A/N: One, two, three.... HELLO FLORALBRIDERS! Musta na kayo? I'm here alive and kicking! So, idededicate ko po itong story sa iyo kasi ikaw ang kauna unahang nag message sa akin. Nakakatouch po yung minessage niyo sa akin. Sana po ipagpatuloy niyo po na suportahan at sana po magustuhan niyo po yung story ko ng buong puso. Tsaka rin yung mga nagcocoment rin, salamat at sobrang saya ko kasi pinapaupdate niyo po ako. Thank you talaga! Hala? Hyper si Author ah? Talaga naman eh. Hindi na ako makapaghintay na ipost itong next chapter para sa inyo guys so here's the next update!


LUCKY'S POV

Pagkamulat ng aking dalawang mata ay naaninagan na ako ng sikat ng araw. Nandyan na kaya si Stephen? umupo na ako sa gilid ng kama ko at tumayo na para ayusin na yung kama pagkatapos ay hinanda ko na yung sarili ko. Pagkababa ko ay hinanap ko si Stephen kung nandiyan na siya pero bigo ako kasi hindi pa ata siya nakakauwi.

Kumakain na ako ng almusal ng biglang nagvibrate yung cellphone ko. Tiningnan ko kung sino.

From: Jenny

Good Morning Lucky! Sorry kung nagising kita ah. Available ka ba ngayon? Nabalitaan kong napaaga yung uwi niyo ni Stephen galing sa Boracay. Kung available ka, kita tayo sa Heaven's Cafe. Ininvite ko na rin si Nikki. Kung hindi, itext mo na lang ako para hindi kami maghihintay doon sa wala.

Napahagikhik ako sa text ni Jenny. Hindi pa rin siya nagbabago. Miss ko na nga rin silang dalawa. Ay! Itetext ko si Stephen kung pwede akong um-- Ay! Oo nga pala. Ayaw niya pala ako na lumalabas ako ng bahay. Hay. Parang nakakulong ako dito sa bahay. Wala rin naman ako gagawin kasi malinis pa rin naman yung bahay. Tsaka sandali lang rin naman kami sa Boracay, uwi nga kami agad diba? Tinext ko si Jenny na pupunta ako sa Heaven's Cafe.

Pagkatapos kong kumain ng almusal ay hinugasan ko na yung pinagkainan at pinaglutuan ko. Daling dali ako na naghanda sa sarili ko. Tiningnan ko yung relo ko kung anong oras na. 10:30 A.M. May oras pa naman ako bago pa makarating si Stephen dito sa bahay. Sigurado naman ako na didiretso na iyon sa trabaho pagkatapos niyang makitulog sa bahay ng babae niya. Kung tinatanong niyo kung may pake pa ako kay Stephen ay oo siyempre mahal ko siya eh. Pero, parang araw-araw naman siyang may dala na babae dito sa bahay o kaya nakikitulog siya sa bahay nung mga babae niya. Feel ko sanay na yung puso ko kasi paulit ulit lang ito nasasaktan.

Chineck ko kung sarado at safe na yung bahay namin kaya pagkalabas ko ng bahay ay sinarado ko na yung front door namin. Naghihintay ako ng taxi sa labas ng subdivision namin. Nang may pumara na taxi ay sumakay ako at sinabi ko na sa Heaven's Cafe.

Pagkababa ko sa taxi ay binayaran ko na yung taxi driver. Pumasok na ako sa Heaven's Cafe. Bigla kong tinakpan yung dalawa kong tenga dahil sa pagsalubong nila sa akin.

"LUCKYYYY!!!!"

"BESTTTTT!!!!"

Talaga naman oh. Tiningnan ko yung nasa paligid namin. Hay naku! Parang wala lang sa kanila na sila na yung sentro ng atensyon ng mga tao dito. Nakakapagtaka hindi man lang ba mangsusuway yung owner ng cafe nito na ang ingay nila.

"Lucky dito ka umupo! Dali!" pagkuway sa akin ni Jenny. Tiningnan ko naman yung nasa paligid namin at ako na ang nagsosorry sa kanila dahil sa kaingayan nila. Ba't ba wala dito yung owner ng cafe na ito. Hindi ba sila susuwayain? Nang lumapit na ako ay nagulat ako sa outburst naman ni Nikki.

"Girl! Ano yan sa braso mo? Ba't ang purple ng kulay niyan? Sinaktan ka ba na naman ni Stephen?!" biglang tumayo si Nikki at hinawakan niya yung braso ko. Napangiwi ako sa sakit. Hindi ko namalayan yun ah. Talaga atang namanhid yung buong sistema ko kagabi. Kaya ngayon ko lang ulit naramdaman yung sakit.

A Wife's SufferRead this story for FREE!