For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

J O S H

"Sir, nandito na po tayo." Paalala ni Manong Driver.

Tumingin ako bintana at nakita ung sementeryo, "Ah. Salamat po." Kinuha ko ung mga flowers, stepped out of the car, at umikot sa driver's seat.

"Eto po." Inabutan ko sya ng 500, "Magikot-ikot muna kayo. Tawagan ko nalang po kayo kung susunduin nyo na ako."

"Maraming Salamat, Sir!" Nagdrive na sya paalis, at ako naman naglakad ako papunta sa puntod ni Dad.

Tristan McKinley

               Owner of 'McKinley Suites'

Born: July 28, 1959

Died: April 08, 2004

May isang maliit na picture ni Dad na nakadikit sa tombstone nya. Tinitigan ko lang yun. Tama nga si Mom, magkamuka kami ni Dad. Same jet black hair, same light brown eyes, same pinkish lips, actually I look like a miniature figure of him.

Lumuhod ako sa harap ng puntod nya, "Hi, Dad." Hinawakan ko ung tombstone, "Kamusta na man po kayo? Heh, syempre masaya kayo dyan sa kinalalagyan nyo ngayon." Napangiti ako ng konti, pero napapaluha na ako.

"Di parin maka-move on si Mom. Di parin sya tumitigil sa pag take ng drugs, at paginom, para makalimutan ung araw na iyon. Me and Mom, we miss you so much Dad." Napapaiyak na talaga ako. Pano ba naman, sobrang close kami ng tatay ko.

"Grabe pala noh, Dad? It has been a decade and a year since the accident, and we still can't go on in life without you. Why, Dad? Why do you have to leave us, to leave me, so soon?" Bumubuhos na talaga ngayon sa mukha ko ung mga luha na puno ng guilt, pain, sorrow. Umupo ako sa harap ng puntod, at nilapag ung mga flowers.

"I was 8 years old then. Ang bata-bata ko pa para mawalan ng tatay. Hanggang ngayon, I still can't believe it na hindi ko na kayo makikita ulit, mayayakap, mahahalikan, hindi ko na pwedeng ipakita sayo ung mga awards ko sa school. But, at least I can brag about the life of my great Dad." Gusto ko lang talaga iparamdam sa kanya na mahal ko sya, kahit wala na sya.

"Yung mga sacrifices mo para samin ni Mom, ung araw-araw, umuuwi ka ng bahay ng sobrang late, pero kahit pagod na pagod ka na, maglalaro pa tayong dalawa, magbabaril-barilan, maglalaro ng racing gamit ung mga maliliit na kotse. Thank you, Dad. Pero, Dad, ung nakabunggo daw satin, pangalan daw nung mga pasahero ay Tristan Santiago and Trisha Alviar. Parehas pala silang nabawian ng buhay, kaya naisip namin ni Mom na iurong ung kaso." Totoo 'to, nabalitaan kasi namin na hindi sila gaano kayaman, pero may kaya, at ngayon na wala na ung dalawang nagsusuporta sa kanilang pamilya, naawa kami dahil may isa raw silang anak na 6 years old palang.

"Sana hindi ka magalit sa naisip naming gawin. Naaawa lang talaga kami, pero alam ko naman na kung ikaw ung nasa kinalalagyan namin, ganun din ang gagawin mo, because you have such a soft heart, Dad. Basta, lagi nyo pong tandaan, I love you and I miss you so much." Tumayo ako, pinunasan ung mga luha ko, at naglakad paalis pagkatapos ngumiti sa kanya.

Kukunin ko na dapat ung phone ko para tawagan si Manong Driver, kaso biglang umulan. Ng malakas.

Syete. Immediately, kinuha ko ung payong ko galing sa backpack ko. Binuksan ko at tinapat sa ibabaw ng ulo ko. Buti nalang hindi pa ako basang-basa.

Naglalakad na ako palayo, pero may biglang bumangga sakin. And, you know what's worse? Basang-basa sya, kaya nabasa din ako. Sa likuran pa.

"Miss! Pwede bang tumingin ka sa dinadaanan mo?? Nabasa tuloy ako oh!" Sigaw ko sa kanya. Pano ba naman, ang laki laki ko nang tao, di pa ako nakita! Tatanga-tanga ka ba?? Bwiset.

You + Me = Forever ♥Basahin ang storyang ito ng LIBRE!