Chapter 19 - Act 2 (HiroMie)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Eh, why not now because someone is roaming around her." sabay nguso niya sa kinatatayuan ni Jamie na busying kausap si Hede at ang masaklap pa diyan ay nagtatawanan pa sila. Bigla tuloy nagdilim ang paningin ko pero naudlot ito ng biglang sumigaw ang choreographer namin.

"Ms. Huares, kindly help Mr. Wilson buy some of our materials for the props?" mabilis namang tumakbo si Jamie papunta kay Grey at umalis. Mas kampante pa akong kasama niya si Grey kaysa sa Hede na yun. 

Ilang saglit pa ay lumapit sa akin si Trey. Nakipagfistbump muna siya bago umupo sa tabi ko.

"Uhmm bro sayo muna yung cellphone ko kasi nasa labas si Gen ko." bigla niyang bungad sa akin. Bakas sa mukha niya ang tuwa ng banggitin niya ang GEN KO. Nakakatuwa siguro kapag malaya kong nasasabi ang JAMIE KO. 

"Sure." sabay abot niya sa akin ng phone niya. Lumabas siya ng audio visual room at kumaway siya bago umalis. Bakit kaya niya pinaiwan yung phone sa akin? Siguro may tinatago siya kay Geneva. Pinindot ko ang gitnang butones ng kanyang Samsung Galaxy S5 at tumambad sa akin ang lockscreen niyang magkayakap sila ni Geneva. Wala namang password kaya nagtaka ako bakit niya pinaiwan. Bago ko pa ilagay sa bulsa ko ang phone ay bigla itong tumunog. Tiningnan ko ito at unregistered number ang bumulaga sa akin.

"Nakapagtataka." mahina kong bulong habang nakatitig sa phone ni Trey. Should I answer it? 

"Bro sagutin mo na baka importante." biglang sabat ni Zeke kaya napindot ko sa gulat ang answer button ng phone. Napabuntong hininga na lang ako at dinikit ko na ang phone sa aking tenga.

"Hello?" bungad ko pa lang ay tumawa na yung nasa kabilang linya ng nakakatakot.

"Ikaw ba si Keiji Trey Figueroa?" tanong nung lalaki sa kabilang linya.

"Hindi, pero number niya to." 

"Good. Nais ko lang ipaalam na hawak ko ang bestfriend niyang si Christian Grey Wilson." 

"ANO?!" napasigaw ako ng wala sa oras kaya nagmadali akong nagsorry sa paligid at pumunta sa mas secluded na lugar para iwas eksandalo.

"Hawak ko siya ngayon and guess what..." hindi ko mapigilang kabahan dahil nagpasuspense pa yung kidnapper. "May dagdag pang... Nelly Jamie Huares." doon na nagdilim ang aking paningin at umakyat lahat ng dugo ko sa aking ulo. 

"Don't you dare hurt her!" matigas kong sabi. 

"Whoa! Easy there. Bakit? Ano ka ba niya?" 

Cupid's HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon