The talk

2.7K 73 1

Gabi na ng naisipan kong labasin si seb. Nakaupo sya sa labas ng gate namin at nakayuko, pinag buksan ko sya ng gate kaya napatayo ito agad.

"Why are you here?" Pagtataray ko, pero ang totoo naaawa ako sa itsura nya ngayon mukhang wala pa itong tulog.

"Lets talk angel just give me a chance hear me out. Please?" Pag mamakaawa nito hinawakan pa nya ang kamay ko. Agad ko namang inalis ang kamay nya at lumayo sa kanya.

"Kagabi ka pa ba dito? Hindi ka umalis?" Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa.

"Oo hinihintay talaga kita." Napahawak pa ito sa batok nya.

"Umuwi ka muna, kumain at maligo ayusin mo ang sarili mo. Hindi pa ako handang makipag usap sayo. Bumalik ka bukas." Tumalikod ako at isasara na sana ang gate.

"Kakausapin mo na ba ako pag ginawa ko ang mga sinabi mo?"

"Tignan natin." Walang gana kong sabi.

"Okay aalis na agad ako. Thank you angel." Pumasok narin agad ako sa kwarto iniisip ko lahat ng sinabi ni mom and dad. Sino nga ba naman ako para di magpatawad? What if nagkamali lang si seb? What if di nya sinasadya? At what if minahal naman nya ako. Sa lahat ng masasakit na salitang sinabi nya dun sa sinabi nyang di nya ako minahal ako sobrang nasaktan. Ang daming gumugulo sa isip ko hanggang di ko na napansin na nakatulog nalang ulit ako.

--

Nagising ako dahil merong kumakanta sa tabi ko.

"Tulala lang saking kwarto at nagmumuni muni... Ang tanong saking sarili san ako nagkamaliiiiiiii! Bakit ikaw pa ang napili... Ngayon ang puso ko ay sawiiiii..." Hinampas ko agad ng unan sa mukha.

"Arouch bessy ang aga brutal much ka na agad?!" Pag reklamo nito.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Kunot noong tanong ko sa kanya,

"Edi sunundan ka dito namiss kita agad eh!" Sabay yakap nito sakin, inilayo ko naman agad sya.

"Hindi yan ang ibig ko sabihin kailangan talaga kantahan mo ako?!"

"Nagustuhan mo ba? Di ba saktong sakto sa pinag dadaanan mo teh? May theme song ka na!" Nakangiti pa nitong sabi.

"Mukha bang nagustuhan ko? Ang aga pa bwinibwisit mo na agad ako."

"Ang init ng ulo may puputok bang bulkan ngayon?! Ay alam ko na mag jojoke nalang ako para sumaya ka naman!"

"Sige siguraduhin mo lang na matatawa ako kasi kung hindi sasabunutan kita." Napaisip naman ito sa sinabi ko.

"Wag na nga lang! Kakagaling ko lang sa salon kahapon!ang scary mo talaga! Just remember bessy that no matter how serious life gets, you will constantly need the company of people whom you can completely be stupid with and you have me... As always." Wagas maka ngiti ang gagang to.

"Ang dami mong alam. Alis matutulog pa ako!" Tinulak ko sya na naging dahilan para mahulog sya sa kama.

"Ouuuccchhh! Bat mo naman ako tinulak gel mapanakit ka talaga ang sakit ha!Tara bumangon ka na let's eat! Nag hihintay na sila tita, tito and gab." wala na akong nagawa kundi mag pa hatak sa kanya.

Pagbaba ko nandun na silang 3 at nag hihintay samin.

"Good morning angel." Sabay sabay nilang bati. Ano to sabayang pag bigkas?

"Morning."

"Yey! Kainan na!" Sabi ni jen nasa tabi ko sya. Si mom at kuya naman ang nasa tapat at syempre si dad ang nasa head part ng table syempre. Tahimik kaming kumakain ng biglang nag salita si jen.

NOT your FanBasahin ang storyang ito ng LIBRE!