Chapter 1

(Miko's POV)

Madilim.

Malamig.

Magulo.

Nababaliw na ata ako, yan yung nararamdaman ko ngayon. Kanina pa kasi ako tumatakbo, and at the same time nagtatago.

Umuulan na nga ngayon at hindi niya pa rin ako tinitigilan. I-dagdag mo pa sa pagtatago ko yung ulan diba, nagtatago ka na, tumatakbo, tapos parang walang kwenta pa yung payong ko kasi nababasa pa rin ako.

Since high school pa lang kami, hindi niya na ako tinigilan. Since high school binusted ko na siya, pero hanggang ngayon habol-habol niya parin ako.

Umaasa pa rin siya. May forever daw kasi, at forever niya raw akong mamahalin. Naalala ko pa nung sinabi niyang "Mia, I swear! I'll prove to you na may forever. Di kita titigilan. I know bibigay ka din, someday." Wow lang. Confident siya ha.

Nangangarap na magtagumpay siya sa puso ko pero wala talaga eh.

Sorry but I still don't feel the same.

Jarred Tristan Aguilar, ang lalaking walang kapaguran sa paghahabol sa akin.

Ang lalaking naniniwala sa forever. High school pa lang kami nung simula niya akong ligawan.

Tulad ng mga nakikita ko sa tv, nagbibigay siya ng chocolates at flowers, nanghaharana kahit sintunado at kung anu-ano pa.

Pero simula pa lang ng pangliligaw niya, binusted ko na siya agad.

Maganda ang kutis at moreno, matangkad, at matangos ang ilong. Almost perfect, right? Mayaman, mabait at matalino din siya at ang choosy ko pa ano. Hahaha, wala ganun talaga.

I'm Mia Koleen Oracion, by the way. Also known as Miko, huwag na kayo magtanong pa at oo feel ko ay tomboy ako. Feel ko lang naman, babae pa rin ako. Kaya I like people to call me that name din.

Ako rin yung babaeng hinahayaang sumulpot na lang yung forever na parang kabute para maniwala ako.

Hindi ako masyadong matangkad, sakto lang. Hindi rin payatot tapos kulot ang buhok. Simple lang ako manamit, t-shirt, jeans or shorts at sneakers ay ayos na sa akin. Masasabi kong matalino ako at masipag kasi I graduated as the 1st Honorable Mention nung ako ay high school.

At hindi rin ako pusong bato dahil pinalaki ako ng parents ko na mabait, mapagmahal at may takot sa Diyos.

At oo, hindi talaga ako pusong bato.

Sadyang hindi ko talaga gusto si Jarred. Kahit ilang beses pang sabihin ng mga kaibigan ko nasayang dahil he's almost perfect at ang tanga ko kung papakawalan ko siya ay hindi nila mababago ang isip ko.

Hindi ba nila maintindihan na hindi ko siya gusto at masasaktan lang siya sa akin? Ako ay isang taong NBSB or No Boyfriend Since Birth at wala akong alam sa mga love- love na yan.

Sabi ng iba masarap daw magmahal, sabi naman ng iba masakit. Para sa akin? Ang gugulo nila, pampasakit lang sa ulo yan, mas gugustuhin ko pang mag-aral na lang. Pero nainlove na rin naman ako, sa artista nga la...

"Araaaay!" Ano ba yan! Umiral na naman yung ka-shungaan ko. Nauntog pa ako, kung anu-ano kasi pumapasok sa isip ko. Kainis!

"Miaaaa! Miaaaa!" Sino ba yung tawag ng tawag na yun? Ang ingay ingay. Teka, Mia daw diba? Isa lang naman yung tumatawag sa akin nun.

"OMG!" Napasigaw na lang ako. Naabutan na pala ako ni Jarred. Ang lakas kasi ng pagkakauntog ko eh. Ang sakit ng ulo ko sheeet.

"Mia! Okay ka lang ba?! Bakit mo ba ako tinatak..." Hindi ko na siya pinatapos. Inayos ko na yung payong ko at tumakbo na ulit.

Hindi pa ba siya napapagod? Ako kasi pagod na. Actually, naawa na ako sakanya pero ang kulit niya kasi. Pagod na rin ako kakaiwas sa kanya.

Paano ko ba mapapatigil yung mokong na yun sa kahibangan niya? Kelangan ko na makaisip agad ng paraan. Nasasayang na yung time ko.

Napatigil na lang ako sa pedestrian lane, color green kasi yung umiiilaw sa stoplight. Buti na lang at nasa ulirat na ako. Shocks! Ang sakit na talaga nang ulo ko.

Hinihingal pa ako tapos nanginginig. Nanginginig hindi lang dahil sa lamig kundi sa kaba rin na baka maabutan niya na ako ng walang naiisip na paraan.

"Miss ayos ka lang ba?" Napatingin ako sa lalaking nagsalita at bigla na lang may sumulpot na ilaw sa itaas ng ulo ko ...

Naniniwala ka ba sa Forever?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!