THE UNBEARABLE PAIN (CHAPTER 29)

281 10 0

malapit ng matapos baka second to the last chapter na ito. tunghayan ang isang pangyayari na talaga namang sumubok sa galing at talino ni Lemuel. pati ako di ko sukat akalain na may ganon siyang bilis at liksi ng pag iisip, tunay na matalino nga ang pangit nating bisa saludo na ako sa kanya.

CHAPTER 29

LEMUEL POV

Napagkasunduan namin ni Mine na ipapakilala na niya ako ng formal sa family niya, excited na may halong kaba ang nararamdaman ko. Syempre kahit naman na kilala na ako ng daddy at kuya ni Lexus eh di parin maiaalis sa akin ang kabahan, paano ang mama niya at ang mga grandparents niya. Ano ang sasabihin ng mga ito sa akin. Tatanggapin ba ako o lalaitin lang. Basta andaming tumatakbo sa isip ko. Pero teka bago kayo mag isip ng kung ano ano, hindi pa kami ni Mine napag usapan lang din namin na Mine na ang tawagan namin. At pinilit niya talaga ako kasi nga ayaw na daw niya ako mapunta pa sa iba at dapat lang din daw na tawagin ko siyang Mine dahil sa akin na daw siya. At pagkatapos daw ng pagpapakilala niya sa akin sa family niya eh mamamanhikan na daw ito sa amin para wala na daw ako kawala. Hirap isipin noh, parang biro lang talaga kasi naman, ang gwapo ng future boyfriend ko samantalang ako ni wala sa kuyukot ng damuhong yun, baka nga inggron lang ako nun eh haha. Sabagay halata naman sa mukha eh.

Ito na ang pinakahihintay kong araw, ang pagpapakilala ni Lexus sa akin sa Family niya. Susunduin daw niya ako dito sa amin. Kaya naman ako ito naghihintay na sa Prince Charming ko. Oh anak yung lagi namin bilin sayo huh, kung sakaling di ka tanggap ng pamilya ni Lexus ok lang yan, pero pag sila nagbitiw ng masasakit na salita laban sayo ipagtanggol mo lagi sarili mo huwag na huwag kang papayag na apihin ka ng mga yon. Pag ikaw minaltrato at nalaman ko humanda talaga sila sa akin, ako mismo ang susugod sa kanila at susunugin ko sila ng buhay ang paalala ni nanay sa akin. Opo maam, alam ko na po yan bata palang ako kabisado ko na ang linyang yan at bumenta na sa akin yan ng ilang ulit nay haha, ang pagbibiro ko sa nanay ko. Oh siya galingan mong magpaimpress sa mga in laws mo ha, kailangan kasunod niyan kasalan na haha ang natatawa namang sabi ni tatay. Hay naku mag asawa nga kayo puro kayo ganto ganyan, nakakasawa, oo na sige na group hug pampswerte ang sagot ko naman sa kanila. Yan ang anak namin, pangit pero pangit talaga at yun ang totoo ang sabi ni nanay, i second the motion ang sabi naman ni tatay. Ah ganun, Kung ano ang puno siyang bunga ang sabi ko naman sa kanila at nagkatawanan naman kaming tatlo. Ewan rayot talaga sa bahay pag magkakasama kaming tatlo. Pero ansarap lang sa pakiramdam noh na kahit magulang ko sila eh barkada lang ang turingan namin, yan ang sikretong malupet ng pangit niyong bida kaya ganto ang buhay ko, puno ng saya at pagmamahal ng mga magulang ko.

Walang anu ano ay may kumatok sa pinto namin. Oh hayan na ang sundo mo, ang sabi ni nanay sa akin. Nak ang kaya mo yan ang sabi naman ni tatay. Oo na sige na group hug ulit pampaswerte ang sabi ko sa kanila at nag group hug kami ulit. Pumunta na ako sa pinto para pagbuksan ang aking Prinsipe. Pagkabukas ay pumasok agad ito saka nagmano sa mga magulang ko. Nay Tay arbor ko ulit dalaga niyo huh, huwag kayo mag alala kasunod nito ang pamamanhikan ko naman sa inyo, ang sabi niya sa mga ito. Bago umalis ay humalik muna kami sa nanay at tatay ko saka kami tuluyang lumabas at umalis.

Pagdating namin sa bahay nila Lexus ay agad kaming nagtungo sa dining area nila. Andun na ang pamilaya niya at hinihintay nalang talaga ang pagdating namin. Good evening every one, ang bungad ni Lexus sa kanila, nakita ko ang matalim na tingin ng lolo niya sa akin. Good evening po sa inyo ang sabi ko naman sa kanila na may pagyuko pa, parang sa mga intsik. Are you having fun with us LEXUS GREAT? ang tanong ng lolo niya sa kanya, I thought you are going to introduce to us your fiance, but instead you bring home with that fog? Your wasting our time ang matikas at maotoridad na sabi ng lolo niya. Lo siya nga po ang fiance ko, at siya ang taong ipapakilala ko sa inyo ang kalmadong sabi naman ni Lexus sa lolo niya. Are you insane apo? ang sabat ng lola niya, how come na siya ang ipapakilala mo sa amin na fiance mo, unang una hindi siya babae, pangalawa look at him, he dont even deserve  you at all ang sabi naman ng lola niya at tiningnan ako ng mula ulo hanggang paa pabalik balik.

ONE HEART (boyxboy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!