For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

YABTO - Chapter 4

170 13 4

sorry for the long wait :* :)

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

SHARLENE

Valentine’s Day ngayon! Dati, ayaw na ayaw ko sa araw na ito. Bitter ba? Haha sorry, single eh. Pero nagiging masaya naman yung Valentine’s, kasama ko mga kaibigan ko eh. Ngayon? Ewan ko lang.

Kasi naman, hindi pa ako tinetext nung panget na yun! Wala man lang “good morning” o “happy valentine’s” ghard, wala. Pakita ko pa inbox ko sa inyo eh!

Makatulog na nga lang ulit tutal 3:00 am pa lang naman.

Zzzzzzzzzzzzzzz

[We’re entering the dreamland of Shar]

“Bye babe, magingat ka palagi” Sabi ko sa kanya. Aalis na siya. Uuwi na sa kanila.

“Yes babe” sagot niya

“Do you need to go home na talaga? Gabing-gabi na oh. Delikado” sabi ko.

“Yes babe. Don’t worry; I can take care of myself.”

“Inom ka muna ng kape oh *sabay abot ko sa kanya ng kape* baka antukin ka sa byahe. Delikado yun.” Binaba nya yung tasa na may kape, nilagay niya sa mesa na katabi namin.

“Babe, nakailang kape na ba ako ngayon? Saka hindi pa ako inaantok oh.” Sabi niya tapos sumayaw siya ng chicken dance. Pero kahit ganun, parang hindi ako makuntento. Ewan, ang hirap iexplain.

“Huwag mo akong papatayan ng phone ah? I-open mo lang yang phone mo, sagutin mo kaagad kapag tumawag ako, dahan dahan lang sa pagdridrive, tawagan mo ako kapag nandun kana, wag mong bibilsan pagpapatakbo mo, huwag na huwag kang matutulog ah, umuwi ka agad, wag nang paligoy-ligoy, wag mong kakalimutan y--” hinalikan niya ako dahilan kaya ako’y napatigil sa pagsasalita.

1 2 3 4 5 seconds

“Yes, babe, I won’t forget that. I love you, I need to go.” Sabi niya

“I love you too. Mag-ingat ka.” Sabi ko sakanya

Pasakay na siya ng kotse niya ng habulin ko siya at hinalikan siya. Smack lang naman at niyakap siya ng sobrang higpit.

1 hour.

 Hubby calling…

“Hey babe! Sorry kung ngayon lang ako nakatawag” Bungad niya sakin pagkasagot ko ng phone.

Thank God dahil walang nangyari sa kaniyang masama.

“Asan kana?” Tanong ko sa kanya

“Nagpa-gas lang ako saglit tapos nag-cr. At tinawagan na din kita.” Sabi niya. Narinig ko yung click ng kotse, ni-lock niya siguro. Narinig ko na din nag-start ang gas. So, bumibiyahe na ulit siya.

“Mag-ingat ka ah!” Paalala ko ulit sa kaniya

“I love youuuu, ma.” Sabi niya

“I love you moreeee, da.” Sagot ko sa kaniya

“Mahal na mahal kita ah.”

“Mahal na mahal na maha—“

BEEP! BEEP!

BLAAG!!

“HELLO! DA! HUBBY! BABE! JAIRUS! UYY! JAIRUS!!” sigaw na ako ng sigaw dito. Nilapitan na ako ni Alexa kasi umiiyak nako.

“Babe, wala namang ganyanan.” Sabi ko over the phone.

***

“Babe! Babe! Babe! Babe! Uyyy.”

Nagising ako na hinahabol ko ang hininga ko. Napatigin ako sa gumigising sakin. Nandito siya!

“Babe, anong nangyari sayo? Ba’t ka umiiyak?” Tanong niya sakin

Pinunasan ko yung luha ko at kinalmado ang sarili ko

“Nandito ka.” Bulong ko pero sa tingin ko narinig niya.

“Malamang, nandito ako babe.” Nayakap ko nalang siya bigla. Niyakap ko siya ng sobrang higpit.

***

Hindi mawala sa isip ko yung bangungot na yun. Valentine’s na valentine’s ganon ang panaginip ko. Sana hindi naman mangyari yung ganon.

“babe, ano ba yung nangyari kanina? Ano yung napaginipan mo?” kinukulit ako netong katabi ko. Napakakulit.

Dahil sa nakulitan ako, at isa pa boyfriend slash asawa ko siya, may karapatan naman siyang malaman kung ano man yun. Kaya kinuwento ko sa kaniya.

“babe, ano kaba? Panaginip lang yun. Sabi nga nila, yung mga panaginip kabaliktaran ng mangyayari sa realidad o sa buhay ng tao. At isa pa, hinding-hindi kita iiwan. Never!” sabi niya at niyakap niya ako at hinalikan ang noo ko.

***

 Nadatnan ko lang naman sa room ko na puro pink roses sa kama ko. Tapos may table for two sa gitna, candlelit dinner ang nangyari kanina. Lahat ng pagkain ay luto ni Jai, syempre. Ang sarap nga niya magluto eh, daig pa ako. Binigyan niya pa ako ng necklace. Yung sa akin nakasulat His Only, yung sa kaniya naman Her One tapos parehas pa yung may heart.

Kahit may hindi magandang nangyari nung umaga, maganda naman ang wakas ng araw na ito.

YTO(BOOK2): You're Always Be The One (JAILENE)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!