[10] Her Answer

18 2 0

Chapter 10

Uno’s POV

Argh. Ang sakit ng ulo ko! Teka asan ba ako? Bakit puro puti ang nakikita ko? Nasa heaven na ba ako? No! Di pupwede. Paano na kami ni Katie?!

“Sa wakas gising na yung tanga.” Teka sino yun? Si San Pedro ba yun? O si Kamatayan? Susunduin na ba ako? Dahan dahan akong lumingon sa pinanggalingan at may nakita akong dalawang gago. Ay teka. Si Ray at Chino lang pala. Nasa kwarto pala ako ng condo ko. Wait. Paano ako nakarating dito?

“Hoy tanga! Alam mo ba kung ano ginawa mo kagabi?” Sabi sakin ni Ray sabay pitik sa noo ko! Argh! Ang sakit na nga ng ulo ko pinipitik pa! Kinuha ko kaagad yung unan at binato yun sa kanila.

“Ano ba yang pinagsasasabi niyo?” Sabi ko habang hinihimas yung noo ko.

“Di mo ba yung ginawa mo kagabi? Ha?” Pagalit na singhal ni Ray. Teka. Ano ba yung ginawa ko kagabi?

*FLASHBACK*

“Oo ikaw may kasalanan! Dapat kasi saakin ka lang sumama! Masaya ka naman kapag kasama ako diba?! Ginagawa ko kasi lahat para sumaya ka lang e! Naging gangster pa nga ako para sayo eh!”

“Ako? Naging gangster ako dahil sayo! Kasi gusto ko macrush’an mo ako! Kasi ako crush na crush kita!”

“Gagawin ko ang lahat Katie para sayo! Kahit magmukha pa akong tanga sa harap ng maraming tao. Wala akong paki sa iisipin nila, hangga’t alam kong natutuwa ka sa mga ginagawa ko! Para sayo Katie gagawin ko! Di na nga ata kita crush e! Hindi lang crush tong nararamdaman ko!”

“Mahal na ata kita Katie”

“Mahal na ata kita Katie”

“Mahal na ata kita Katie”

 

“UNO CARDS BITCHEEEES!”

 

*END OF FLASHBACK*

WTF. Totoong nangyari yun? Hindi ba panaginip yun? Hanggang ngayon paikot ikot pa rin ako sa kwarto ko. Teka. Ilang oras na ba ang nakalipas? Tatlong oras na pala. Kanina pa umalis yung dalawang gago.

Babawiin ko ba yung sinabi ko kay Katie? Pero nasabi ko na e! parang di naman ako lalaki kung wala akong paninindigan diba? Sht. Ang hirap naman nito!

Kaagad kong kinuha ang phone ko para tawagan si Katie, kailangan kong magpaliwanag. Buti na lang at linggo ngayon at walang pasok kaya paniguradong di ko maiistorbo si Katie.

Ring… Ring.. Ring..

Sht. Di niya sinasagot! Teka isa pang tawag..

Ring.. Ring.. Ring..

Talagang di niya sinasagot! Naiistress na ako! Baka talagang gusto na ni Lord na umamin ako at ayaw niyang bawiin ang sinabi ko kay Katie?

Bakit kasi ako naglasing eh! Mabilis akong naligo at nagbihis. Di ko na pinapansin ang hangover ko. Kailangan ko makausap si Katie. Aayusin ko na lang ang pag amin ko sa kanya. Ayokong umamin ako dahil sa lasing lang ako. Baka hindi siya maniwala, Kaya aamin na lang ako ulit. Bahala na.

That Jeje GuyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!