[9] Confession

26 2 0

A/N: SPG: Language

Chapter 9

Katie’s POV

Ilang araw na ang nakalipas mula ng naging gangster si Uno at naging usap usapan sa buong campus ang pagtatransform niya. As in parang may himala ang nangyari. Yun bang may patay na muling nabuhay? Mga ganun. Panget kasi si Uno noon e. ngayon e medyo pangit na lang.

“P*tangina p*kyu ka g*go kinain mo yung fried chicken ko!” Sabi ni Uno habang sinasaksak ng tinidor si Chino.

“T*ngina mo rin t*nga. Ang bagal bagal mo kumain eh. Di dapat pinapatagal ang pagkain g*go! Sagot naman ni Chino habang kinakain ang fried chicken ni Uno.

“Mga Ul*l parang mga g*go kayo mura kayo ng mura parang walang mga babae ang nakakarinig sa inyo t*ngina niyo” Awat naman ni Ray sa dalawa. Nagkatinginan naman kami ni Tina at di na lang pinansin yung mga gago at tinuloy na lang namin ang pagkain namin.

Simula nang maging gangster si Uno marami ng nagbago. SOBRANG DALAS na niya magmura. Madalas din niyang bugbugin sila Ray. Buti na nga lang at minsan lang bumawi yung dalawa at di kasing isip bata ni Uno. Hay nako. Pero hanggang ngayon di ko pa rin alam kung bakit naging gangster itong jejemon na to.

“Ah. Uno, Ray, Chino. Una na kami ha? Pupunta pa kami sa susunod na klase namin e” Sabi ko sa kanila habang nagsasaksakan sila ng mga tinidor nila. Napatingin naman sakin si Uno at biglang tumayo. Isa nga rin palang nagbago kay Uno. Naging mas malaman na siya. Parang nagiging macho? Mga ganun. Or baka nakasteroids to? Drugs na nakakamacho?

“Hatid na kita Katie” Aya ni Uno pero tinanggihan ko na to. Nakakairita na rin kasi ang pagiging gangster niya e. Bawat lalaki na lalapit sakin sinasamaan niya ng tingin o kaya mumurahin niya ng pagkarami rami at pagkalutong lutong or worse, sasapakin na lang niya bigla.

“Hindi. Wag na Uno. Ituloy mo na lang yung kain mo. Tignan mo, kinukuha nanaman ni Chino yung fried chicken mo” Sagot ko at bigla nanaman siyang kumaripas ng takbo pabalik sa mesa at sinaksak nanaman sila Chino.

Hinila ko na kaagad si Tina at baka mapansin nanaman kami ng jejemon na yun at sundan nanaman kami.

“Nako Tina. Hindi ka ba naweweirduhan kay Uno? Di ba minsan pumasok sa isip mo na nakadrugs siya?” Tanong ko kay Tina nang makalabas kami ng cafeteria.

“Hindi naman. Bakit?” Balik naman ng tanong niya sakin.

“Eh kasi tignan mo, naging gangster siya bigla bigla.” Bigla namang ngumiti ng malapad si Tina at lumingon sa akin.

“Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig besh” Sabi niya sakin habang kinikiliti ako.

“Itigil mo nga yan! Atsaka anong pag-ibig ha? Nako. Hindi kaya ikaw yung nakadrugs?”

“Gaga. Sasayangin ko tong ganda kong to sa pagsinghot ng drugs? Ano ko tanga?”

“Ano ka ba! Gumagaya ka na sa tatlong timang na yun e! Mura ka na rin ng mura!” Singhal ko sa kanya. Naku. Mukhang bad influence pa silang tatlo sa besh ko ah!

“Nako ewan ko sayo! Nga pala. Magbabar daw tayo  mamaya nila Uno. Susunduin daw nila tayo sa condo ng 8pm. Sumama ka or else!” Sabi ni Tina nang makarating kami sa Classroom ko.

“Or else what?” Hamon ko sa kanya. Never pa kong nakakapagbar at ayokong masubukan. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

“Wala ka naman magagawa e. Sasama ka or kakaladkarin kita papuntang bar. Yun lang ang choice mo. Sige bye na male’late na ako!” Psh. Pag sinabi niyang kakaladkarin ako, talagang kakaladkarin niya ko. Ugh! Napaka’amazona niya!

That Jeje GuyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!