Chapter 2

(Miko's POV)

Pagkatapos ng insidenteng iyon ay agad na akong umuwi. Mabuti na lang at wala pa yung Tita ko at mga pinsan ko dito sa condo nila dito sa Vito Cruz.

Nakikitira lang muna ako sa kanila dahil malayo ang babyahiin ko kung manggagaling pa akong Laguna papunta dito sa Manila para pumasok.

Pagkapasok ko sa kwarto ko, sumalampak kaagad ako sa kama ko at sinubsob yung mukha ko sa unan. Napahiya lang ako kanina.

Nababaliw na talaga ako. Anu-ano na yung pumapasok sa isip ko.

Bakit ko ba na isip na siya yung gamitin ko para sa plano ko. Aba syempre, hindi siya papayag. Hindi naman niya ako kilala, saka wala sa mukha niya.

Nung tinanong niya kung okay lang ba ako, akala ko concern siya. Nagkamali pala ako, mukha siyang anghel pero masungit at mukhang snobber.

Napahiya lang ako, ang tanga ko. Gossshh.

Flashback ...

"Miss ayos ka lang ba?" Napatingin ako sa lalaking nagsalita at bigla na lang may sumulpot na ilaw sa itaas ng ulo ko.

Bigla akong napaisip ng plano at siya ang naisip kong makasabwat.

Gusto ko siyang pagpanggapin bilang boyfriend ko para tigilan na ako ni Jarred. Ang talino ko talaga! Pero paano ko sasabihin sakanya? Hindi ko alam at bahala na.

Nakatingin lang siya sa akin at mukhang naghihintay ng sagot. Magsasalita na sana ako ng magsalita siya ulit. —"Psh. Okay ka na ata miss, mauna na ako sayo." Color red na pala yung umiilaw sa stoplight.

Tatawid na sana siya pero hinawakan ko yung kamay niya at pinigilan ko siya.

Lumingon siya at tumingin siya ulit sa akin. -"Uhmm" Ano ba yan.

Ang gwapo pala ng lalaking to, lalo kong hindi masabi ang dapat kong sabihin. Bigla nag-iba yung tingin niya at nagsalita ng mejo mataas yung tono.

"Bakit!?" Oh no. Nagalit ko ata siya.

"Uhmm. Kuya .. Favor naman oh. Alam ko hindi tayo magkakilala pero can you please pretend to be my boyfr..." Hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil may narinig akong sumigaw.

"Miaaa!" Paktay na. Nakita niya na ako.

"Miss, I'm sorry pero hindi ako magpapanggap na boyfriend mo, I know that hinahabol ka nung guy na yun." He pointed his finger to Jarred na tumatakbo papalapit sa amin.

"Sorry but I can't help you. Please get your hands off me. I don't even know you."

Natulala na lang ako at binitawan ko siya.

I can't believe it, hindi nagwork yung plan ko tapos ang masaklap pa eh napahiya ako. Gosh.

Spell napahiya? M I K O.

Pinanuod ko na lang yung masungit na punggok na yun na tumawid. Nakakahiya talaga. Ang sungit sungit niya pa.

"Mia! Akala ko di na kita makikita. Bakit mo ba ako tinatakbuhan?" Shunga ba siya? Tinatanong pa ba yun? Teka. Ano nang gagawin ko ngayon. Tae naman oh.

Nginitian niya ako pero bigla siyang napatingin dun sa pedestrian lane. -"Sino ba yung lalaki na yun? Bakit mo siya hawak-hawak? Bakit ka niya sinigawan? Aba. Ang kapal na mukha niya para sigawan ka ah. Ang sarap niyang sapakin, bwisit." Kung makapagsalita to, akala mo boyfriend ko eh noh. Manigas siya. Napahiya ako ng dahil sakanya. Wait, nakita niya yung kanina? Hala. Ano nang gagawin ko? Nanghihina na ko.

"Mia, okay ka lang ba?" Hindi ko na siya pinansin at nagwalk-out na lang. Ang sakit na nang ulo ko.

"Huy! Mia saglit lang naman."

Hinarap ko siya. -"Just leave me alone, Jarred. Pagod na ako. Tumigil ka na. Maawa ka naman sa sarili mo." Tumalikod ako at naglakad ulit. Hindi niya na ako hinabol ulit. Natauhan na ata. Hayyy salamat.

Pero hindi pa rin ako nakakamove-on sa kahihiyan ko kanina. Baliw na talaga ako. Makauwi na nga lang.

End of flashback ...

Naniniwala ka ba sa Forever?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!