A strong sense of humor is generally associated with intelligence and honesty. This is why most women are attracted to men who possess a strong sense of humor.
-PSYCHOLOGICAL FACT ABOUT LOVE.
Article Written by FLORENCE NG

⇨MEET JHELA SALES⇦

"Jhella!!!!" sigaw ng mga dati kong kaklase

at kakilala na noon pang elementary na

kaklase ko na ulit ngaun. Magulo? Yeah right.

We were all jumping up and down and so
overwhelmed with joy because finally... we're back together.

Nagtransfer ako sa Manila noong first year highschool ako, pero dito ako sa  Naga City nag Elementary. This is where I'd spent most of my childhood days kaya madami pa din akong kakilala. Gets na? Good.

Mahirap ang buhay sa Manila kaya bumalik ulit kami dito pagkalipas ng isang taon. Hiwalay na ang mama at papa ko at nasa puder ako ng papa ko kasama ang dalawa ko pang kambal na mga kapatid. I am 6 years older than them .

Bali second year highschool na ako ngayon. At sana dito na kami hanggang makatapos ako ng highschool. Mas payapa kasi ang buhay ko dito.

"tsss.. hindi naman halatang na miss nyo ako anuh!?" natatawang sabi ko sa kanila, kinuyog kasi nila ako ng yakap. We were like crazy frogs here.

Isa rin ito sa mga nagustuhan ko dito.

marami akong kaibigan sa lugar na to di katulad sa Manila na puro pambubully ang napala ko.
Sa Manila pati ang bilis ng panahon.. at hindi pwede dun ang katulad kong lampa.

Pero dito ramdam kong tanggap ako, mahal ako, may masasandalan ako, may uunawa at gagabay, tipong di ko kailangan magtago at magpanggap sa katauhang hindi naman talaga ako.

Kahit pa may malalaki akong salamin sa mata na halos takluban na yong mukha ko okey lang. Kasi ang nakikita ng mga kaibigan ko dito ay ang puso ko at hindi ang itsura ko.

At ang matindi sa lahat eh may kasama ako sa kalukuhan! :)

That's what life is supposed to be diba.. full of fun. Ika nga "JUST ENJOY THE RIDE"

normal din ako nag luluko hahahah

Maingay din ako.. pero dito lang din, kasama ang baliw ko ding mga kaibigan.

" porket Manila Girl kana ganyan ka na hah! bakit ikaw ba? di mo ba kami namiss? sabihin mong oo at magpapatiwakal na ko ora mismo!" tanong ng pinsan kong si Cheska na kaklase ko na pala ngayon. Nag pout ang pinsan ko.

arte! hehe mana mana lng yan :)

"syempre miss ko kau, miss na miss takot ko lang na multuhin mo ko!" sabi ko sabay tawa. "mabuti nga at nakabalik na ulit kami dito, mahirap sa manila kung alam nyo lang ang mga pinag daanan namin dun grabe." dagdag ko pa with rolling eyes pa just to show them how I hate it while we were in Manila. Halata na ba masyadong bitter ako sa Manila ? CANT HELP IT IM SORRY

"oo nga gurl ang itim mo, idol pa naman namin ang makinis mong balat nung grade 6 tayo, sinira mo na grabe ka..mukhang nagpabaya ka ah. ni hindi mo nga kami man lang kinukuntak e, pati nga ngayon hindi mo lang sinabing nakabalik ka na pa!" sabi ni JASMIN pinaka maingay saming magkakaibigan walang pagod ang bunganga niyan hahaha
maputi ako,noon. Yon ang kaisa isang pinag papasalamat ko na namana ko sa mama kong mang iiwan..bitter much hehe..

kaso nasunog ako dahil sa init ng araw sa Manila.

"hmmm.. sorry guys" lumungkot ang mukha ko "masyado lang talagang nag iba ang buhay ko sa Manila. Napilitan akong maging matured agad sa murang edad ko pa lang" totoo yon. Tinutulungan ko kasi si papa doon na magtinda at maglako sa palengke tuwing pagkatapos ng klase ko para lang mairaos ang pangaraw-araw naming pangangailangan.

"pero hindi ka pa din tumangkad!" sabad ni Cheska I knew it! Cheska was the kind of person who lift the mood up whenever she feels like something's going to turn bad.. Natawa naman agad ako hindi pa din siya nagbabago.. and I love that side of her.

"wow ha! hiyang hiya naman ako sa height mo!!! SExy naman at maganda pa din, kaya okay lang kahit kinapos sa height!" I snapped then rolled my eyes again saka tumawa ng malakas.

"hangin eh! hindi naman ako nainform na dumating na pala ang bagyong Jhella di sana nagdala ako ng jacket!" sabi nong boses na mula sa likod ko.
Yon ang boses na namiss ko talaga! Lumawak ang pagkakangiti ko.

"Errol!!!" sigaw ko at niyakap ko kaagad sya. Bestfriend ko sya mula Grade 3 pa lang kami. Parang magkapatid na nga kami eh.

Naks naman lalong tumatangkad at gumagwapo si mokong ahhh! madami na siguro syang chicks!

"ep! bitaw! bawal yumakap ang mga nakakalimot na bata!!" sabi niyang kunwari ay tampo.
Kakalas na sana ako pero hinila niya ulit ako at niyakap ng mahigpit.

" jOKe lang, I miss you Pinky" bulong niya. He's calling me Pinky ever since kasi tuwang-tuwa siya lagi kapag nag ba blush ako tuwing.... MAGSISINUNGALING. weird? Yeah weird.

"ahhhhhhh! ang sweet!!!!!" sabay sabay na kantyaw ng mga kaklase namin.

"Inggit lang kayo!!!" sigaw namin pareho :D

[•to be continue•]

*****read read pa more :)*****

"Everything has its perfect timing"
-unknown

@chocoaddict :)

Love and Kisses :)

© All Rights Reserved ©

Crazy LOve(TAGALOG)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!