Casa Fantastica

82 2 1



"Jack 'en poy! Jack 'en poy!"

"Ano yan?"

Imbis na papel, bato o gunting yung makita ko eh 'di ko malaman kung ano ang ginawa ni Jay sa mga daliri niya.

"Baril."

"Anong baril?"

"Basta talo ng baril 'yang papel mo,"

"Anak ng! anong laro ba 'to?"

Kapag ako pinagloloko na naman nito. Inuuto lang ata ako ni Jay.

"1-0 na. Up to 5 na lang kawawa ka naman eh,"

Kinaawaan pa ko. Pasalamat 'tong si Jay kaibigan ko siya.

"Jack 'en poy!"

"O! wag mo sabihing kidlat yan?"

"Galing ah, pano mo nahulaan? O, talo ka ulit wasak yang bato mo sa kidlat ko," sabay tawa niya ng malakas.

"Eh, naglolokohan na lang tayo dito eh. Papautangin mo ba ko o hindi?"

"Pag nanalo ka nga papautangin kita,"

"Ewan ko sayo! Sa iba na lang ako mangungutang."

Umalis na ako at naririnig kong tumatawa si Jay. Loko loko talaga yun.

"Talo ka lang kaya ka ganyan," sigaw niya habang natatawa.

Bakit ko ba kasi binigay kay Toyang yung ipon ko. Ah, kasi kuya niya ko at wala akong choice. Hay nako Ivo kung di ka magmamatigas kahit minsan eh baka masanay yung spoiled mong kapatid at kapag di ka pa titigil sa pakikipagusap sa sarili mo ay baka matuluyan ka na. Papasok pa lang sana ako sa bahay namin nang bigla lumabas yung nanay ko.

"Hoy, Primitivo!" bungad ng mapagmahal kong nanay sa akin.

Napakaganda talaga ng pangalan ko. Di ko alam kung saan hinugot ng mga magulang ko.

"Kung saan saan ka nagpupunta, yung mga sinampay sabi kong kunin mo na eh!" tinuro ni nanay yung mga sampay na nakasabit kanina pa.

"Nay sinabi ko ng huwag niyo na bubuuin yung pangalan ko eh. Ang panget."

"Bakit kalian ka ba gumuwapo?"

Biglang banat ng nanay ko sakin. Aray naman, mahal na mahal talaga ako ng nanay ko.

"Nay salamat ah, grabe. Nanay ko talaga kayo."

Alam kong hindi ako ganoon kaguwapo parang Piolo Pascual na Coco Martin lang naman. Pero kung makalait yung nanay ko parang walang bukas. Sa pangalan ko pa lang nga kotang kota na. Tunog mayaman nga, lumang luma naman.

"Hoy! Yung mga sinampay malapit ng umulan!"

"Si Toyang na lang Nay, may pupuntahan pa ko."

"San ka na naman pupunta? Bumalik ka dito!"

Balak pa ata akong habulin ni nanay kaya tumakbo na ko.

"Sige Nay babalik ako bago maghapunan!"

Wala naman talaga akong pupuntahan. Talagang tinatamad lang ako sundin yung utos ng nanay ko. Maghahanap na lang ako ng mauutangan. Loko loko kasi yung si Jay, kung kinausap lang ako ng matino e di wala na akong problema ngayon. Kailangan ko talaga mabili yung camera bago ako mag birthday. Nangako ako kay Aya.

"Aling Nena!"

"Nako Ivo wala pa kong kita ngayon."

Manghuhula ata tong si aling Nena.

Casa FantasticaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!