[8] Uno The Gangster

29 2 1

Chapter 8

Katie’s POV

Monday again. Hay. Nakakatamad pumasok! Pero walang magagawa. Buhay estudyante eh. Papunta palang kami ngayon sa school. Pasalamat na lang at maaga kami nagising.

“Wow ang aga naman ng senyora! Ano meron Besh? Bakit ang aga mo naman gumising?” Tanong sakin ni Tina habang papasok kami sa kotse niya. Di ko na lang siya pinansin at ayokong masira ang araw ko. Paniguradong masisingit nanaman niya yung jejemon sa usapan namin.

Dapat kasi bilhan na lang ako ni mommy ng sarili kong kotse para di ko na kasabay tong maingay na babae na to.

“Don’t tell me namiss mo si Uno kaya pumasok ka ng maaga. OMG besh. Kinikilig na talaga ako sa inyo!” Di pa man din ako nagsasalita naisingit na niya si Uno sa usapan. Psh. Bakit kasi pinagpipilitan niya ko sa jejemon na yun?!

“Nako besh! Tigilan mo nga ko sa jejemon na yun! Ang aga aga nangungulit ka nanaman! Di ko pa nga siya pinapatawad sa ginawa niya sakin e!” Singhal ko sa kanya. Nako naaalala ko nanaman yng graded recitation namin! Sayang talaga. Tsk. Bigla naman niya akong inirapan habang nagmamaneho siya.

“Nako. Besh patawarin mo na si Uno. Ilang araw na ba nakalipas at di pa rin kayo nagpapansinan? Ang OA na ha” Pangangaral sakin ni Tina habang nagdadrive. Ilang araw na nga ba? Di ko alam. Parang wala namang pinagbago yung buhay ko nung nilayuan ko siya eh! Atsaka feeling ko sobrang safe ko kapag wala siya.

“Atsaka besh! Ibaba mo naman yang pride mo! Alam mo ba ang pride parang panty lang yan, Kapag di mo binaba walang mangyayari” Bigla akong napatigil saglit at in’analyze ko ulit yung sabi niya.

Teka. Ano? WAIT?! Ano sabi niya?! Saan niya yun napulot? Kung ano ano lumalabas sa bibig nitong bruha na to ha!

“HOY! Ang bastos mo! Ew. Ano ba yan Tina. Parang di ka babae kung magsalita” Pagalit na sabi ko sa kanya.

“Pero totoo naman eh! Patawarin mo kasi si Uno. Kitang kita naman sa kanyang nagsisisi siya e. Atsaka- OMG!” Biglang napapreno si Tina sa pagdadrive. Sht. Pareho kaming napasigaw! Ano ba nangyayari?! May nabangga ba kami?

Sinamaan ko ng tingin si Tina. Pero nakita ko lang ang mukha niyang namumutla. May tinitignan siya sa labas.

Sht. May nasagasaan kami?! Dahan dahan kong nilingon ang harap ng kotse. Teka wala namang duguan na tao ah? Meron lang naka’all black na lalaki with matching leather jacket at motorcycle na nakaharang sa kotse namin.

Wait. Ano yung nakikita ko? Tama ba nakikita ko?!

Gangster?!

 Sandali.. Porque naka’all black gangster na? Sht. Baka riding in tandem to!

“Tina! Paandarin mo na! Baka riding in tandem yan. Nakuuuu. Ayoko pa mamatay!!” Sigaw ko sa kanya. Pero di niya ko sinunod. Nanginginig lang siya sa takot. Tumingin ulit ako doon sa gangster at nakita kong tinanggal niya ang helmet niya at tumambad samin ang kulay pula niyang buhok.

Hala. Di kaya si Jared Dela Cruz to? Gangster na may pulang buhok!

Ngayon ko lang napansin na nakashades pala siya. Teka. Parang ang tanga naman niya? Nakahelmet siya kanina tapos nakasuot pa siya ng shades? Tsk. Sobra naman kung makatago ng identity tong riding in tandem na to!

Dahan dahan siyang bumaba sa motorcycle niya at dahan dahan rin na naglakad siya papunta sa amin ni Besh. Bakit parang hindi siya nakakatakot? Err.

That Jeje GuyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!