Chapter 4- Confused

11.5K 228 14

Destiny's POV

Bumaba ako ng stage na may luha sa mata. Kitang kita iyon ni Travis at ng kasama niyang babae. nakangisi sakin ang babae habang pinapahiran ko ang luha ko. Iba pa rin pag nandyan siya. Bumabalik lahat. Akala ko magiging okay din ako pagkatapos ko mag make over. 

Pero hindi. Isang tingin niya lang, nagbalik lahat. Paano niya nagagawang maging okay? Hindi niya ba talaga ako minahal? Ganon ganon na lang ba yon? Parang ice cream ako na pinagsawaan at tinapon na lang. At ngayon, ito ako, natutunaw na. Sa bawat titig niya na hindi ko mabasa, sa bawat sulyap niya na hindi ko alam kung para saan pa, ay mas lalo lang nag igting ang galit ko at inis ko sa kanya.

"You okay?" tanong sakin ng kambal. 

I shook my head. Mukha aba akong okay? I just kept on telling myself na okay lang ang lahat. Pero tang ina, hindi kaya ng puso ko. Nagpupumiglas ito at halos sumabog na kanina ng nakanta ako. Galit, poot, panghihinayang, 'yan ang laman ng puso ko. Pero hindi ko pa rin maitatanggi na mahal na mahal ko siya. Mahal na mahal ko pa din siya.

Papaano ako magsisimula ngayon? 3 months? Maikli lang naman yon para makapag move ob ako. Kaya to.

"Destiny," tawag ng isang lalaki sa likod ko. Siya yon. Tinawag niya ko. 

"Ano?" walang gana ko'ng sagot.

"Okay ka lang?" tanong niya.

"Oo." sagot ko at pinunasan ang luha ko.

"Sa susunod kasi, pag kakanta ka, magdadala ka ng tissue. Napaka iyakin mo naman pala, girl." sabat ng bitch na kasama niya. 

"K." sabi ko sa babae na katabi ni Travis na ngayon ay nakalingkis sa kanya.

"OH MY GOD! NA K ZONE SIYA SIS!" sigaw ni Caroline sa kambal niya.

Humalakhak sila na para ba'ng achievement na ang ginawa ko. Hindi ko alam kung anong ginawa ko, ang lama ko lang, naiinis ako at wala na akong gana para ipagpatuloy pa ang mga susunod na oras sa university na to.

Nauna na ko sa kambal para pumunta sa gate three ng university namin para magpasundo sa driver. Pagod na naman ako. Wala naman kaming klase buong araw pero pagid pa din ako.

Pagod ako sa mga feelings na hindi na ulit mababalikan. Pago na ako kakaisip kung paano pa ba magiging okay ang lahat. Kaya ko ba maging okay? What if, wala na talagang pag asa maging okay? Anong gagawin ko?

"Okay class. Now, before our christmas vacation, we discussed about your thesis and defense for this coming February. Are you all ready for the defense? It's next month already." tanong ng prof namin.

Oo nga pala. Yong defense ko pa. Hindi ko naasikaso.

Kaunti lang ang nagtaas at halos wala pa talagang nagawa sa amin. Manyana habit nga naman.

Na disappoint si Mrs. Dela Cruz at dinismiss kami ng maaga. Halos lahat kasi ng dean's listers at running for cum laude ay nasa class namin. Kaya hindi niya ine-expect na ganoon ang nagiging progress namin.

Lumabas ako ng room na halos wala ring laman ang isip ko. Sobrang pre-occupied pa din ang isip ko sa mga nangyari sa mga nakaraang araw. Sa nakaraang dalawang linggo na wala siya. Ang hirap niya alisin sa sistema ko. Yung tipong bawat pag gising ko may message siya na 'goodmorning' kung kumain na ba daw ako. At ngayon...wala na. Wala na ang mga messages na yon. 

Ang pag pupuyat namin dahil hindi kami makatulog sa tuwing namimiss namin ang isa't isa, or ako lang ba ang nakakamiss sa kanya. At sa tuwing mag de-date kami na lahat ng lalaki ay nakatingin sakin at lahat ng babae ay nakatingin sa kanya. We're a perfect couple, way back then. Pero lahat yon nawala.

He Wants Me Back (COMPLETED) Basahin ang storyang ito ng LIBRE!