For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Chapter 2: Shadow

Ano na kayang nangyari sa Agent Storm na 'yon? Andun pa rin kaya ito sa bakanteng kwarto na 'yon? If ever walang nakakita sa lalaking 'yon, siguradong naandun pa rin ito at namimilipit sa sakit. Oh well, ano namang pakialam niya? He totally deserve that almost fatal blow for calling her baby and for throwing a pocket knife that almost hit her face. If she's an ordinary civilian, that could have killed her.

"Sorry po, Ma'am, pero bawal po magpasok ng pagkain sa loob ng building." Napatigil ako sa pagsubo sa kinakain kong french fries at napatitig sa security guard na nakaharang sa daan ko.

Papasok na sana ako sa P.G.E. Building kung saan gaganapin ang meeting ng Shadow. And yes, she doesn't have a choice but to attend the meeting dahil na rin sa mismong Daddy na niya ang tumawag sa kanya. You can call her a Daddy's girl pero she wouldn't say no to him, ever.

If you're wondering what P.G.E stands for, it's Philippine Government Empire. Ito ang itinawag sa newly reformed government ng Pilipinas nang maging presidente si Alexander Von Ackerman noong 2016. Nagkaroon nang malawakang pagbabago sa pamamalakad ng gobyerno ng Pilipinas. Muling nakilala ang bansa natin sa Asya at buong mundo. Lumago ang ekonomiya, bumaba ang antas ng kahirapan, tumaas ang kalidad ng edukasyon at halos wala ng krimen ang napapabalita. Pero hindi naging madali ang proseso ng pagbabago, madami ring pinagdaanan na problema ang pangulo at halos inabot din siya ng sampung taon bago makamit ang pagbabagong 'to.

Dalawang taon lang ang nakakaraan nang mabuwag ang mga political dynasties sa bawat lalawigan. Muntik itong maging dahilan ng giyera na pinamumunuan ng mga ulo ng mga nasabing mga dynasties. Ang ilang taong pinaghirapan ni President Von Ackerman ay muntik nang mawalang parang bula. If you're wondering kung paano ito napigilan ng gobyerno ay dahil na rin sa Umbra Congregatio o mas kilalang sa tawag na Shadow.

Umbra Congregatio or Shadow is a ghost association formed by the government to control the revolting political dynasties. Layunin ng Shadow ang panatilihin ng kapayapaan ng bansa. Kahit na ang kapayapaang hangad nito ay makuha mula sa paraang hindi kaaya-aya. Shadow is a very small department, unlike the other government departments. It is considered as a part of the Ministry of Defense and only a few people knows about it. There are only a few and trusted members of Shadow, which is headed by Voltaire Montgomery, which is her dad. Every member has their own field of expertise but there's only one thing that they have in common, Assassination. Agents under Shadow were given the right to kill people who are considered to be threats to the government. And she's one of those agents.

Napatingin siyang muli sa hawak na paper bag pagkatapos ay kay Kuya Guard na nakatayo sa harap niya. Hindi niya pwedeng itapon na lang ng basta-basta ang hawak. Pagkain ang laman nito. PAG. KAIN. At masama magsayang ng pagkain. Kung bakit kasi bawal magpasok ng pagkain sa building.

Napatingin siya sa orasan at nakita niyang may ilang minuto pa siya bago magsimula ang meeting. Kakainin na muna siguro niya ang dalang pagkain sa labas bago pumasok. Akmang maglalakad na sana siya palayo nang biglang may dumating na isa pang guwardiya.

"Gomez, may problema ba dito?" Tanong ng bagong dating guwardiya sa kasama saka bumaling sa direksyon niya. Nang makilala siya nito ay bigla itong sumaludo sa kanya. "Ms. Montgomery, kayo po pala 'yan. Good afternoon po."

She nodded at him for acknowledgment. Bumaling naman muli ang guwardiya sa kasama. "Okay lang 'yan, Gomez. Freelance agent dito si Ms. Montgomery kaya pwede siyang magdala ng pagkain sa loob."

"Ah, ganun ba." Tatango-tangong sagot ng tinawag na Gomez. "Pasensya na po, Ma'am, bago lang po kasi ako dito." Nginitian lang niya ito saka nagpatuloy sa paglalakad papasok papuntang elevator bays.

BLACKLIST (SUPER DUPER MEGA SLOW UPDATE)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!