Prinsesa o Parusa!

841 0 0

Sa isang malayong kaharian nakatira ang isang napaka tandang hari na nais nang magkaroon ng kanyang ipapalit sa kanyang trono ngunit kailangan ito ay makisig, matalino, madiskarte, at hindi tuso na hindi kayang lamangan ang kahit na sino....

Nagpatawag ang hari ng pulong, ipinasabi sa lahat ng binata sa kaharian at iba pang kaharian na kung sino man ang manalo sa paligsahan ay mapapangasawa ang prinsesa at magiging  bagong hari ng kaharian.

Natanggap ng magkakaibigang Juan, Kulas, at Pedro ang balita at napag desisyunan nilang sumali at subukan ang kanilang swerte.

Dumating na ang araw nang patimpalak.

Totorotot-tot-tot-tot-tot, makinig ang lahat ng kasali sa patimpalak ipinag uutos n lumapit sa harapan at magpakilala.

Nagulat si Juan, Kulas, at Pedro kung bakit tatlo lamang silang kasali.....

Ang usap- usapan pala sa kaharian ay tuso ang hari at siguaradong mahihirapan lang sila kaya walang sumali, tanging ang tatlong tanga lamang ng bayan na si Juan, Kulas at Pedro lamang ang naglakas ng loob.

Nagbigay na ng kautusan ang hari sa unang pagsubok......

Magdala kayo ng prutas n ihahandog sa Prinsesa at ialay sa hari nating matanda na at may sakit.

Dali daling umalis ang tatlo, ngunit sa pagkakataong iyon ay nawala ang pagkakaibigan at umiral ang kagahamanan na manalo sa paligsahan......

Pumunta si Juan sa tabing ilog at nakita nya ang langka, mabango at malaki at hinog n ang langka " tamang tama ito, matutuwa ang hari"

Si Kulas naman ay Nagpunta sa malapit sa dagat at nakita ang puno ng dalanghita, " aba, mukhang makatas, medyo maliit nga lang pero ito daw ang masarap"

Naligaw naman ng daan si Pedro at wala pa siyang nakikitang prutas, kakamadali niya na makahanap at makabalik sa kaharian ay namulot nalang siya ng alatiris at iyon na lamang ang kanyang dinala " Siguradong talo na ako dahil maliliit lamang at walang kwentang prutas ang dala ko"

Totorotot-tot-tot-tot-tot, nagagalak ang hari at kayo ay nakabalik ilabas na ang inyong mga handog at ipakita sa kanya sa inyong pagpasok sa kanyang silid, mauna daw ang may dala ng pinaka maliit n prutas. pumasok si Pedro....... Nakangiti ito ng lumabas ng silid

Tinanong sya ng mga kasamahan kung ano ang nangyari sa loob, umiling lamang ito, dahil mahigpit na pinagbawal ng hari na sabihin ang mga pangyayari sa loob ng silid.

Sumunod na pumasok si Kulas, dala ang dalanghita na iaalay sa hari, ngunit nakarinig sila ng malakas na sigaw, aray!!!!!! Sabi ni Pedro, bakit ka sumigaw? Ano ang nangyari, umiling  lamang si kulas.

Siguro ay hindi nagustuhan ng hari ang kanyang handog kya't sya ay hinagupit, ika ni Juan.

Masayang pumasok si Juan sa silid ng nakangiti at kumpyansa sa sarile, dahil pinaka malaki at mabango ang handog nya, nakaharap na nya ang hari at ito'y nakangiti rin......

Nagwika ang hari " Ngayon Juan, ipakita mo sa akin ang iyong tapang at diskarte, ano ang iyong dala? Langka po n napakalaki at napakabango........" Sige, ipasok mo ngayon sa PWET mo ang buong prutas na yan! Nakarinig ang buong palasyo ng napakalakas na sigaw at kumaripas ng takbo si Juan.

Akala nyo ba ay nagtapos na ang kwento? Syempre kailangan may manalo, dahil pumasa sa unang pagsubok si Kulas at Pedro, kailangan maglaban p silang dalawa.

Muli silang ipinatawag ng hari, kinakabahan ang dalawa at nagtutulakan kung sino mauuna sa pagpasok sa silid.......

" Ngayon mga Ginoo, narito kayo para sa huling pagsubok. Napakadali lamang ng inyong gagawin, mamimili lamang kayo sa mga insektong aking babanggitin.....

Pedro, dahil ikaw ang nahirapan sa unang pagsubok, ikaw na ang unang mamili, konsiderasyon ko n s iyo yan.

Natuwa si Pedro.........

Sige, Pedro! Mamili ka, alakdan, tarantula o Bubuyog? Wag kyo mag alala, sapagkat natanggalan na iyan ng mga kamandag.

Mabilis na sumagot si Pedro, Bubuyog po kamahalan, Bubuyog po!

Bumulong si Pedro " yari ka Kulas, Siguradong ipapapasok na naman yan sa Pwet! Talo ka na!

Pinili ni Kulas ang tarantula, kinakabahan sya at naluluha.

Pinatawag na si Pedro, ngumingisi ito dahil naiisip nya ang pinili ni Kulas.... 

Nakita ng hari ang pagiging tuso ni Pedro sa mukha nito, " masaya ka ba Pedro, wika ng hari.

Opo, mahal na hari!

Masaya ka rin lamang ay umpisahan na natin!

" Totorotot-tot-tot-tot-tot....... Para sa huling pagsubok, ipapasok sa PWET ang napili ninyong insekto....

Dahil si Pedro ang mauuna, ipasok na ang kanyang napili! Bubuyog!

Totorotot- tot- tot-tot- tot, ipasok si Jollibee!

Ang kwento ni Juan at ng kanyang pinagmulan ( jowk taym)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!