Twisted Love

1 0 0

"Uy ano sasama ka ba sa picnic?"

Kung sabihin ko bang gusto kong sumama, makakasama ba'ko? Ngumiti lang ako ng mapait at iwinika ang isang napakapamilyar na linya sa twing may magtatanong sa'kin ng ganito...

"Tatry ko, magpapaalam lang ako kay papa"

Pagkatapos kong sambitin ang mga salitang iyon agad ko namang inayos ang gamit ko't naupo na lang, senyales na ayaw ko munang makipagusap. Alam ko namang hindi ako papayagan, normal na sa'kin yun. Sanay na rin naman ako ehh. Istrikto si papa lalo na sa mga ganitong klase ng bagay. Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa kanila o iintindihin ko na lang na ginagawa lang naman nila to para sa ikabubuti ko.

Lumabas na muna ako ng classroom. MaoOP lang naman ako kung mananatili ako dun. Wala naman silang ginawa kundi magplano't magkwentuhan tungkol sa picnic namin sa susunod na araw. Nagtungo na lang ako likod ng stage na madalas kong pagtambayan. Naupo ako't kinalkal ang laman ng aking bag. Napasinghap ako sa nakuha ko. Isa nanamang loveletter mula sa kanya. Napangiti naman ako't luminga linga pa sa paligid tsaka ko binuksan at binasa ang laman ng liham niya.

"Ito sana yung sasabihin ko sayo kung sasama ka sa picnic... maraming salamat dahil naging parte ka ng buhay at puso ko.. OA man pero totoo to."

Mas lalong lumapad ang ngiti na nakaguhit sa aking mukha. Aaminin kong gaya ng liham niya patungkol sa nararamdaman niya sa akin ganun at ganun din ang nararamdaman ko sa kanya. Naging kaklase ko siya simula nung grade 3 kami.

"Kung alam mo lang na sa simula pa lang. Kahit wala ka pang ginagawa... nakuha mo na agad ang atensyon ko."

matagal ko na sanag gusto sabihin sa kanya yan kaso... natatakot ako. Ayokong magalit sa'kin sila mama't papa. Pinagbabawalan nila ako. Naiintindihan ko naman sila ehh. Ang kaso nga lang.. mahirap. Sobrang hirap pigilan ang nararamdaman ko sa kanya. Ang hirap na. Nahihirapan na'ko-- hirap na hirap na'ko. Gaya ng tubig sa baso umaapaw kapag puno na. Takpan mo man ito o kung ano pa man. Aapaw at aapaw pa ring yan. Kasi nga puno na. Mahirap magdesisyon. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.. kasi ilang beses ko na siyang tinaboy at pinagsabihan. Pero bakit nga ba kasi ang kulit kulit kulit niya?!! Balik pa rin siya ng balik. Mas lalo niya akong pinapahirapan. Mas lalo niya akong pinapahirapan. Mas lalo ko siyang....... minamahal.

Lumipas ang apat na buwan... apat na buwang siya ang iniisip. Apat na buwang napapangiti ng mag-isa. Apat na buwang kulang sa tulog. Apat na buwang hindi makakain ng maayos. Apat na buwang palihim siyang tinititigan at higit sa lahat... apat na buwang kinikilig sa mga liham na pasekreto niyang nilalagay sa bag ko. Oo mahal ko na siya! At sa apat na buwang iyon mas lalo pang lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya.

Wala naman sigurong masama kung susundin ko ang nararamdaman ko di ba? Hindi ko naman siguro ikapapahamak kung pagbibigyan ko ang sarili kong kaligayahan. Sapat naman siguro ang humigit kumulang anim na taong pagtatago ko nitong nararamdaman ko.. sa araw na'to nakapagdesisyon na'ko. At handa na'kong suklian ang pagmamahal na ibinibigay mo.

"Isang buwan na ang lumipas simula nung sinagot kita. Hindi ko maitatangging masaya ako kasama ka. Mas nakilala kita at mas lalo kitang minahal. Bawat araw siguro inspirado ako. Bawat araw masaya akong bumabangon. Napatitig ako sa bracelet na ibinigay mo sa'kin. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti.. makikita na naman kita. Masaya nanaman ang araw na ito. Mabilis kong inayos ang gamit ko't pumunta na sa school."

"Pasensya na huh.. ngunit di ko maitatangging sa twing lalapit ka sa'kin ay eepekto nanaman ang pagiging makahiya ko. Kahit na isang buwan ng merong tayo nahihiya pa rib ako sa'yo. Siguro hindi lang talaga ako sanay na alam mo ang nararamdaman ko. Sorry huh nasanay kasi akong itago tong nararamdaman ko. Sana maintindihan mo'ko. Kasalukuyan akong nagpapaturo ng technique sa pagbuo nitong puzzle sa kaklase nating tinuturing ko nang kapatid. Alam kong alam mong close kami neto. Pero sana wag kang magselos ahh.. kasi mahal kita IKAW lang at wala nang iba. Lumapit ka sa'kin at nagoffer na tuturuan mo'ko. Pero daglian naman akong hinila ng aking mga paa papalayo sayo. Nainis naman ako sa sarili ko. Bakit ba kasi kailangan pang umiral ng pagiging makahiya ko!! Babalik na sana ako't pupuntahan ka para kausapin at humingi ng pangunawa mo ngunit nakita kong may kausap kang ibang babae. May tiwala naman ako sayo ehh. Kaso nga lang di ko maiwasang magselos lalo pa't nakikita ko kung pano kuminang yangmga mata mo habang kausap sya at kung ganu katamis yang mga ngiti mo na madalas mo lang ibigay sa'kin. Alam kong mali tong nararamdaman ko pero di ko naman kasi maiwasan magselos ehh. Natural lang naman to diba? Basta ang importante may tiwala ako sayo kasi nga mahal kita. Umupo na lang ako sa tabi nung dumating ang ating teacher.

Habang abalang magdiscuss si mam abala rin ako sa pagiisip kung anong magandang sorpresa sayo para sa monthsary natin.

Pero mukhang mas nasorpresa ata ako nung mabasa ko ang liham na ipinaabot mo mula sa kaklase natin.

"Siguro mas maganda kung magbreak na lang tayo"

Iyang mga linyang yan ang tuluyang nakapagpatigil ng tibok ng puso ko. Bakit? Anong nagawa ko?? Agad na tumulo ang luha ko kaya naman nagmadali akong lumabas ng room papuntang CR at nagkulong sa cubicle. Dun ko binuhos lahat ng luha ko. May mali ba akong nagawa?? May pagkukulang ba'ko?? Papalabas na sana ako ng CR para kausapin ka ngunit narinig ko pamilyar na boses mo.

"Ginawa ko na kung anong gusto mo. Pwede nang maging tayo di ba?? Iniwan ko na siya para sayo. Sapat na siguro yun di ba. Mahal na mahal kita. Sa mga nakikita ko sa mukha mo sa isang buwan na naging kami nung kaklase natin batid kong nasasaktan ka. Di ko kayang makita kang nasasaktan. Kaya itinigil ko na tong kalokohan ko. Pero masaya ako. Kasi dahil sa kanya... nakitaan kita ng selos.. dahil sa kanya nakitaan ko ang sarili ko ng pag-asa sayo. Please lang bigyan mo'ko ng chance. Iniwan ko na sya. Ikaw lang ang mahal ko at hindi sya." panu naman ako? Ganun na lang ba talaga kadali sa yong paglaruan ako? Hindi ko akalaing magagawa mo sakin to. Sinaktan mo lang ako.

Bakit ganun? Ganito na lang ba pag nagmamahal.. NASASAKTAN??

Dapat siguro di na lang ako nagpadala sa mga pambobola mo. Dapat siguro nakinig na lang ako kanila mama't papa. Eh di sana di ako nasasaktan. Eh di sana di ako umiiyak. Eh di sana hindi ako..... NALOKO.

Sa paglabas ko ng CR nato. Ipinapangako kong hindi mo makikita ang sakit na nararamdaman ko. Hinding hindi ako maghahabol sayo.

Mahirap akong kalaban! Kasi kahit na talo ako.... hinding hindi ko ipaparamdam sayong panalo ka. Salamat sa pagbibigay sa'kin ng rason para hindi agad magtiwala. Salamat na lang sa larong to.

Inayos ko muna ang sarili ko tsaka ako lumabas ng CR nginitian ko kayo ng pagkalapad lapad.

Sorry ka na lang pero walang magiging panalo sa larong to....

SHORT STORIESBasahin ang storyang ito ng LIBRE!