Why complicating life? (BTS Fanfiction)

16 1 0

Panimula ng kwento?

Ano namang paki alam ko dun?

Ang alam ko lang ngayon...

Magulo ang buhay ko. Sa sobrang gulo daig ko pa ang pinaka-OA na teleserye na pinasok na ang lahat ng struggle sa buhay.

Nadagdagan pa ng gulo ng bigla nalang may pitong koreanong hilaw ang kailangan kong itago dahil sa mga kasikatan nila.

Ilayo sa mga camera.

Ilayo sa mga mikroponong ang tanging inaantay ay ang mga kasagutan nila sa maganda at masamang issue na kinasasangkutan nila.

Ilayo sa reporter, sa journalist o ano mang pinagandang tawag sa mga taong tsismosa't tsismoso na hindi alam ang salitang "privacy".

Pero sadyang masaklap ang buhay...

Sila na ang tutulungan napakamapanghusga pa nila.

"Ikaw talaga ang maglalayo samin?"

"Kaya mo ba kaming ipagtanggol?"

"Babae? Bakit babae?"

"K."

"Sa liit mong yan?"

"Baka nga isang pitikan lang kita e."

"Wala pa siya sa balikat ko, hyung!"

Ganyan sila kung manghusga sa height ko.

Pero sa dami ng nangyari sakin, ito lang talaga ang wala akong maintindihan.

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko silang itago sa isang bagay na ginusto nila.

If they want to hide and run to this, bakit hindi nalang sila magquit?

Why complecating life?

* * *

So, ahm.. yeah.. haha this is my first story .. ^^

I love BTS so much.. kaya ko to naisipang gawin haha..

I hope magustuhan niyo to :')

-

ForNever54 <3

Why complicating life? (BTS Fanfiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!