For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

ALL80 : My Varsity Crush

1.2K 7 7

Striktung Patnubay at Gabay ang kailangan. ♥

Charot ! Hala sige basa, wag kalimutang iboto at magiwan ng reaction sa confession.
___________________________________________________________
☻ Stricly, No bashers allowed.
☻ RESPECT the one who's confessing or else I'll spank your ass off!
☻ Hate what he/she said? We're open-minded people here, kung ikaw hindi, stay out! We don't need you here. Nakikibasa ka lang, enjoyin mo nalang. Ayaw mo? Who told you to visit this book?
☻ 'Wag niyong idadamay ang club sa away or whatever, we're just here to witness at hindi kami makikisawsaw sa gulo. Take the consequences in confessing.
___________________________________________________________

Guy/Girl :   Star

___________________________________________________________

I'm a high school student. First year pa lang ako noon nung una ko siya makita. Iba impact niya sa akin eh. AGAD AGAD.


Landi lang no? First year pa lang humaharot na.


Ahead siya ng isang taon sa akin. So bale second year siya. Let's name him Debonair.
Crush ko siya. Of course. Hindi lang dahil sa magaling siyang magviolin, sobrang galing niya ring magvolleyball.


Maliban dun, attracted ako sa kanya sa hindi ko masabing dahilan. Sabi sa akin ng mga kaklase niya, super taba niya raw noong first year sila. Truth to be told. Nang mapulot ko yung ID niya, isang humpy dumpy ang nakita ko.


Pero ngayon ang gwapo niya.


Hindi naman nagbago ang pagtingin ko sa kanya. Ganun pa rin. Ako lang sa klase ang nakakaalam na crush ko siya. Then third year high school na ako, siya pa rin crush ko.
Nalaman ng friend ko na gusto ko siya kasi nahuli niya raw akong nakatingin one time. Kinulit pa niya ako. Two years na raw kasi yung pagkakagusto ko pero crush nga lang daw ba talaga?


Y'know what? May progress sa amin!


Lagi kaming magkasama dahil magkalaro kami ng volleyball every afternoon. Close na rin kami ng barkada niya. Don't get me wrong. 3 babae at 2 lalaki ang kabarkada niya.
Iisa lang kasi ang section bawat year sa amin at laging dominant ang babae.


Natutuwa ako kasi close na kami pero I can't say na friends kami dahil hindi naman kami naguusap. Nakakausap ko lang siguro siya kapag nafafacial niya ako sa volleyball.
Nagsosorry siya. Ang lakas naman kasi ng mga palo niya. Parang Valdez.


So yun nga. Kaso parang nakurot puso ko nang maikwento sa akin ng barkada niya na naging ex niya pala si Ate Chui. Hindi yan tunay na pangalan.


Kasi si Ate Chui, matalino at tahimik. Opposite ko. Oo nasa top ako pero sobrang ingay ko.
Sabi pa sa akin, simula nung nagbreak sila hindi na raw ulit siya tumingin sa ibang babae. Volleyball na lang.


Naalala ko pa nung prom namin, gustong gusto ko siyang makasayaw nun. Kasi last prom na niya at first ko kaya naman gusto kong maging memorable para sa akin.


Di na nga kami close. Di nga kami friends. Sana naman kahit sayaw lang pagbigyan ako.
Napansin yun ng mga kaklase ko kaya yung si Friend A eh nilapitan siya. Pagbalik na Friend A sabi niya, pumayag daw si Debonair na isayaw ako.


Kinikilig na ako nun tapos isabay mo pang nanunukso mga kasama ko sa table namin. Sabi pa nila malapit na raw siya sa likod ko.


Pero hindi natuloy yung sayaw dahil bigla siyang hinila ng barkada niya hanggang sa hindi na niya ako naisayaw.


Dumating na sa awarding ceremonies. Lungkot na lungkot na talaga ako doon kasi hindi ko man lang siya nakasayaw. Dagdag mo pa na ilang beses silang sumayaw ni Ate Chui.
Tapos Debonair of the Night award na pala. Siya yung nakakuha. Ang gwapo naman talaga kasi niya. Talented pa. Pero nagulat ako kasi ang naging Star of the Night- Yung partner ng Debonair- Eh..


AKO.

Kaya naman todo tago ako ng kilig ko. Ang taas pa ng takong ko nun at masakit na yung paa ko pero kahit ganun, napakabilis ng pagpunta ko sa stage. Naririnig ko naman kasi ang tukso ng lahat.


Oo, Alam na ng lahat yung crush ko sa kanya. Pati parents ko nga eh. Di ko sinabi. Pero bigla na lang kumalat.Sobrang saya ko that time kasi nakatabi kosiya sa stage. Tapos ang dami pang kumuha ng picture sa amin.


Sa sobrang dami ng kumukuha ng picture, hindi ko na alam saan ako titingin. Pero pinili kong tumingin sa camera ng kuya niya. Abot tenga na ata ang ngiti ko nun.


Dagdag mo pa na nahawakan ko yung kamay niya kasi inalalayan niya ako pababa ng stage at inihatid ako sa table namin. Hindi ako makapagsalita nun. Todo kilig na ako.
Kaya kahit hindi niya ako naisayaw, napakasaya ko.


Naging profile pic ko pa yung picture namin at umani yun ng napakaraming likes at comments.


Pero dumating ang day ng graduation nila. Yung day na nakatakdang magconfess ako sa kanya. Dare sa akin ng kaklase niya yun. Kasi aalis naman na raw siya kaya umamin na ako.
So I did it.


Hinintay kong matapos yung graduation ceremony. Pero pagkatapos nun ,umuwi na pala agad siya. Kaya naman sa chat ko na lang ginawa.. I said these words:


Hi Kuya. May sasabihin po sana ako at sana po wag kayong magagalit. Wag niyo rin po sanang sabihin sa iba. Crush ko po kayo matagal na. Yun lang po at salamat. :)

Hours passed. 3 hours ata? Nagulat ako kasi biglang may nagmessage. Nanggaling sa kanya. Sabi niya lang.
Salamat..Hehehe. :))


So fourth year na ako ngayon. Crush ko pa rin siya. Know what? Sa school ko pa rin sya nagtake ng college.


State University kasi ang pinapasukan ko. May High School at College.
Everyday ko siyang nakikita kaya't laging buo ang araw ko. Kahit panandaliang sulyap lang. Hindi sa stalker ako. I never did that. Lagi kasi siyang dumadaan sa building namin o kaya pag lunch, nakikita ko siya.


Wala na akong gaanong balita sa kanya.


Remember the day I confessed? Ini unfriend ko siya sa fb at blocked sa ibang sites. Ewan. Basta I did that.


Pero ang balita ko eh campus crush na siya sa college. Siyempre, sa college pa lang kasi sinisimulang ituro ang music instruments. Pero siya, bihasa na sa violin. Tapos nangibabaw ang talent niya sa volleyball. Dagdag mo pang gwapo. Campus crush nga.


Meron yung time na kasama ko yung close friend ko na classmate niya nung HS. Sa amin din nagtake ng college pero ibang course. Educ kasi kinuha ni Debonair.


Nakatalikod sa amin si Debonair. May practice kasi ata sila ng sayaw. Kaya naman di niya ako nakikita. Nagkukwento lang sa akin si Close friend about sa kanya nang bigla siyang mapatingin sa amin. Kaya umalis na ako.


Pero tinatanaw ko siya habang sumasayaw ng ballroom. Swerte ni Ate na kasayaw niya. Nahawakan kamay eh. One time, pauwi na ako nang mapadaan ako sa volleyball court. Lagi kasi siyang nandoon at hindi ako nagkamali.


Training ata ng varsity team nun. Napatingin siya sa akin nang mapadaan ako.
Ang ingay kasi ng mga kaklase ko kaya napatingin siya. Nag iwas ako ng tingin at naglakad na. Nang tumagal eh tumigil ako at pinanuod siya. Noong nagspike siya eh napakaraming nagtilian na babae.


Doon ko lang napansin na ang dami palang babae na nanunuod. Nainis ako na ewan.
Almost 4 years ko na siyang crush pero never ko siyang tinilian. Parang gusto kong pasakan ng bola ng volleyball yung mga babaeng yun kasi tili ng tili.

Parang gusto kong sabihin na "Akin lang siya. Ilang taon ko ng nakikita ang mga palo na yan."
Parang gusto ko siyang balutin para walang ibang magkagusto sa kanya.
Pero napabuntunghininga lang ako.

Nagkakacrush din lang naman ako tulad nila eh. Hindi ako naiba sa kanila. Wala rin akong karapatan sa kanya.

Sa inis ko eh tinawag ko yung kaklase kong padaan din sa court.
"Margareth!" Malakas kong sabi. Mapapansin mo ang inis sa boses ko. Napatigil sila sa paglalaro kaya naman umalis na lang ako.


Sobrang nakakainis. Bakit ba kasi ganito ang nararamdaman ko? Crush ko lang naman siya diba?

Bakit ba kasi napakaunreachable niyang tao?
Tell me. Crush nga lang ba talaga?

__________________________________________________________

CONFESSION (All-in!)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!