul. Sira ulo talaga. Sarap hampasin ng kaldero. Bwiset talaga.







"Oh ayan na naman kayo eh." Puna ni Pat. "Siguro palabas niyo lang yang pag aaway niyo noh? Pero pag kayong dalawa na lang sobrang sweet niyo siguro." Gatong naman nitong si Kit.







"Ewwwwww. Mandiri ka nga. Hindi noh!" React ko naman. Totoo naman. Sweet kami pag wala sila? Like seriously? Di ko talaga maimagine 'to!







"Kung maka-eww ka dian, parang di pa kayo nag kikiss. Sus!" Kontra naman ni Dom. Aba't talaga naman, oo!







"Tama na nga. Alam niyo, malapit na mag bell. Simulan na nating mag lakad at malayo pa ang building natin." Si Raul. Para matapos na 'tong usapan na 'to. Siguro naririndi na rin siya usapan na 'to. Buti na lang at sumabat na siya kundi baka kung saan pa mapadpad 'tong usapan na 'to.







Habang nag lalakad kami, pinag titinginan pa rin kami ng mga tao dito. Yung totoo? Ano bang ginawa namin? Naka patay ba talaga kami ng tao? Tss. Nakakairita mga tingin nila eh.







"Hayaan mo na sila. Wala naman silang alam di ba?" Bulong sakin ni Raul. I just faked a smile. Pero bago kami tuluyang makarating sa building namin....







"JOSIAH BABY!" May babaeng sumigaw galing sa likuran namin. Great! Just great! Yung babaeng nasa mall, at nag kakalat na siya daw yung nasa picture. Medyo malayo layo pa siya samin.







"Oh pareng Kit, easy ka lang ha? Sabi sayo ni Raul, sayo na yan. Kaya wag kang bumusangot. Di bagay." Paalala ko naman kay Kit. Tumango lang siya.







Pagka lapit nung babae, bigla na naman siyang umangkla sa braso ni Raul. At hindi pa siya nakuntento sinandal niya pa yung ulo niya sa balikat ni Raul. Aba'y napaka tinde naman nitong babaeng 'to. Si Kit naman, hindi na talaga maipinta ang mukha. Selos na selos ang loko. Sila Pat naman eh nanlaki ang mata sa ginawa nung babae. At si Raul? Puno ng pagkairita ang mukha. Ako naman? Chill lang. Pinapanuod ang eksenang nangyayari ngayon.

"ADDI! Stop doing that! Mahiya ka naman sa mga kaibigan ko. Nag titinginan na naman yung mga tao!" Pagalit na utas na ni Raul. Nakita ko ang pag laki ng mga mata nila Patricia. Lalo na si Kit.

At ako? Eto chill lang.







xxx







Ayun na nga! Pabitin effect muna ang lola niyo. HAHAHAHA!

Vote and comment guys!

Enjoy reading!

twitter: missnerdygirl26

Spread the LOVE!

One Sweet DealRead this story for FREE!