Chapter 3

16 0 0

"Ah-ano...

Ganyan lang ako. Hindi ko alam kung bakit walang lumalabas na salita sa bibig ko.

"Ano?" Sabi nya. Halata sa boses nya na naiinis na sya.

"Ahmmm. Ano kase...Wala lang." Yan ang lumabas sa bibig ko. Ano ka ba naman Zeny! Anong sagot yon! Yan ang nasa isip ko ngayon.

"Tss!" Iritang sabi nya. Tapos lumabas na sya ng rooftop habang nakapabulsa ang mga kamay nya.

Ang gwapo nya talaga. Kahit nakatalikod na sya Halata paring pogi sya.

Tinignan ko lang yung mga taong nasa baba. Ang dami nila para silang mga langgam. Pero isa lang ang nakaagaw ng atensyon ko. Isang lalake na nakaluhod at isang lalaki na nakatayo sa harap nya. Madaming mga taong nakapulong sa kanila pinapanood yata sila. Kahit malayo ako nakilala ko rin yung lalaking nakatayo. Si Nash! Ano kayang ginagawa nya? Napansin ko rin na basa yung uniform nung lalakeng nakaluhod.

Bumaba ako para malaman kung ano ang nangyayari. Tsismosa na kung tsismosa! E gusto ko lang malaman kung anong ginagawa nung manok na yun! Teka... hindi sa interesado ako sa manok na yun. Ano lang..... Ugh! Basta!

Nakapunta ako sa mga napulong doon. Nakisisik ako para makita kung ano ang nangyayari. Sa kakasisik ko napunta ako sa harap.

Nakaluhod parin yung lalaki habang nakayuko at yung manok na yon nakatayo parin habang nasa likod nya naman yung mga lalaking kasama nya.

Andaming nanonood at yung iba nagbubulungan pa.

Nakita ko yung itsura nung lalake na nakasalamin ng makapal sa tingin ko isa syang Nerd.

"Ano? Tatanga ka na lang dyan? Hahayaan mo na naman na mapahiya ka? Lumaban ka." Madiin na sabi ni Manok.

Halata sa itsura ng nerd na nanggigil na sya at nanginginig yung mga kamao nya sa galit.

Dahan dahang tumayo yung Nerd at mabilis na na sinuntok si Manok.

OMG!! Wala bang aawat sa kanila?!

=====================

Nash P.O.V.

Nabigla ako ng sinuntok ako ng kumag nato. Argh!! Eto yung unang beses na lumaban sya sakin.

Hinawak ko yung labi ko na dumugo dahil sa suntok nya. Yan ang gusto Ko, lumalaban.

Sinugod ko sya at binigwasan ng suntok. Napahiga sya sa lakas ng suntok ko.

"Awatin nyo sila!!" Sigaw ng isang babae.

Napatingin ako kung saan nanggaling yon. Si Zeny. Ano na naman ginagawa ng babaeng to dito?!

"Edi ikaw umawat para mabigyan ka rin ng blackeye!"

Hindi na pinansin ni Zeny yung sumigaw at sya na mismo ang tumulong sa Nerd na yon.

Nang natayo nya na si Nerd pumunta sya sa harapan ko at sumigaw.

"Ikaw! *turo sakin* Pati ba naman walang kalaban laban pinapatulan mo na?! Wala ka na bang magawa sa buhay mo?! Wala kang awa! Wala ka rin kasing sama!" Sigaw nya at binigyan nya ako ng isang malakas na suntok sa kabila ng mukha ko. Shit! Ang sakit! Nasuntok ang magkabilaang mukha ko!

Pagkatapos nya akong suntukin kumaripas na sya ng takbo kasama ng nerd na yun. Tatakbuhan nya na naman?! Arghh!!

Gulat na gulat yung mga mukha ng mga nanonood at nagbubulungan dahil sa ginawa ng babaeng yun sakin.

"Ano tingin tingin nyo?! Gusto nyo rin magkablackeye?!" Galit na sigaw ko sa kanila. Kainis! Mga tsismosa at tsismoso!

Agad naman silang nagsitakbuhan dahil sa takot.

Unexpected LoverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!