Chapter 19 - Act 2 (HiroMie)

50 5 0

Author's Note:

Sino kaya yung babaeng yun? XD

Oh well, thats for you to figure out.

Segway muna tayo sa Act 2 then Mr. And Ms. Chance Academy na *O*

I dedicate this to a follower. ^_^

Keep supporting this til the end. :)

Note: I NEED COMMENTS.

Grey's POV

Today is the grand rehearsal ng Mr. and Ms. Chance Academy kaya todo practice kami simula pang umaga. Actually umaga pa rin pero ilang oras na lang ay lunch break na. Excuse na rin kami sa aming klase para wala kaming aalahanin. Kasalukuyan namang ginaganap ang aming last 10-minute for this morning kaya kinausap ko na si Trey.

"Bro." tinapik ko ang balikat niya habang busy siya sa pag-inom ng tubig niya. "Simulan na natin?" tumango siya ng mabilis.

Pagkatapos namin mag-usap ay kinausap ko na ang aming organizer para hindi pumalya ang aming plano. LET'S START THE BALL ROLLING!

Hiro's POV

Aish! POV ko na pala. Wala namang maganda sa aking POV kundi ang kakornihan ko dahil kay Jamie. Nawa'y matiis niyo iyon.

"Bro. If stares could melt, tunaw na si Jamie." bigla sabi ni Zeke na katabi ko ngayon. Tiningnan ko siya at nakangisi ang loko. Napakunot na lang ang aking noo.

"Why bro? Hanggang ngayon wala pa ring progress? I can't believe na napakatorpe ng aking bestfriend. Hindi ako magtataka na bigla mo na lang akong tawagin at sasabihin mong broken hearted ka dahil sa pagiging pagong mo." natamaan ako sa sinabi niya. Aaminin kong torpe ako pero kasalanan ko bang mahirap mag-ipon ng lakas ng loob para umamin? Kung kailan handa na ako, mali naman ang timing. Kung kailan nasa harapan ko na siya, natatameme ako. Kung kailan nasabi ko na ay hindi niya narinig. Oh diba? Pati pagkakataon ay hindi sang-ayon sa amin. Pero hindi ako susuko ng basta-basta. Itago niyo yan sa bato.

"Sorry talaga bro ah. Alam kong naiirita ka na sa akin kasi hindi ako nagawa ng move para umamin pero this time, itaga mo sa bato, aamin ako ngayong araw. After ng practice natin tutal maaga tayo uuwi." bigla naman siyang napangiti sa sinabi ko.

"Promise yan bro?"

"Promise."

Cupid's HeartbreakerBasahin ang storyang ito ng LIBRE!