For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Chapter 05 Tread The Floods (Trivium)

10 0 0

Chapter 05

Tread The Floods (Trivium)

                “Sir, kwento nga po kayo ulit bago kayo umuwi.”, paanyaya ng drummer sa akin dahil gusto nilang makarinig ng kwento ulit mula sa akin. Pero wala akong masayang maikukwento sa kanila. Ayos lang na gabihin daw sila dahil nagtiwala sa akin mga magulang nila na aalagaan ko sila sa pupuntahan nila, bukod pa sa araw yun ng TGIF.

                “Sir, kailan po kayo unang tumugtog?”, tanong ng bokalista sa akin.

                “Well… sige na nga. Tutal ay Biyernes ngayon.”

                ______________________________________________________________________

                May nakilala akong magandang babae noon. Ang pangalan niya ay Dora…

                ______________________________________________________________________

                “Sir, first gig ninyo po!”, ika ng babaeng miyembro ng banda.

                “May kinalaman iyon sa ikukwento ko. Maging patient lang huh?”, sagot ko na seryoso.

                _______________________________________________________________________

                Saan na nga ba tayo? Oo, may nakilala akong magandang babaeng  isang year ang tanda sa akin. Siya si Dora, isang babaeng maputi at may maikling buhok. Nagustuhan ko at na-crush-an. At dahil nasa banda kami, sinubukan namin na mga pogi at makikisig na tumugtog ng kantang may pagka-love song pero hindi nawawala ang kaastigan. Ako, may crush. Si Jimmy, in-love sa gf nya na labanos sa puti, si Lorna. Si Norman, nang-two time sa isang petite na babaeng isang taon ang bata sa amin, at sa isang student teacher na pumatol sa kanya. Na-realize ko noong nagpa-practice teaching ako na isa talaga sa mga ka-batch mo ang magpapaligaw sa estudyante. Buti sa aming mga boys, walang ganun. Ayun, dahil doon, may isa kaming ni-cover na kanta na may chorus na “I want you to know that I miss you, I miss you so…” na nakalimutan ko na ang title. Ayun, “Letters to You” ng alternative band na Finch.

                Dalawa na ang pyesa namin, isang metal at isang alternative rock kaya sa tingin ko, ready na kami sa isang tugtugan. Ang tumugtog sa harap ng maraming tao. Sa isang kagaya ko na erratic at introvert, sobra na akong excited na kahit yung walis na ginagamit ko sa paglilinis, ginagamit kong gitara kasabay sa saliw ng kanta ng Metallica. Excited na ako tumugtog.

                At mga March 19, pista sa isang barrio sa bayan ng Mendez. May balita noon na may tugtugan daw sa hapon at gusto namin tumugtog doon. Pumunta noon sa bahay namin si Norman na kung aking nalimutang ikwento sa inyo ay aking kapitbahay lamang kaya madalas kaming magkwentuhan at mag-usap tungkol sa mga balak sa banda.

                “Nakapagpaalam ka na ba sa Papa mo, Billy?”, tanong ni Norman.

                “Hindi pa eh.”, sagot ko na malumanay, “Tuloy ba talaga iyon?”

                “Oo, sabi ni Lloyd.”, sagot niya. Si Lloyd ay isang gitarista ng makakasabay sana naming banda.

Sound CheckBasahin ang storyang ito ng LIBRE!