For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Moth-eaten

-----

THE PAST.9

“Love! Sorry, sorry kung ginabi si Kuya ng uwi. Nangyari tuloy sayo ito. I’m so sorry. May masakit ba sayo? Ano? Sabihin mo kay Kuya?” Pagkadating naman sa bahay ay niyakap kaagad ni Pringe ang kapatid.

  

Pinabayaan ko na muna silang mag usap na magkapatid at lumabas ako ng bahay, then I dialled Leo’s number.

  

“Leo, ano ng balita?”

  

“Nalinis na namin yung lugar. And we are already here at Inferno Ground specifically on Infernal Region.”

  

“Sige, pabayaan nyo na muna syang mabuhay. Gusto ko ako mismo ang humatol sakanya. Damn, hindi ko alam kung ano ang ginawa nila kay Heart. I checked her and she has dry blood on her lips, she got some bruises and her clothes were slightly ruined. Hindi ako papayag na basta na lang mamatay ang hayop na Nicolo Sandoval na ‘yan ng hindi nahihirapan.”

  

“Naiintindihan ko Shadow.”

  

“At ‘yung mission tungkol sa retired general, just take it on-hold for the meantime.”

  

“As you order, Shadow.” Then I ended the call.

  

Kahit pa gigil na gigil akong mapatay ngayon ang Nicolo Sandoval na ‘yon, hindi ako pwedeng umalis sa tabi ni Heart. I promised to be by her side. Whatever her decision will be, I’ll follow it. Damn, I’m the type of person that can’t be manipulated by woman but now I’m willing to be. Heart’s safety and life were at stake.

  

“Brad, salamat sa pagligtas mo sa kapatid ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kung may nangyaring masama sakanya.” Sabi ni Pringe.

  

“Mahal ko ang kapatid mo kaya hindi ka dapat magpasalamat. Isa pa, this is my fault and I’m the one to be blame.”

 

Tinapik ni Pringe ang balikat ko. “Naiintindihan ko ang obligasyon mo at hindi naman talaga maiaalis sa atin ang manganib ang buhay dahil kabilang tayo sa Inferno Ground. Hindi ka dapat sisihin at sana huwag mong itigil ang pagiging leader. Kahit iba ang pamamaraan ng Inferno Ground, marami kang natutulungan.” Gumaan naman ang pakiramdam ko sa sinabi nya.

  

  

  

“Sleep now, I’ll stay here beside you.” Pagkahiga ni Heart, I covered her with her white blanket and then I kissed her forehead.

  

Hinawakan nya yung isang kamay ko. “Wag kang mag quit sa pagiging leader ng Inferno Ground.” Nagulat ako sa sinabi nya. I thought papatigilin na nya ako.

  

I sat beside her bed and looked intently to her. “Are you sure on that? Nang dahil sa akin kaya ka napahamak.”

  

She smiled, “Hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo Love. Wala kang kasalanan okay? Ikaw nga ang nagligtas sakin. Ang akala ko talaga makakahuthot ng sampung milyon ang lalaking iyon! Ngayong nalaman kong may mga taong handang manakit para lang sa mga pansarili nilang kagustuhan, mas lalo kong napatunayan na kailangan ang batas nyo. The nether law of Inferno Ground.” Disgust is written all over her face.

Afraid of You (LEETEUK&KANG SORA FANFIC)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!