Crazy Phone Call

61 1 2

Maraming nagsasabing LOVE CAN CHANGE A PERSON, pero in what way? Hmmm. Hindi ko maintindihan kung bakit madaming nababaliw sa pag-ibig, yung iba gagawin talaga ang lahat makuha lang ang taong minamahal nila, meron namang sobrangcheesy at may pa pick up lines pa, may mga nagbibigay ng flowers at chocolates at yung iba pa nga mga life size na teddy bear hayyyy, grabe siguro ang sarap nga talaga ng feeling kapag nainlove ka ^_^

“HOY! Lucy nag iilusyon kana naman dyan! Anong oras na malalate kana naman sa school!”

Opo ma, wait lang po.

Hayys, si mama talaga ang hilig sirain yung moments ko, yun na yun eh haha makapasok na nga.

Alis na ko ma, medyo malalate po ako ng uwe at may date pa ko hahaha JOKE! May group study po kami ng mga kaklase ko.

 

Ok sige mag ingat ka.

 

Bye ma!

 

Papasok na ko at dahil medyo late na nga kailangan ko ng sumakay, usually naman kasi pwedeng lakarin yung school namin kaso late na ko kaya eto nagmamadali na naman ako, ang haba pa naman ng pila. After 10mins na paghihintay sa wakas makakasakay na ko.

Pasakay na ko ng tricycle ng biglang…

“Miss, pwedeng ako muna nagmamadali kasi ako, may kailangan lang akong habulin”

 

Nako, nagmamadali din ako at pumila ka kung gusto mong makasakay noh!

 

“PLEASE Miss, nagmamakaawa na ko sayo, ayokong mawala siya sakin, kailangan ko siyang habulin bago pa mahuli ang lahat please”

 

Hayssss! Grr kainis ka naman eh late na ko sa school oh sha sige mauna kana siguraduhin mo lang mahahabol mo yang sinasabi mo ng hindi naman sayang ang pagiging late ko ng dahil sayo!

 

“Salamat, pangako hindi ako mabibigo.”

 

At umalis na nga ang tricycle, waaa at ako nakatayo na naman at maghihintay, nakakainis kung nilakad ko nalang kanina pa ko nandun, patay na naman ako neto sa professor kong masungit >.<

 “MS. LUCY, YOU’RE LATE!”

Sorry mam, natraffic po kasi ako kanina, pero promise po maaga po akong umalis sa bahay.

“TRAFFIC NA NAMAN! Ms. Lucy yan nalang palagi ang dinadahilan mo, siguro mas maganda kung MAS MAAGA ka pang pumasok para naman hindi ka na malate tama ba class?”

HAHAHAHA! HAHAHA!(at tinawanan na naman ako ng buong klase hayyss)

Ganito ako araw araw, ang aga aga laging sermon ang sumasalubong sakin dahil sa pagiging late ko, feeling ko naman maaga akong pumapasok sadyang may mga nangyayare lang sa daan kaya ako nalelate, kagaya kahapon, may isang babaeng nagmamadali din at nabangga ako kaya naman natumba ako sa bato at nagkasugat kaya ang bagal ko maglakad, nagsorry naman siya at ang sabi Sorry ms. hindi ko sinasadya, hinahabol ko kasi yung boyfriend ko nagalit sakin sorry talaga. Hayyyyy at kanina naman may isang lalaking nang agaw sa tricycle nasasakyan ko dahil may hinahabol din daw siya, uso na pala ang habulan ngaun kaloka!

CRAZY PHONE CALLBasahin ang storyang ito ng LIBRE!