CHAPTER 3: CALIXTA AND CANNEDIE SANTIVANUEZ

5 0 0

CHAPTER 3: CALIXTA AND CANNEDIE SANTIVANUEZ

Napailing ako ng nakita ko ang mga mata ko sa salamin. Sobrang maga naman kasi to the point na parang nakapikit ako. 

" Cannie. Di ka pa ba gising??" Nagulat ako ng biglang sumulpot ang dyosa.

" Gising na po dyosa."

" OMG!!. As in GOSH!!." pasigaw na sabi niya " Cannie anung ibig sabihin ng mga mata na yan??. Nabigo ka ba sa pag ibig??" sabi niya pa.

Di ko alam kung nag aalala o nang iinsulto itong kapatid ko sa tanong niya. Kaloka. Hindi ko tuloy napigilan ng pag ikot ng mga eyeballs ko!.

" Hoy. Cannie. wag mong yang pag ikot ng mata mo sa akin ah!. Tandaan mo mas matanda ako.

" Nang 1minute po ate. matanda ka ng 1minute. At puwede ba ate. huminahon ka?."

" Paano ako hihinahon??. e ni hindi mo pa nga naikukwento kung bakit maga ang mata mo."

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mukha ko " okay ka lang ba??. Sino ba yang dahilan ng pag iyak mo??. papabugbog ko dali." napangiti ako sa sinabi niya. ang ate ko talaga. di lang halata pero war freak yan. lalo na pag dating sa akin. 

Naalala ko noon ako lagi ang inaaway at binubully sa school kasi daw ang panget ko kumpara kat Calixta na palaayos simula pa bata kami. Ako kasi yung taong makapag suklay lang ng isang beses okay na.

May isang batang babae noon nagalit na galita sa akin dahil kapatid ko daw si Calixta. kaya yun pinagdiskitahan ako. itinago niya lahat ng gamit ko sa locker ko. Di na ako nakapasok ng klase sa kakahanap noon. Nang nalaman ni ate ang nangyari sa mga samit ko agad niyang ginamit yung mga connection nya ( Nice. connection talaga). Yup connection talaga. kasi noo n palang nag momodel na siya. Sa sobrang kasikatan din niya sa school ang dami niyang kakilala.

Kinabukasan noon nandoon na yung gamit ko at may cake pa. haha. ang saya saya ko noon.

" Grabe. kakatakot palang awayin ang kambal na yan. lalo na si Calixta nakakatakot siyang magalit" narinig kong sinabi ng chikadora #1

" Oo nga. walang pakialam si Calixta sa reputasyon niya noh??. maipagtanggol lang itong panget niyang kapatid." sabi ni chickadora #2

" Pakialam niya sa buhay namin huh??" Galit na sabi ni ate.

Oh-Huh. Patay ginali nila ang dyosa. kakatakot. *shivers*

" At ikaw!!. " Itinuro niya si chikadora #2 " Sinong tinatawag mong panget huh?"

" ha?. eh. a" walang masabi si #2 haha. natakot sa ate ko.

" sa susunod na awayin niyo ulit ang kapatid ko makikita niyo talaga kung paano ako magalit in live action!. Kaya tsupi." haha nakita ko yung mga tsismosa na nag takbuhan. haha iba talaga ang ate ko.

TOSSED COINBasahin ang storyang ito ng LIBRE!