For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Jodie's POV

Mula sa kinauupuan ko nakikita ko ang mga kaibigan ko na masayang nakikipagsayawan sa gitna ng dancefloor. Si Nadine kahit na halatang naiinis sa presensya ni Third, alam kong gusto nya pa din yang kasama. The more you hate the more you love ang peg nilang dalawa.

Habang sila Hanna naman, ayun halos hindi na mapaghiwalay sa pagyayakapan. Ang saya saya kaya ng tugtog tapos sweet dance yung trip nila. Aba kakaiba talaga silang couple pero kahit ganon happy pa din ako para sa kanila.

Samantalang ako? Nandito nakaupo. Anong ginagawa? Edi lumalamon, ano pa bang gagawin ko dito. Yon lang naman yung habol ko. Haha! Pero syempre joke lang, pangalawa nalang yon. Kung hinahanap nyo si Yuan, wala! Nakipagbreak na ako kanina... Kidding! Ako makikipagbreak? Hindi no! Magsawa sya sakin.

Nagpaalam lang na magrerestroom muna. Magpapapogi siguro sakin, hehehe. Ay teka nandito na pala yung hubby ko eh, kasama nya si Vincent tsaka si Mitsui.

Lumapit na sila sakin. Ang ganda ko naman talaga diba? Tatlong gwapong lalaki ang papalapit sa kinaroroonan ko pero syempre walang tatalo sa gandang lalaki ng hubby ko. Bias ko yan eh! Haha!

"Hi Jodie." bati ni Vincent sabay halik sa pisngi ko.

Hindi pa din talaga nagbago 'to. PDA padin. Tumingin ako kay Yuan at mukhang hindi naman sya galit. Nagkakaintindihan na kasi silang magkakaibigan. Wala ng nagaganap na selosan.

Si Mitsui naman pinat lang nya yung ulo ko. Hilig talaga nyang gawin yon. Ginagawa akong bata, kahit hindi na naman.

"San kayo galing?" tanong ko ng makaupo sila.

Tumabi si Yuan sakin at pinulupot nya yung kamay nya sa waist ko. Bigla tuloy lumundag yung puso ko sa gulat. Minsan talaga nakakagulat nalang yung mga ginagawa ni Yuan sakin pero nasasanay nalang ako.

"Dyan lang, naghanap ng chicks." sagot ni Mitsui at sinamaan ko sya ng tingin. Grabe dinadamay pa nya ang hubby ko sa kalokohan nya.

"Huwag ka magbiro ng ganyan Mitsui maya nyan maniwala talaga sayo si Jodie." natatawang sabi ni Vince.

"Totoo namang naghanap tayo ng chicks diba Yuan?" unting-unti nalang talaga mababato ko ng kutsara 'tong si Mitsui.

Nagkibit balikat lang si Yuan sabay tingin sakin. Sheez! Kinikilig pa din ako kapag ganyan yung mga tinginan ni Yuan sakin. Para na akong maiihi sa kilig!

"Kanina ka pa kain ng kain Wifey, hindi ka pa din nabubusog?" tanong nya habang nakatingin sa kinakain ko. Sa hindi ako mabusog busog eh.

"Hindi naman nakakabusog to, tsaka nakakadalawa palang naman ako." sabi ko naman at sumubo ulit ako ng pagkain.

Sarap talaga ng pagkain sa mga ganitong okasyon. Buti nalang hindi ako kumain kanina sa bahay.

Napatigil ako sa pag-nguya ng mapansin kong nakatitig pa din si Yuan sakin. May dumi ba ako sa mukha? Bigla tuloy akong napalunok at kinuha ko yung baso na may tubig at tinungga yon.

"B-bakit?" nauutal kong tanong sa kanya. Grabe naman kasing makatitig si Yuan, para akong hinuhubaran.

Umiling naman sya.

"Bakit nga? May dumi ba ko sa mukha? Nasan?... Yuan naman eh!" kinuha ko yung salamin ko sa pouch na dala ko. Hindi talaga ako naniniwala kay Yuan na wala lang yung pagtitig nya.

Pagtingin ko sa mukha ko wala namang dumi. Pinagtitripan lang ata ko nitong magaling kong boyfriend eh! Buti nalang umalis na sina Vincent at Mitsui, may inaya ata silang girl para sumayaw. Sweet dance na kasi yung pinapatugtog ngayon.

"Ang cute mo kasi." kinurot ko sya kaya napa-aray sya. Natawa nalang ako.

Hindi pa din talaga ako makapaniwalang kami na. Parang kelan lang pasulyap sulyap lang ako sa kanya tapos naging tutor ko sya at ngayon kami na.

"Yuan kelan mo pa nalaman na mahal mo ko?" tanong ko.

Nilagay nya yung kamay nya sa sentido nya na parang nag-iisip. Ang cute nya lang kapag seryoso sya.

Nakangiti lang ako habang nakatingin sa kanya. Grabe, hindi talaga ako magsasawang pagmasdan si Yuan hanggang sa pagtanda namin. Sana lang kami na talaga hanggang sa huli.

"Tagal mo naman sumagot. Ganon ba kahirap yung tanong ko?" sabi ko sa kanya. Kasi naman kanina pa ata sya nag-iisip nung isasagot nya sa tanong ko.

Tapos nakangiti lang sya habang nakatingin ako. Nagpapacute ang loko. Hahaha! Pero cute naman talaga sya eh! Hindi nakakasawa yung pagmumukha nya. Itinuon ko nalang yung tingin ko sa dancefloor, mukhang wala naman kasi syang balak sagutin yung tanong ko.

"Wifey." tawag ni Yuan kaya napalingon ako.

*Tsup!*

Saktong paglingon ko ay malapit pala yung mukha nya sakin kaya nakaisa na naman sya ng halik.

"Waahh, Hubby ang manyak mo!" hysterical na sabi ko at pinagpapalo ko sya. Pwede naman syang magsabi eh, ginulat pa nya ako.

Natatawa lang syang umiilag sa mga palo ko kaya imbes na mainis ay nahawa na din ako sa pagtawa nya. Hindi talaga ako magsasawang marinig ang pagtawa nya. Nakakagaan ng loob, parang kami lang yung tao sa paligid kung magharutan kami.

Hinawakan nya yung kamay ko at hinila para mayakap nya ko. Siguro pinagbubulungan na kami ng mga estudyante dito. Si Yuan naman kasi, ang PDA masyado.

Naramdaman kong hinaplos nya yung buhok ko at hindi ko tuloy mapigilang hindi mapangiti.

"Mahal na mahal kita Jodie, promise mo na sakin ka lang." sunod sunod naman yung naging pagtango ko.

"I love you Yuan. Promise ikaw lang." sabi ko habang magkayakap pa din kami.

Ngayon pa lang ang simula ng pagmamahalan namin ni Yuan at sana makayanan namin hanggang sa huli. Sana naman walang maging kontrabida sa relasyon naming dalawa pero kung meron man... Handa akong harapin sya.

***

Waahhh, Hindi ko kayang hadlangan ang pagmamahalan ng dalawa kong minamahal na character. Pero kaylangan eh. Huhuhu.

Mianhe YuanDie -_-

Get ready for the bigger twist.

Crush On YouBasahin ang storyang ito ng LIBRE!