#5 May Diyos nga Ba?

693 2 0

Ika-limang Tanong:

            May Diyos Nga Ba???

Niminsan ba'y natanong mo kung may diyos nga ba sa likod ng mga ulap? Kung may hagdan nga ba na makikita kapag nawalan na ng hininga ang tao? O kung paano ba talaga nagsimula ang lahat? Totoo bang sa isang salita lang ng Diyos ay nangyayari na ang lahat?

Noong bata-bata pa ako, napakarami kong tanong sa buhay. Ang ilan sa mga ito ay kung bakit gumagalaw ang mga ulap. Nalaman ko lang na GUMAGALAW ANG MGA ULAP noong nagswiswimming kami ng aking kapatid sa loob ng isang inflatable swimming pool na nilatag ng daddy ko noong summer. Napatingala ako noon kaya napagmasdan ko ang kagandahan ng kalangitan na may extra pang mga linya ng kuryente, telepono, cable, at kung anu-ano pa. Akala ko namamalik mata lang ako na gumagalaw ang mga ulap. Tinanong ko sa nanay ko kung gumagalaw nga ba talaga ang mga ito. At doon ko lamang talaga nalaman na gumagalaw nga ang mga ulap.

Noong bata rin ako, nagtataka ako kung bakit ba ako SINUSUNDAN NG BUWAN habang papauwi kami sa bahay pagkatapos magsimba. Akala ko, espesyal ako dahil sinusundan ako ng buwan. Tinanong ko na naman ang matalino kong nanay kung bakit sumusunod sa akin ‘yung buwan. Ang sabi naman niya, hindi daw ako sinusundan nito. Umiikot daw kasi ang Earth sa moon kaya ganon. At dahil wala pa kaming Astronomy noong kinder 2, hindi ko pa siya naintindihan pero nung napag-aralan na namin ang tungkol sa rotation at revolution ng Earth, tama na naman ang matalino kong nanay.

Dumating din sa punto na natanong ko sa aking sarili kung may Diyos nga ba talaga. Kung meron nga, nasaan? Noong mga panahon na iyon kasi, ang motto ko ay “to see is to believe” kaya medyo may pag-aalinlangan ako kahit na ilang beses sabihin ng Christian Living teacher ko na totoong MAY DIYOS.

Tinuruan akong maging madasalin at malapit sa Diyos ng aking mga magulang. Kahit na hindi ko siya nakikita, naging malapit ako sa kanya sa pamamagitan ng pagdarasal. Dumating ka na ba sa punto kung saan sinisi mo ang Diyos sa lahat ng masasamang nangyari sayo sa buhay? Sa akin, hindi pa naman.

Alam kong may Panginoon. Mabubuhay ka ba at makakapagbasa nito kung walang Panginoon? Magkakaroon ka ba ba ng mga magulang na handang lumusob sa ulan at gumapang sa putikan mabigyan ka lamang ng magandang buhay at kinabukasan kung walang Diyos? Sa kanya nagmumula ang lahat ng bagay. Kung wala ang Diyos, wala rin tayo.

Hindi ko maintindihan kung bakit ang iba’y AYAW MANIWALA na may Panginoon. Nirerespeto ko ang lahat ng relihiyon. Naniniwala akong iba’t iba man ang tawag natin sa kanya-kanya nating diyos, iisa lang ang tinutukoy natin na nasa langit.

Mas pinili ng Diyos na tayo ang magdala ng ating buhay. Hinahayaan niya tayong magdesisyon para sa ating sarili. Maaaring Diyos ang may kontrol sa lahat ng bagay ngunit tayo pa rin ang gumuguhit sa ating sariling kapalaran. Hindi ba’t “nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa?” Tayo ang tagagawa, bahala na si God kung ano ang susunod na mangyayari. Kung sakaling tayo ay MABIGO, HUWAG tayong BITTER. Ibig sabihin lang noon, may iba siyang plano para sa atin at maaaring mas maganda pa ito at mas nakakabuti.

Bago ako gumraduate noong grade 6, nag-entrace exam ako sa isang science high school. Kahit na ibang-iba ito sa aking kinalakihang paaralan, naisip ko na mas makakabuti ito sa akin dahil puro matatalino ang mga nandito at talagang marurunong. Naisip ko din na dito na lang pumasok para kahit papaano’y mabawasan ang gastusin nina inay at itay.

Noong makakuha ako ng inquiry galing sa school, nalaman kong kinabukasan na pala ang submission ng application form. Nagulat ako. Napanganga. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sinabi sa akin ng napakabait kong tutor na baka nakatadhana talaga ako sa science high school na ‘yon. Natuwa ako. Naniwala ako. Hindi ako pumasok kinabukasan at gayon din ang aking nanay. Supportive ang aking nanay. Sinamahan niya akong magpapicture ng 1 by 1 para dun sa form. Napakasupportive din ng aking tutor. Sumama siya sa amin ng aking nanay na magsubmit ng application form dahil hindi pa namin alam kung saan yung school at kung saan ipapasa ito.

First exam, NAKAPASA! Wooohhoooo!!!!! Ang sarap ng feeling! Walang masyadong review ‘yon dahil laging busy sa school. Second exam na lang at interview, pasok na ako sa paaralan ng mga matatalino.

Ngunit noong dumating ang second exam kung saan nireview ako ng aking tutor……

T@#@^%$* !!!!! ANONG NANGYARI ????!!!!! Bakit ang mga kaklase ko pang walang kaeffort-effort at mabilis natapos sa exam ang nakapasa??!!! BAKIIIITT ???!!!

Napaisip ako pagkatapos noon. Kinausap ko ang Diyos. Sabi ko sa kanya na naniniwala akong may dahilan kung bakit hindi ko naipasa ang second exam. Alam ko kasing He has better plans than I have for myself.

Hindi ako masyadong bitter noong mga panahon na ‘yon nang…. ipamuka sa akin ng mga kaklase-kong-walang-kaeffort-effort na nakapasa sila at ako, HINDI. May continuation pa yon. Sinabi din nila na nakapasa sila kasama ng mga taga ibang section. Nahiya ako noon dahil tama sila. Akong taga first section hindi ko naipasa, tapos yung mga taga ibang section, naipasa nila. Ang sakit.

Sinabi ko na lang sa kanila na baka mali lang ang pagkakacheck ng answer sheets. Halata naman kasi na imamano-mano lang nila ang pagchecheck dahil sa itsura ng answer sheet. Sa totoo lang, yung napunta sa aking questionnaire ay may nilalaman na mga solution sa math problems. Pero syempre, dahil mabait akong nilalang, hindi na ako nagdalawang isip na ibigay sa proctor yung questionnaire. Pinalitan niya ito ng mga walang sagot. At iyon na nga ang nangyari.

Sa paaralan kung saan ako nagtapos ng kinder at elementary ako magtatapos ng hayskul. Nagsilayas ang lahat ng mga matatalino sa amin noong grade school. ANG SAYA! Tumaas ang level ng self-confidence ko. Nung mag-eenroll na ako para sa 2nd year, napanganga ako at si inay. Miscellaneous fees lang ang babayaran ni mother. Tinanong namin si kuyang magaling sa computer kung tama ba iyong nakalagay na total na babayaran namin. Dun lang pumasok sa akin na ako ang nagnumber one sa batch namin sa 4th quarter. HINDI AKO MAKAPANIWALA.

Sinabi ko sa sarili ko na, iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi ako hinayaan ng Diyos na lumipat ng paaralan. Sobrang saya ang naramdaman ko at ni inay at ni itay. Totoong mas maganda ang plano ni God. ALAM NIYA ANG LAHAT! TOTOONG MAY DIYOS. TOTOONG NARIYAN SIYA at MAY DAHILAN kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay. Huwag natin siya sisihin sa ating mga pinagdadaanan. Darating ang araw na malalaman mo ang dahilan kung bakit iniwan ka ng boyfriend mo, o ng girlfriend mo; o kung bakit natalo ka sa pustahan, o kung bakit may sakit ka, o kung bakit ka gumagapang ngayon sa tinik, at kung ano-ano pa.

Lagi nating tandaan na MAY DIYOS at MAHAL TAYO ng DIYOS.

Bakit May Mga Tanong na Walang Sagot?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!