Guys, unang una sa lahat. Wala naman po talaga kong PLOTS or plano for this story. Wag niyo po sana akong send-an ng direct messages na "Ang bagal mo mag-update samantalang may plots ka naman ata." Wala po akong plots guys. Promise. Isinusulat ko ang mga pumapasok sa isip ko without thinking na kung anong kakalabasan. Wala namang nagbabasa e. Kaya kapag sinipag lang ako. Kung gusto niyong mag update ako ng mag-update, mag vote and comment kayo ng mag vote and comment. Nakakatamad kasi guys. Yuh, alam kong walang magbabasa nito. Kaya sige go. Ituloy nyo na. Bye.

-loveyngrid.

**

BELLE'S POV

Tatlong linggo na ang lumipas simula nung last kaming nakapag-usap ni Nash. Tapos may bagong classmates. Jaydee pangalan nung isa. Kakilala ni Alexa. Tapos yung isa, Hunter ata. Ewan ko. Kalagitnaan na naglilipat padin ng section. Ts.

"Belle!" Natigil ako ng tawagin ako ni Janet. Vacant ngayon. Pero hindi ako masyado tumingin kasi katabi niya si Nash. Nakikipag-kwentuhan ata. Dalawang upuan lang agwat namin.

"Oh?" Tipid kong tanong tapos binawi ko na din yung tingin ko sakanya. Hindi naman din kasi nakatingin si Nash.

"Totoo ba?" Nalatingin ulit ako. This time, sila ng dalawa ang nakatingin kaya nailang ako.

"Ang alin?" Tanong ko sabay iwas ng tingin sakanilang dalawa. Hinarap ko ang ipod ko.

"Bastos?! Humarap ka kaya!!" Napairap ako. Kahit kailan talaga tong babaing to. Humarap ako ng may katarayan sakanila.

"Ang alin ba?" Kunot noo kong tanong. Inirapan ako ni Janet.

"Na may gusto sayo si Hunter Oxyll Torres kaya nalipat dito." Umiwas ng tingin si Nash sakin. Napaiwas din ako. Hindi ko alam. Hindi ko nga kilala yon e.

"Ah.. Nanliligaw na?" Napabalik ako ng tingin kay Janet. Sa pagkakatanda ko kasi hindi ako sumagot ng 'Oo'. Hindi naman ako sumasagot ah?

"Ah... Balak mong sagutin?" Nakita kong tumayo na si Nash at lumakad palayo samin. Anong gimik ni Janet? Napairap ako.

"Anong trip mo?" Inis kong tanong sakanya.

"Yiiie. May nagseselos kasi!" Selos? Sino?

"Sino?"

"Kailangan ko pa bang isigaw?"

Slow ako ngayon. Kaya hindi ko siya talaga ma-gets. Napataas ang kilay ko ng may halong pagtataka.

"Nashhhhhhhh!" Lumaki ang mga mata ko. Siya ba talaga yung nagseselos? Bat kailangan isigaw ni Janet? Omyghad!

"Oh?" Lumapit nanaman si Nash samin kaya bumilis ang tibok ng puso ko. Walangya. Hanggang ngayon kahit break na kami andito pa din yung feelings ko sakanya. Nakakainis. Hindi parin nagbago epekto nya sakin. At hindi na yata magbabago pa yon! Baka mamaya kahit magkaron na ko ng pamilya na ako ang nanay pag nakita ko siya bibilis ulit tibok ng puso ko! Baka magselos asawa ko! Baka patayin ako non dahil sa selos! Wag naman sana!

"Nakakalunod." Nabalik ako sa wisyo. Ang kaninang dalawang upuang agwat ngayon ay katabi ko na. Napaka-hyper.

"Ang hyper mo nanaman" inirapan ko lang siya.

"Hard! Sampal?" Inirapan ko ulit siya at humarap na lang sa blackboard.

"Ang haba talaga ng buhok mo! Abot hanggang Baguio!" Hindi ko pinapansin si Janet dahil kung ano anong kabaliwan lang ang sinasabi ng loka.

"Una si Nash. Ngayon naman si Marcus! Nako nako! Baka pati si Jaydee ha!" Napairap ulit ako at hinarap siya.

"Pwede ba Janet. Hindi ko na kilala mga pinagsasasabi mo e."

DIARY NG GIRLFRIEND NI NASH AGUAS <3Basahin ang storyang ito ng LIBRE!