CHAPTER FOURTEEN

675 22 2

<Tiana>

Did she heard him right? Nagseselos si Leon? Pero bakit? Does that mean he is feeling something for her?

Lumayo ulit si Leon sa kanya at nagsimula na itong maglakad ulit papalayo sa kanya. Gustong malinawan ni Tiana. She wants to make sure if hindi lang sya ang nakakaramdam ng ganitong attraction. She wants to know that Leon and her are on the same boat.

She ran towards Leon and then humarang sya sa harapan nito agad namang napahinto sa paglalakad ang lalaki pero iwas ang tingin nito.

“Bakit ka naman nagseselos Leon?” she asks him. Hindi ito sumagot sa tanong nya.

“Tell me why?” she insisted.

“Stay away from me Tiana.” Mahinang sinabi nito sa kanya and then hinawi sya nito at nagpatuloy sa paglalakad pabalik ng shelter nila.

Lalong kumulo yung dugo ni Tiana. She wants to get answers right now or else mababaliw sya kakaisip!

Padabog nyang sinundan si Leon at humarang ulit sa harapan nito. Galit nyang hinarap ang binata.

“I told you to stay away from me.” Leon warned her.

“At bakit naman?” she asked him habang mas lumalapit sya kay Leon. She saw his jaw clenched.

“Oo inaamin ko na!” she exclaimed. “Madaming madami ng lalaki ang humalik sa labi ko. Madami ng lalaki ang humaplos sa katawan ko! At wala kang pakialam dun!”

Tiana is lying. NBSB nga sya diba? Pero she is really curious kung ano ang magiging reaksyon ng binata sa mga sinabi nya.

Lalong nagdilim yung mga mata ni Leon. Dapat ba syang matakot dito? Pero buo na ang desisyon sya. She will not back down this time. Hindi na sya magpapatalo pa sa lalaking ito! Nakipagtitigan sya kay Leon.

“Let’s see if you’re telling the truth doktora Santiaguel.” Leon said to her, then he grabbed her by the waist and he claimed her lips. Panic started to kicked in. He is roughly kissing her lips. She doesn’t know how to respond dahil unang beses pa lang nyang makatikim ng mga labi at kay Leon pa!

She tried to push him away pero hindi pumayag si Leon. He even deepened their kiss and his tongue forced itself inside her mouth. Nanlaki yung mga mata ni Tiana sa ginawang iyon ni Leon. But when she was about to push him away Leon suddenly softened the kiss.

She felt one of his hands caressing her nape and the other her back. Nanlamot yung mga tuhod ni Tiana kaya wala na syang nagawa kundi isabit ang mga kamay nya sa leeg ng binata to prevent herself from falling down. She started to answer his kisses by copying what Leon is doing to her and then she closes her eyes. One of her hands found itself caressing Leon’s hair. Tiana was lost in oblivion when suddenly Leon stopped.

Napadilat sya. They were both catching their breath. Leon was looking at her passionately but that look suddenly changed into shock. Inilayo sya ng binata at inilagay sa loob ng bulsa ang mga kamay nito.

“S-sorry.” He said to her while looking down. Hindi nakapagsalita si Tiana she was still out of breath due to their kiss. She can still feel her hormones in a derange state. She finally gets it. Hindi lang sya ninakawan ng halik ngayon ni Leon pati puso nya at ninakaw na din nito.

There’s no point denying now. She has fallen in love with this guy. It may sound impossible but it’s true. Sa maikling panahong nakasama nya si Leon ay natutunan na nyang mahalin ito.

Leon started walking again but this time hinayaan na lang nyang makaalis ang binata. She knows that they both need some time alone dahil sigurado syang kahit ito ay nagulat din sa nangyari ngayon sa kanilang dalawa.

StrandedBasahin ang storyang ito ng LIBRE!