For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

ALL79: Unheared Reason

1.1K 13 3

Striktung Patnubay at Gabay ang kailangan. ♥

Charot ! Hala sige basa, wag kalimutang iboto at magiwan ng reaction sa confession.
___________________________________________________________
☻ Stricly, No bashers allowed.
☻ RESPECT the one who's confessing or else I'll spank your ass off!
☻ Hate what he/she said? We're open-minded people here, kung ikaw hindi, stay out! We don't need you here. Nakikibasa ka lang, enjoyin mo nalang. Ayaw mo? Who told you to visit this book?
☻ 'Wag niyong idadamay ang club sa away or whatever, we're just here to witness at hindi kami makikisawsaw sa gulo. Take the consequences in confessing.
___________________________________________________________

Guy/Girl :   Your Heartbeat
___________________________________________________________

I'm a reader of this book actually. Pero ngayon ko lang naisipang magconfess. Gusto ko lang kasi talagang mailabas 'to. I'm a girl and a graduating student in high school. Alam ko bata pa ako pero hindi na ganun kabata ang isip ko.


I dared to confess because he's not a writer or a reader of wattpad at all. I've been carrying this guilt two years now.


He's a volleyball player. Pareho kaming volleyball player. Maybe our story started in a wrong place at the wrong time. Like everybody says.


I don't know when pero I just woke up one day na gusto ko na siya. Maybe I fell for him that easy dahil sweet, napakacaring, responsable at napakamaalaga niya. Tuwing training namin, lagi siyang nakasuporta kahit training lang yun.


Noong nagkaroon kami ng Student Council Elections nagprint out pa siya ng flyers kahit Seniors ang makakalaban ko sa posisyon. Todo cheer pa siya kahit lalaki siya.


Hinahatid niya rin ako sa paradahan namin dahil commute lang naman ako pauwi at papasok. Tuwing free time rin namin pinupuntahan niya ako.


But as everybody says. Masama rin ang sobrang happiness dahil sadness ang kapalit.
My parents found out our relationship. Bata pa ako noon kaya naman nagalit talaga sila. Legal kami sa side niya pero hindi sa side ko.


Friend ng Papa ko yung Dean, Tita ko ang Guidance Councilor, Best Friend ng Tito ko yung Principal. Kaya naman nang sabihin nila na patatalsikin siya sa school eh ginawa ko ang pinagawa nila.


Nakipagbreak ako kinaumagahan at iniwasan siya.


Hindi naniwala sina Mama noon na wala na kami. Kakaumpisa lang ng Junior year ko that time.


Kaya naman nang malaman ko na may transferee sila eh yun ang naging diversion ko. Naging kami nung transferee.


Dahil dun, nakalimutan nila Mama yung pag-papaalis sa kanya.
Yung transferee ang pinili ko dahil hindi ko naman siya kilala kahit mapaalis siya.
Pero naging successful man ako sa pagliligtas sa kanya, I suffered a lot having someone na hindi ko naman mahal.


After months, nagbreak din kami ng transferee.
Pero hindi nagtapos ang lahat dun.
Hindi ako nakaligtas sa bitterness niya. Siniraan niya ako sa buong school. Nalaman ko lahat ng pagbabago niya dahil sa akin.


Lahat ng negative na pagbabago.


Lahat nun ay dahil sa akin.


I can't even say sorry. I can't even say na mahal ko pa rin siya.


Hindi niya ako pinapakinggan.


Isang sinungaling at manloloko ang tingin niya sa akin.


Ngayon nga, 4th year na ako.


May bago na siya. Ka MU niya pa lang. Pero nakikita kong mahal niya talaga.


Medyo okay na kami. Playmates na ulit kami sa volleyball. Pero ako hindi pa.


Mahal ko pa rin siya eh. Pero may iba na siya.


Alam ko yung salitang move on. Pero kinakain ako ng guilt ko dahil sinungaling at manloloko pa rin ang tingin niya sa akin.


Kung may bagay man akong pagsisishan, yun ay ang hindi ko siya pinaglaban sa parents ko.
Well, bata pa ako at kahit ipaglaban ko siya, wala rin naman eh.
High School pa lang kami.


Someone said to me "Sana naman sinabi mo yung rason mo. Side niya lang ang alam ng lahat."


Pero bakit pa? Nangyari na ang nangyari. Magkakagulo lang ulit. Wala ng mababago pa.


Hey. If a miracle happens at mabasa mo 'to, mahal pa rin kita. Mahal na mahal pa rin kita. And I wish, I always wish na sana.. tayo pa rin.

___________________________________________________________
waaaa, nahurt ako dito grabeeeee </3

CONFESSION (All-in!)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!